Chapter 10: First Kiss

144 10 8
                                    

Nginitian ako ni Sehun at Luhan na kasalukuyang busy sa paglalaro ng isang video game.

Mababait naman yung ibang members pero pagkatapos nilang magpakilala ay back to business na.

Mabalik naman tayo kay Jongin. Hanggang ngayon nakatingin pa rin siya sakin. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sakanya. Hindi ko rin alam kung ano mararamdaman ko.

"Jongin?" automatic na lumabas sa bibig ko yung nasa isip ko.

Biglang nagsalita yung isang member na parang makakapatay yung tingin niya na nanggagaling mula sa kanyang mala-kwagong mga mata.

"Magkakilala kayo?" tumingin muna siya sakin, pagkatapos ay kay Jongin naman.

"Ah oo! Nagkakilala kami nung iligtas niya ko sa mga humahabol saking fans doon sa may park!" sagot naman ni Jongin.

Naki-oo nalang ako kahit hindi ko naman talaga siya niligtas. •﹏•

"Doray, tara mag usap tayo sa labas."

Sumama ako kay Jongin.

"Bakit di mo sakin agad sinabi?" bungad ko sakanya.

"Hindi ko alam." maikli niyang sagot.

"Bakit akala mo ba peperahan kita at pipicturan at ikakalat sa internet? Ganon ba tingin mo saking tao, Jongin?"

"Hindi naman sa ganon Doray. Nag aalala lang ako na baka magbago turing mo sakin pag nalaman mong miyembro ako ng isang sikat na grupo. Sorry."

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Bakit ko ba siya inaaway eh wala naman akong karapatang gawin yon?

"Alam mo Jongin, wala namang magbabago sa turing ko sayo kahit malaman kong sikat ka o hindi. At tsaka wala naman akong karapatang magalit sayo, kasambahay AKA alila niyo lang naman ako dito."

"Hindi ka lang namin kasambahay, Doray. Kaibigan din ang turing ko sayo."

"Salamat."



*****


Gabi na pero napagdesisyunan kong dito na matulog. Tinext ko na rin si Boots na sabihin kay Tita na hindi ako makakauwi ngayon.

Lumabas muna ako kasi halos mapollute na yung tenga ko sa ingay ng mga tao sa loob, parang mga bata. Hahaha.

Pumunta ko sa may parang garden sa labas ng bahay nila at sakto namang may mga upuan doon kaya naupo ako at nagmuni muni habang nakatingin sa kalangitan.

Natanaw ko ang planetang Mars, nandoon ang mga magulang ko ngayon. Nagtatrabaho sila. Actually miss na miss ko na nga sila. Pero ayoko pang magpunta don. Kailangan ko muna malibot ang planetang earth at matagpuan ang prince charming ko sa mundong ito.

Biglang nakaramdam ako ng isang malamig na palad na tumapik sa balikat ko.

"AY TAE!!! SINO KA?!"

Tiningnan ko kung sino yon. SHUTA KILALA KITA OH MY EGGPLANT KILALA TALAGA KITA!!!!!!

Natatandaan ko yung pinakita sakin ni Boots na mga pictures at naalala ko yung mukha niya. Hindi ako pwedeng magkamali.

Malalaking mga tenga. Matangos na ilong. Kissable lips. Ang tangkad! Iwan na iwan ang height ng lola niyong si Doray. Ang biceps. *^O^* Ang mga nagniningning na mga mata.

"Chanyeol." sagot niya.

Yung seryoso niyang mukha biglang nag ala-budoy nung tumabi siya sakin.

"Bakit ka mag isa dito? Doray, right?" tanong niya.

Hindi ako makapagsalita kasi sobrang gwapo talaga niya. As in. Medyo nakakastarstruck pala talaga sila pag ganitong malapitan.

I NEED AIR!!!!!!!

"Wala naman. Gusto ko lang mapag isa."

"So, ayaw mong nandito ako?"

Pagkasabi niya non, biglang siyang nagpout. Bakit ba 'to nagpapacute, isang isa nalang mag aassume na ko na may gusto 'to sakin. Pero sabi nga never assume unless otherwise stated. ∩__∩

"Wag kang magpacute, kiss kita dyan."

Nabigla ako sa sinabi ko!!! Hindi ko naman sinasadyang i-voice out (taray) yung mga kalandiang iniisip ko. HAHAHAHAHAHAHA

"Sige nga!" sabi niya habang natatawa.

Feeling ko para nang hinog na kamatis sa pula yung mukha ko.

Wag na wag mo kong susubukan, Chanyeol at mapagpatol ako sa mga ganyan. HAHAHAHAHAHAHAHAH! (same Doray, same)

"Ano kaba Chanyeol, biro lang yon. Wag mong seryosohin." palusot ko.

"Biro?"

Nilapit niya yung mukha niya sakin. Hindi na ko halos humihinga sa sobrang lapit.

"Pwes.... hindi ako nagbibiro."

Seryoso yung boses niya habang nakatingin sa mga mata ko. Pagkatapos ay inilipat niya yung tingin niya sa labi ko.

Wag niyang sabihing hahalikan niya ko kasi mas lamang ako dito. Nakakaawa naman yung mga labi niya, baka mapasahan ko ng germs. HAHAHAHAHA!

Napapikit nalang ako habang nakanguso. My very first kiss under the moonlight. #OnlyDoray

------------

Doray Meets EXO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon