"Oh Dara, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.
Bastos 'tong babae na 'to. Nakikinig ng music yung tao biglang hahablutin. Shoxx! Kung hindi lang talaga 'to girlfriend ni Yeol eh kinalbo ko na 'to. Manggugulat pa eh!
"Wala. Gusto lang kita makausap." sagot niya.
"Tungkol saan?"
"Tungkol kay Yeol."
"Oh anong meron kay Yeol?" bored kong tanong.
"Bakit ang landi mo?"
Wait...... ANONG SINABI NIYA??!?! TAMA BA KO NG PAGKAKARINIG???! SINASABI KO NA NGA BA NASA LOOB ANG KULO NETONG DARA NA 'TO EH!!!! ANG LANDI KO DAW SIYA NGA TONG NAKITA LANG SI YEOL NANGATI AGAD EH
GOSH PIGILAN MO SARILI MO DORAY. PIGILAN M—
"Anong sabi mo?" tanong ko ulit.
"Paulit ulit? Hindi ka lang panget, ang bingi mo pa. Tinatanong kita kung bakit ang landi mo."
Napatayo na ko sa inuupuan ko kasi punong puno na talaga ko sa babaeng 'to.
"Paano naman ako naging malandi, aber?!"
"Tinatanong pa ba yan? Simple lang, nilalandi mo si Yeol. Hoy babae, alam mo namang may girlfriend yung tao diba? Bakit kailangang lumandi?"
"Wag kang magbintang lalong lalo na kung wala kang pruweba. Mas lalo namang wag mo kong tatarayan hindi mo naman ako pinapakain." kalmado kong sabi.
"Sasabihan ba kitang malandi kung hindi mo ginagawa? Para naman akong nahihibang non. Doray, wag mo nang itanggi, una palang alam ko na may gusto ka kay Yeol. Tama ba ko?"
"May gusto man ako kay Yeol o wala, ano naman sayo? Asawa kaba niya? Hindi naman ako desperadang katulad mo."
"Wow. Oh ako pa desperada ngayon? Eh sino kaya 'tong gold-digger? Haha pati nga si Baekhyun nilalandi mo kasi alam mong wala ka nang pag asa kay Yeol."
"Saan mo ba napupulot yang pinagsasabi mo?! Ni minsan hindi ko inisip gawin yang bagay na yan."
"Pero ginagawa mo na? Aminin mo na Doray, ginagamit mo lang sila para pagsamantalahan yung kabaitan nila sayo diba?! Nakakaawa ka! Ganyan ka siguro pinalaki ng mga magulang m—"
Hindi na ko napigil at nasampal ko na siya. Deserve niya yon sa pagiging matabil ng dila niya. Halatang malakas yung pagkakasampal ko sakanya kasi bakat na bakat yung mga daliri ko sa mukha niya. Hindi lang yan ang makukuha niya mula sakin pag hindi niya ko tinigilan.
"IKAW BABAE KA, KANINA PA KO NAGPIPIGIL SAYO AH. MATATANGGAP KO PANG LAIT LAITIN MO AKO PERO WAG NA WAG MONG IDADAMAY ANG PAMILYA KO. IKAW NGA 'TONG EDUKADA SA ATING DALAWA PERO MAS MUKHA KA PANG WALANG PINAG ARALAN SA MGA INAASAL MO. DIBA NASAYO NA SI YEOL?! ANO PANG KINAKAHOL MO DITO??!"
Tumayo siya at hinarap ako.
"Wag na wag mo kong susubukan, Doray!"
Hinatak niya yung buhok ko at sinabunutan ako. Syempre lumaban ako hanggang nagpagulong gulong na kami sa sahig kasi walang nagpapaawat. Nung makatyempo ako ay binitawan ko siya at tumayo, pero agad din siyang nakatayo at umakmang sasabunutan ulit ako kaya itinulak ko siya.
Napaupo siya pero nagtaka ako nang hindi na siya bumangon at umiyak nalang. Wtf? Anong drama niya at parang siya pa yung naagrabyado?
Pamaya maya ay nakita kong nagmamadaling magpunta sa kinaroroonan namin si Yeol. Galit na galit yung mukha niya. Sh*t. Kaya pala biglang nagdrama 'tong Dara na 'to... para pagmukhain na ako yung masama.
"Anong ginawa mo sakanya?!" tanong sakin ni Yeol.
Hindi ako makapagsalita agad kasi napangunahan ako ng takot at kaba.
"Sinaktan niya ko Yeol, tinangka kong makipagkaibigan sakanya pero pinagbintangan niya ko sa mga bagay na hindi ko naman ginawa." — Dara
"Sinungaling! Wag kang maniwala sakanya, Yeol. Please."
Tumingin sakin ng masama si Yeol. Sh*t.
"Tama na Doray, malinaw na ang lahat! Wag ka nang magpaliwanag. Sapat nang ebidensya yung nakita ko. Pinagkatiwalaan ka namin tapos ganyan yung isusukli mo? Itinuring kitang kaibigan. Sinira mo ang tiwala ko ni hindi ko inisip na magagawa mo 'to. Wala kang karapatang gawin yon kay Dara, naiintindihan mo? Wag mo na kaming paikutin, alam ko na kung anong klaseng tao ka."
Hindi ko napansin na tumutulo na pala yung luha ko.
"Wala akong karapatan pero siya meron? Ganon ba, Yeol?! Ni hindi mo man lang inalam yung buong istorya bago ka magsalita! At sa mga pinagsasabi mo parang ako pa yung nagpumilit maging kaibigan kayo ah, kayo nga 'tong nagpumilit sakin na bumalik pa sainyo kahit ayoko na tapos matatanggap ko yang ganyang klaseng salita sayo? Haha. Sabagay, ganyan ka naman nung una pa lang. Mahilig kang maghusga kahit hindi mo alam yung buong istorya. Sawang sawa na ko, Yeol. Pangalawang beses na 'to, at ito na yung huli. Tinuring kitang kaibigan pero mas pinanigan mo yung "childhood sweetheart" kuno mo. Magkalimutan nalang tayo. Sana maging masaya kayong dalawa."
Hindi ko na siya hinintay magsalita pa o kung may balak pa siyang magsalita. Ang sakit sakin ng mga sinabi ko pero gusto ko na ng tahimik na buhay. Hindi ko sila kailangan.
-------------------
BINABASA MO ANG
Doray Meets EXO (COMPLETED)
FanfictionMasyadong masalimuot ang magiging kapalaran ni Doray, pero paano kung may makikilala pa siyang mga taong dadagdag sa pagiging masalimuot nito? Nakakaloka, right? Tunghayan kung paano malalagpasan ni Doray ang lahat ng pagsubok sa buhay niya, ang ist...