Diba nakakainsulto naman yatang mas pinaniwalaan niya pa yung babae na yon kesa sakin? Sabagay, siya nga pala yung "girlfriend."
"Hay nako ate, kung huhusgahan ka lang din naman pala ng ganyan ay mas mabuti na ngang magkalimutan nalang kayo."
"Oo, Boots. Alam ko. Kung alam ko na din naman na ganoon kababaw ang tingin nila sakin eh friendship over na talaga, dati pa sana."
"Oo, ate. Wag mo na asahan yang mga yan. Masaya naman tayo kahit noong wala pa sila sa buhay mo. Okay na yan."
**********
Chanyeol's POV:
Hindi ko sinasadyang sabihin yon kay Doray. Naging insensitive ata ako sa nararamdaman niya. Dapat inalam ko muna yung buong pangyayari bago ko siya hinusgahan.
"Yeol.... bakit ka malungkot?" tanong ni Dara.
"Ah wala naman."
"Nalulungkot ka ba na wala na si Doray?"
"Hindi. Bakit ako malulungkot dahil sakanya?"
"Wala lang. Mabuti naman. Hindi ko inakalang ganon si Doray. Balak pa niya kong baliktarin sayo eh siya na nga 'tong nanakit sa akin. Nakita mo naman diba?"
"Oo, Dara. Wag kang mag-alala sayo ko naniniwala."
"Salamat, Yeol. I love you!"
"I love yoo too, Dara."
Pinipilit kong kumbinsihin yung sarili ko na paniwalaan si Dara. Matagal ko na siyang kakilala samantalang si Doray, kelan lang. Pero ang tagal na din kasi ng mga panahong lumipas at hindi ko alam kung hanggang ngayon kung mapagkakatiwalaan ko pa si Dara. Pero sa mga pinapakita naman niya sakin, parang wala namang nagbago.
"Mas mabuti nang wala na siya. Wala nang aagaw sayo mula sa akin." — Dara
"Aagaw? Anong ibig mong sabihin, Dara?"
"Uhm, I mean aagaw ng atensyon mo sakin, kasi uhm pano ba 'to. Yeol, nakita ko kasi yung mga text messages mo sakanya. Nagseselos ako pag kinakausap mo siya."
"Pinakialaman mo yung phone ko? Dara, please naman. Naging kaibigan na namin si Doray, ano namang problema kung kausapin ko siya?"
"Yeol, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. Pasensya kana talaga kung pati siya napagselosan ko. Ganon lang talaga kita kamahal. Sorry talaga."
"Okay. Pero sana wag na maulit. Wala na rin naman si Doray kaya wala ka nang dapat pagselosan, ikaw lang ang mahal ko, Dara."
"Thank you!!"
Pagkasabi niya non ay niyakap niya ako. Sana okay lang si Doray. Gusto ko mag-sorry sakanya pero nahihiya ako. At isa pa, sinaktan niya si Dara. Hay, bahala na.
*******
Doray's POV:
Kanina pa tawag ng tawag sakin si Baekhyun pero ayoko sagutin. Gusto ko na ngang putulin koneksyon ko sakanilang lahat. Pare-pareho lang sila. Ano naman sasabihin niya? Magsosorry siya sa ginawa ni Yeol, eh diba dapat si Yeol mismo ang gumagawa non? Hiyang hiya naman ako.
Habang wala akong magawa sa karinderya ay chineck ko muna yung phone ko. 24 missed calls at 1 message. Lahat galing kay Baek. Inopen ko yung message.
Baek: I heard what happened. Doray, I need to talk to you. Naniniwala akong ikaw yung nagsasabi ng totoo.
Awwww :(((( Buti pa si Baek. Na-guilty tuloy akong di ko sinagot agad mga tawag niya.
Nakikipagkita siya sakin sa park ng 9:00 pm. Nakakahiya din namang hindi pumunta. Medyo namiss ko na rin si Baekhyun, ilang araw na rin kasi mula nung nangyari yun at hindi naman na ako bumisita sa bahay nila.
Pagdating ko sa park ay may nakita akong lalaking nakayuko at nakaupo sa bench. Sure akong siya na yon. Lumapit ako at huminto sa harap niya.
"Baek." mahina kong sabi.
Iniangat niya yung ulo niya at parang nagliwanag yung mukha niya sa saya ng makita ako. (Or nag assume na naman ako??? Gosh)
Tumayo agad siya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko na napigilan at niyakap ko na rin siya pabalik. Nakakamiss 'tong baklang 'to. TuT
"Kamusta kana, Doray?" tanong niya.
"Okay lang naman. Ikaw? Kayo? Kamusta na?"
"Ako ba talaga o si Chanyeol yung kinakamusta mo?"
"Bahala ka nga. Uuwi nalang ako."
Tumalikod ako at akmang aalis na pero nahawakan niya yung kamay ko. Pagtingin ko sakanya ay tumambad sa akin ang napakaseryosong mukha niya. Byun. Baek. Hyun.
"Doray, matagal ko nang alam."
"Ang alin?"
"Na gusto mo si Yeol?"
Shoxx. Ganon ba ko ka-obvious?!
"Baek...."
"Doray, please huwag ka nang umasa sakanya. May iba siyang mahal at hindi ikaw yon. Bigyan mo naman ako ng chance.... na mahalin ka. O kung hindi mo pa rin ma-gets, sasabihin ko na... oo, gusto kita. Uh. Hindi ko alam kung kelan, hindi ko alam kung paano pero Doray ito yung totoo..."
Kinuha niya yung kamay ko at inilapat sa tapat ng puso niya. Naffeel ko yung heartbeat niya. Gosh. Kaloka this.
"Doray, ayaw kitang masaktan at umasa pa. Hayaan mo akong mahalin ka na pagtulog mo nalang ang pahinga mo kilig. Papasayahin kita hindi ko hahayaang iiyak ka dahil sa lungkot kung hindi dahil sa masaya. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala nang iba."
Ilang minutong katahimikan ang lumipas dahil ayaw pa magsink in sa utak ko lahat ng sinabi niya.
AM I DREAMING?!?!
....dahil kung nanaginip man ako ay ayoko nang magising.
----------------------------------
BINABASA MO ANG
Doray Meets EXO (COMPLETED)
FanfictionMasyadong masalimuot ang magiging kapalaran ni Doray, pero paano kung may makikilala pa siyang mga taong dadagdag sa pagiging masalimuot nito? Nakakaloka, right? Tunghayan kung paano malalagpasan ni Doray ang lahat ng pagsubok sa buhay niya, ang ist...