Third Person's POV:
Si Doray ay nakatira sa kapatid ng kanyang ina na kanyang tiyahin na itago natin sa pangalang, Berta- matanda na ngunit may bangs, laging nakapearl earings, at higit sa ay lahat saksakan ng sungit na para bang nung nagpaulan ng kasungitan ang langit, lahat ay tulog na at siya lang ang gising, kaya yon! Sakanya lahat napunta.
Wala na siyang ibang choice kung hindi makisama dito dahil wala na rin naman siyang matutuluyan, ang kanyang ina at ama ay nagtatrabaho at kasalukuyan naninirahan na rin sa Mars. Ayaw naman na niyang sumunod dito dahil hindi niya gustong iwanan ang planetang Earth. Bukod sakanyang tiyahin, ang tanging kapamilya nalang niya dito sa mundo, ay si Boots- ang kanyang kapatid.
•••
Doray's POV:
"Doray, ano ba?! Tanghali na bakit di ka pa bumangon at maglinis ng mga gamit niyo ng kapatid mo, ano?! Magluluto ka pa para sa karinderya ng may maitulong ka man lang sa kita ko pangpakain sainyong dalawa! Hiyang hiya naman kasi ako sainy-"
"AUNT BERTA CAN YOU STOP?!"
"Hala pasenya na Dor---- TEKA ANO SABI MO?!"
"Joke! Di naman po kayo mabiro Tita Berta. Hehe. Chill lang kayo. Eto na nga po babangon na."
"Nako Doray, ako tigil tigilan mo ko sa mga paganyan ganyan mo, tatamaan ka sakin! Makikita mo mata mo lang walang latay pag ako hindi nakapagpigil."
Nakapagpigil pa talaga siya ng lagay na yon. Pinandilatan muna niya ako ng mata bago siya lumabas sa kwarto namin ng kapatid ko. Eto talaga "Berta the Monster" daming kwento sa buhay. Yan ang nickname na ibinigay namin sakanya ni Boots. Wala lang, gusto lang namin. Ang cute diba? Hakhak. *tawang abno*
Minadali ko na pagliligpit ko para makapagluto na, maya maya magdadatingan na yung mga estudyante dyan sa kalapit naming school, pasukan na naman kasi.
•••
"Oh 'te Doray, bakit ka tulaley? Ano drama?" tanong ni Boots.
"Wala naman, parang ang sarap lang kasi mag aral."
"Nako sis! Walang lasa yon!"
"Tigilan mo ko, Boots baka sapatusin kita. Tingnan mo kasi 'tong mga estudyanteng kumakain sa karinderya ni Tita Berta, nakakainggit. Gusto ko din mag aral, kaiyak bes."
"Wag kang mainggit dyan ate, mainggit ka sa beauty ko! Look at my face, look at my super gorgeous, shining, shimmering, splendid and stunning face! Pang Miss Universe, magkahawig na kami ni Pia."
"Oo, Pia Worst Back na walang dede! Shining, shimmering nga yang mukha mo! Nagmamantika eh! Pwede na kong magprito ng hotdog! Pwede ba ha? Para naman makatipid tayo sa mantika!"
"Ewan ko sayo ate, palibahasa ang chaka mo kasi, mula ulo mukhang paa! Mukha pang patatas! Hahahaha!"
Habang nag aasaran (asaran pa ba yon, personalan na yun eh ㅠ ㅠ) kami ng kapatid kong si Boots, bigla kaming nakakakita ng mga nagtatakbuhang babae/beking mga estudyante, parang mga nagrarally ang datingan, may mga pa-banner pa habang hinahabol yung van na dumaan sa karinderya namin!
Gulat na gulat yung mukha namin ni Boots, parang may lindol, literal na yumanig yung kinatatayuan namin. Scary!
"Boots! Anong meron?!" tanong ko kay Boots habang nakatingin pa din sa mga babae/beking nagtatakbuhan.
"Ate, common sense." sagot niya habang gulat na gulat pa din ang facial expression.
"Ano?!"
"Nandito din ako diba?! Edi malamang hindi ko din alam!"
Pero mas nabigla ako sa isang babaeng kumakain sa karinderya namin, isang bowl na soup, straight hinigop! Wow! Sabay lapit sakin para magbayad!
Habang sinuksulian ko siya...
"ATE WALA NA BANG IBABAGAL YAN?! NAKU NAMAN KUNG KELAN NAGMAMADALI EH!!!" nagmamadaling sabi (sigaw) niya.
"Eh ikaw wala na bang ilalakas yang bunganga mo? Parang nakalunok ng mic! Sorry ah, pretty lang hindi perfect."
"EWAN KO SAYO PRETTY KA DYAN MUKHA KA NAMANG PATATAS!"
Pinandilatan ko siya ng mata bago ko i-abot yung sukli niya sabay kurot na rin sakamay niyang mataba.
"Wait, piggy! Este ate!"
Bigla kong naisip tanungin kung ano ba ganap at nagkakagulo mga estudyante sa school nila.
"OH ANO NA NAMAN??! BILIS!"
"Anong meron sa school niyo?"
"ABA HINDI KA LANG PALA MUKHANG PATATAS, CHISMOSA DIN PALA!"
Sabi niya sabay takbo.
"..."
"WAG KA NANG BABALIK DITO BANNED KA NA BWISET!"
Bigla namang sumulpot etong si Boots, bigla bigla nalang sumusulpot kung saan saan parang kabute!
"Ate Doray, wag kana ma-stress."
"Oo na sige, Boots. Buti nalang nandito ka para pakalmahin ako. Nakakainis kasi, laitin ba naman kala mo ang ganda niya. Sabihan ba naman ako ng mukhang patatas?"
"Nako ate ang sama niya! Pero hayaan na natin, totoo naman."
Pagkasabi niya non bigla na naman siyang nawala. May lahing multo ata yun ah.
Pamaya maya, madaling madaling nagbayad sa akin para sa kinain niya si ate na nagkanda tapon tapon na sa uniform yung kinain kakamadali. Mukhang mabait naman kaya tinanong ko na.
"Ate, pwede ba magtanong?"
"Nagtatanong kana, bilis! Nagmamadali ako!"
[ Mukha lang pala. ( ̄﹏ ̄) ]
"Anong meron bakit may mga nagkakagulo?"
"NAG TRANSFER SA SCHOOL ANG MGA MEMBERS NG EXO!!!!"
-----
BINABASA MO ANG
Doray Meets EXO (COMPLETED)
FanfictionMasyadong masalimuot ang magiging kapalaran ni Doray, pero paano kung may makikilala pa siyang mga taong dadagdag sa pagiging masalimuot nito? Nakakaloka, right? Tunghayan kung paano malalagpasan ni Doray ang lahat ng pagsubok sa buhay niya, ang ist...