Gumising ako dahil sa matinding sikat ng araw na tumama sa aking magandang mukha. Sobrang init, para akong nasa oven. Char! Ang init naman kasi talaga, summer eh.
Paglingon ko ay katabi ko ang pinakamamahal kong lalaki, si Yeol. Gising na rin pala siya hehe. At nakatingin siya sakin, ganda ko talaga.
"Nakatulog kaba ng maayos, baby?" tanong niya habang nakangiti.
Shet baby daw oh. Errr! Kilig naman ako. ≧﹏≦
"Oo, baby."
"Mabuti naman, napagod kaba kagabi? Hehe." ang pilyo ng ngiti niya di ko keri! ╯△╰
Ano bang nangyari kagabi? Bakit parang wala akong natatandaan? Huhu. Naghoneymoon ba kami? Grabe naman nagka amnesia na ata ako sa nangyari kagabi.....
"Hindi ko matandaan........"
"Di bale na baby, hayaan mo nalang ipaalala ko sayo ulit." sabi niya.
O____________________________O
Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa akin habang nakatingin sa mga labi ko. This is it!
Ayan na malapit na......
3 inches......
2.......
1.......
"Joke lang, Doray! Gising kana!" sabi niya.
Ano daw??!?!?!
"Bakit nananaginip lang ba ako????" tanong ko sakanya.
"Oo."
Pagkasabi niya non ay bigla akong nagising. Badtrip naman oh! Pawis na pawis pa ko pagdilat ko ng mga mata ko.
Nakakainis ilang araw ko na rin siya napapanaginipan. Literal na man of my dreams ang peg. Mula nung naikwento na niya sa iba pang mga members yung tungkol kay Dara. At botong boto sila dito.....
ANO NGA NAMAN KASING PANLABAN KO DON???!?! EH NAKITA KO PALANG YUNG PICTURE NIYA KAY YEOL NUNG BATA ANG DYOSA DYOSA NA.
Kung sabagay...... yung iba pag bata lang maganda, paglaki chaka na! HAHAHAHAHAH #TiwalaLangDoray
Weekend ngayon at iniimbitahan ulit nila ko sa bahay nila. Hay nako. Tapos magkkwento na naman siya tungkol sakanila ni Dara at mga adventures nila. Yung mga kasal kasalan nila ganon. At ako naman, magkukunwaring interesado kahit selos na selos na ko. Kaasar!
*************
"Hello! Oh nandito kana pala, Doray!" bati ni Chen.
"Wala pa. Picture ko lang 'to."
"Picture? Eh bakit gumagalaw? Dapat video! Hahahahaha!" sabi niya.
K.
"Joke lang oy. Bakit mukha kang puyat?" — Chen
Sasabihin ko ba? Syempre hindi. ㅠ ㅠ
"Hindi ah! Natural lang yan!" palusot ko.
"Weh? Mas malala pa sakin yang eyebags mo eh!" — Tao
"Oo nga, siguro iniisip mo crush mo bago ka matulog no, ako ba yan?" ani Kai sabay kindat. Shet! •﹏•
Kinurot naman siya ni Kyungsoo sa tagiliran. Eto talagang dalawa na 'to..... #MaySomething
"Totoo ba yon?" tanong ni Baek sabay pout.
Leshe. Pinipilit kong hindi tablan sa pagpapacute nito pero hindi ko kaya. Baklang 'to! ㅠ ㅠ
"Ano kaba syempre hindi!" sagot ko while giving him my sweetest smile.
Kaya lang siguro ako pinapapunta nitong mga 'to ay para may mapagtripan sila eh. :(
Habang nag uusap usap kami ay biglang nalihis na naman ang usapan kay Dara.
"Iniisip mo na naman si Dara no?! Hahah!" tanong ni Suho kay Yeol.
Tinamaan na ng lintek tong tandang 'to, bakit kaya biglang nagtatanong ng ganon? :((( I cri.
"Hindi ah! Kasi palagi naman siyang nasa puso at isip ko. Hahaha!" sagot ni Yeol.
Sige :) lang :) hindi :) naman :) ako :) nasasaktan :) okay :) lang :) talaga :)
"Hanapin na kaya natin siya, sigurado pag nakita ka non babalik yun sayo!" — Chen
Isa ka pa Chen eh! Sige lang pagtulungan niyong wasakin ang puso kong nagpipighati. Huhu.
"Tsaka nalang! Kailangan ko munang maghanda para sa pagkikita namin at may boyfriend nga siya diba...."
Biglang lumungkot yung tono niya. Tsk.
"Alam mo, Yeol. Kung mahal mo talaga siya hahayaan mo siyang maging masaya kahit sa piling ng iba pa. Wag mo nang ipilit yung sainyo kasi dati pa yon, nakalimutan kana nga niya diba? Masasaktan ka lang sa bandang huli....... atsaka malay mo yung taong nagmamahal sayo nasa tabi mo lang (literal na nasa tabi kasi katabi ko siya ngayon hihi)... I mean kami... mahal ka namin kasi kaibigan mo kami diba? Ayaw naming tumanda kang naghahabol sa isang taong wala naman nang pakialam sayo." pagkasabi ko non ay natahimik silang lahat habang nakatingin sakin.
Uh oh.
Bigla namang umeksena si lola Diega at nagsalita. Kung saan saan sumusulpot! ㅠ ㅠ Pero buti nalang, para mabaling na sakanya yung atensyon ng lahat. Awkward kasi dahil sa mga nasabi ko eh. Pfft!
"Chanyeol, may bisita ka." mahinahon niyang sabi.
"Manang, sino daw po?" tanong ni Yeol na halatang medyo nagtataka.
"Pasok ka." sabi ni lola dun sa taong nasa labas ng pinto.
Pagpasok niya ay halos lumuwa yung mata ni Yeol ng makita kung sino yung pumasok, daig pa nakakita ng multo, friends!
"Dara.......?"
-----------------------------
[AN:]
hi guys medyo kinakabahan ako sa eleksyon haha vote wisely! ppai~
BINABASA MO ANG
Doray Meets EXO (COMPLETED)
FanfictionMasyadong masalimuot ang magiging kapalaran ni Doray, pero paano kung may makikilala pa siyang mga taong dadagdag sa pagiging masalimuot nito? Nakakaloka, right? Tunghayan kung paano malalagpasan ni Doray ang lahat ng pagsubok sa buhay niya, ang ist...