Boot's POV:
Grabe kadiri si ate. Sukahan ba naman ako! Ang baboy. Shocks. Naloka ang beauty ko. Akala ko kung bakit lumapit eh.
Do you know what's worse? Natawa pa siya pagkasuka niya sakin. Kainis talaga.
"Ano ba yan ate! Bakit naman sakin ka pa sumuka?! Ang lawak lawak ng sahig bakit sakin pa?!"
"Ah hehe. Akala ko kashe kubeta ka! Hahahahahahaha!"
"Ah ganon?!"
"Oo ganyon nyahahahaha"
"Nako ate matulog kana nga iwanan na kita dyan."
Nung sasagutin ko na sana yung tawag ni Baekhyun, wala missed na. Sayang naman pero di bale mas maganda na yon para sa personal sila makapag usap. Lasing pa naman ate ko ngayon.
*****
Doray's POV:
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Ngayon lang kasi ako nainom ng alak na sobrang dami. Binuhos ko na sa pag inom ng alak yung mga sakit na nararamdaman ko. Nakakastress kasi yan si Baekhyun.
Pagtingin ko sa orasan, 5:00 p.m. na. Wow. So, ganoon ako katagal natulog? Hindi man sila nag abalang gisingin ako para kumain, kaya pala feeling ko gutom na gutom na ko.
Bago pa ko makalabas ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Napahinto ako at binuksan ito. Si Boots lang pala.
"Ay mabuti naman at gising kana."
"Oo, mabuti nga. Oh bakit? May problema?"
"Wala naman. Pero parang."
"Huh?" nagtaka ako sa sinabi niya.
"May humahanap sayo, nasa labas kanina pa siya doon."
"Sige sige."
Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali. Siguro si Baekhyun na yon. Sana, siya na nga.
Paglabas ko ay wala akong nakita ni anino ni Baekhyun bukod sa isang babae. Syempre makakalimutan ko ba yung mukha ng babae na 'to na sumampal sa akin. Grabe kating kati na yung kamay ko na ibalik sakanya yung sampal niya sa akin kahapon.
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Gusto sana kita makausap."
"Ano pa ba pag uusapan natin?"
"Look, hindi ako nandito para makipag away, gusto ko lang linawin ang lahat."
"Ano pa ba liliwanagin natin eh gabi na? Ano ba gusto mo?"
"Since ikaw yung ex ni Baekhyun, gusto ko lang sabihin sayong kami na."
"Excuse me miss kung sino ka man. Sa totoo lang, hindi naman kami nagbreak kaya hindi mo ko pwede tawaging 'ex' niya so technically kami pa rin."
"Haha. Nakita mo naman yung ginawa namin kahapon diba? Nakita mo?!"
"Oo, ano naman ngayon?"
"Wow. Doray, right? Sobrang manhid mo naman para palampasin yon? Alam kong nakita mong hinalikan niya din ako."
"Oh."
"Sinabi niya rin pala sakin na ako na yung mahal niya ngayon. Nandito lang ako para sabihin na wag ka nang umasa na babalik pa siya sayo."
"So, congrats? Yun ba ang inaasahan mong sasabihin ko?"
"Yes. Yun lang. Bye~"
Umalis na siya. Nagpunta siya dito sa amin para lang sabihin yon? Well, kailangan ko na din naman na maliwanagan na. Kung siya na yung gusto ni Baekhyun ngayon, sige. Masakit man sakin pero kailangan ko na tanggapin.
Hindi muna ko pumasok sa bahay at tumuloy sa dating tagpuan namin ni Baekhyun. Kahit sa huling pagkakataon gusto ko munang mapag isa sa lugar na yon at alalahanin ang lahat.
"Ang sakit naman, Baekhyun. Bakit kailangan mo gawin 'to sa sakin? Ilang linggo lang naman ako nawala ah! Pinagpalit ko kaagad ako?! Kayo na kaagad?! Paano na tayo..." pinunasan ko yung luha ko habang nakayakap pa rin ako sa mga tuhod ko.
Tinanaw ko ang siyudad.
We used to do this together.
Kung pwede ko lang ibalik ang lahat. Kung pwede ko lang baguhin ang tadhana.
"Ang daya daya mo!" sigaw ko.
Napahinto ako ng biglang may mag abot sa akin ng panyo.
Itinaas ko ang paningin ko at nakita ko kung sino yon. Napalakas pa lalo ang pag iyak ko.
Si Baekhyun.
"Wag kang umiyak."
"Baek...."
Umupo siya tabi ko.
"So, kayo na pala...?" kahit ang awkward pinilit ko pa ding magsalita.
Nakita kong nabigla siya sa sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Nagpunta siya kanina sa bahay at sinabi na sakin ang lahat."
"Anong lahat?"
Nakakainis nagpapanggap lang ba siyang hindi niya alam o ano kasi naguguluhan ako.
"Sinabi niya sa akin na kayo na at siya na yung mahal mo. Baekhyun, ganoon nalang ba ako kabilis palitan? Alam kong sobrang naging mahirap yung sitwasyon natin noon pero minahal kita. Minahal kita ng higit pa sa buhay ko. Paano mo yun nagawa sa akin?"
"Doray, maniwala ka sa akin. Walang namamagitan na kahit ano sa amin bukod sa pagiging magkaibigan. Oo, aaminin kong sinabi ko sakanya na mahal ko na siya kahapon kahit hindi dahil gusto ko nang mag move on sayo pero hindi ko kaya. Akala ko kasi pag ginawa ko yon hindi na kita maaalala. Pasensya na kung inisip kong hindi kana babalik. Kasalanan ko yon. Doray, please maniwala ka."
"So, nagsinungaling siya nung sinabi niyang kayo na?"
"Oo. Doray, gusto kong magsimula tayo ulit. Kalimutan na natin yung mga masasamang nangyari sa atin at bumuo pa tayo ng...."
"Ng ano?!" nagulat ako sa sinabi niya. Gusto na ba niyang magkaanak? Di pa ko ready ha
"I mean bumuo ng magagandang mga alala. Haha I'm glad nagbalik na ulit yung Doray na kilala ko."
Tumawa lang ako.
"Pinapatawad mo na ko?" tanong niya.
Ano pa bang sense na patagalin ko pa yung galit ko? Ang pride pinanglalaba, hindi inuugali.
"Oo naman!"
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Wow. Sobrang namiss ko siya. Ganito sana yung gusto kong scene sa unang pagkikita namin kaso umepal yung babae na yon.
Sasabihin pa niya saking sila na daw ni Baekhyun, napakadesperada naman diba?
Pwes wala na siyang magagawa upang siraan kami ngayon. Buti nalang nagpunta ko dito at nagkita kami ni Baekhyun.
After 20 seconds, bumitaw na rin ako sa pagkakayap kasi napansin kong may dumating. Grabe panira ng scene. Paano siya nakapunta dito?
-----------------
BINABASA MO ANG
Doray Meets EXO (COMPLETED)
FanfictionMasyadong masalimuot ang magiging kapalaran ni Doray, pero paano kung may makikilala pa siyang mga taong dadagdag sa pagiging masalimuot nito? Nakakaloka, right? Tunghayan kung paano malalagpasan ni Doray ang lahat ng pagsubok sa buhay niya, ang ist...