Chapter 22: Sasaeng

123 6 4
                                    

Niyakap niya ko agad nang mahigpit pagkalapit niya sakin. Ang dami kong gustong itanong sakanya. Isa na doon ay kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito para sakin. Pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para gawin ko iyon.


Kailangan na naming makatakas bago pa man mahuli ang lahat.

"Tumakas na tayo." sabi ko pagkatapos maalis ng mga tali ko.

Hinawakan niya ang kamay ko pero bago pa man kami makalabas ng warehouse ay........


"OH!!! NANDITO NA PALA ANG KNIGHT IN SHINING ARMOR MO DORAY!!!" sigaw ni Lara.

Tinangka pa naming tumakas ni Yeol pero agad din kaming natalian ng kamay at paa ng mga tauhan niya.

Dahan dahang lumapit si Lara kay Chanyeol. Tiningnan ko lang sila. Kilala ba siya nito?


"Miss me?"

"Tumigil kana. Ano bang napapala mo sa pagiging isang sasaeng? Kulang pa ba yung hindi niyo pagrespeto sa privacy namin at kailangang maging holdaper ka na rin ay mangdamay ng ibang tao?"

"Anong napapala ko? Well, madami akong sagot dyan sa tanong mo pero hindi ko na iisa isahin, ang importante sakin... nandito kana."

Dahan dahang inilapit ni Lara ang mukha niya kay Yeol at tinangka itong halikan sa labi ngunit nakaiwas agad si Yeol.


O________________O



MAGJOWA BA SILA DATI? AT ANO YUNG SASAENG? YUN YUNG TINAWAG SAKIN NI SEHUN DATI AH. PWE!

"Bakit mo naman yon ginawa, Chanyeol? Ayaw mo ba sakin?"


Ang pabebe ni Lara bakit ganon hehe

"Pakawalan mo na si Doray! Diba ako naman yung gusto mo?"

"Bakit ko naman yon gagawin?"

"Dahil......."

Bigla akong nagpawis ng malapot lapot. Ano kayang isasagot niya?! O.O

"Dahil?"

"Dahil.... kakilala ko siya!"


Oo nga naman kakilala lang niya ko. Ouch. Pero bakit ako nasasaktan eh nakilala lang naman talaga nya ko dahil naging kasambahay nila ko?


Di bale na nga. Ano kayang say ni Lara sa sagot ni Yeol? o.O


"Oh. Pero last time I checked hindi mo naman kayang isugal ang buhay mo para sa isang kakilala lang."


Ano ba yan kikiligin na ba ko? Hihi.


"Ano bang ibig mong sabihin, Lara?" tanong ni Yeol.

"Wala." matipid na sagot ni Lara na biglang naging seryoso ang tono.

"Pakawalan mo na kami! Paparating na ang mga pulis!"

"Anong sin—"

Bago pa man makapagsalita si Lara ay nagsulputan bigla yung mga pulis at hinuli sila.


Sa wakas! ╮(╯▽╰)╭

"Babalikan ko kayo!!!" paulit ulit na sigaw ni Lara habang hinuhuli na siya ng mga pulis.



Sumakay na kami ni Yeol sa sasakyan nila. Kasamang dumating ng mga pulis si Baek at Luhan kaya sila din yung kasabay namin pauwi. Pinatabi ako ni Baek sa tabi niya at nasa likod si Yeol at Luhan.


"Salamat, Yeol. Salamat sa pagligtas mo sakin."

Ngunit hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan at walang imik.

Lakas mang snob pero kanina may payakap yakap pa sakin. Problema niya?

"Napano yang sugat mo?" tanong ni Luhan.

"Nagasgasan lang."

"Ano? Bakit mukhang hiniwa yan?" tanong ni Baek.


Hinawakan niya yung mukha ko habang sinusuri yung sugat ko. Feel na feel ko yung malambot niyang kamay sa face ko. Hehe.

Hindi ko tuloy sinasadyang mapatitig sa napaka among mukha niya.

Bakit ba kasi sila concern na concern sakin? Kinikilig tuloy ang pwet ko sa mga happenings.

"Masakit pa ba? Mukhang sariwa pa yang sugat mo eh." tanong ni Baek.

"Hindi naman. Sanay na rin naman akong masaktan." sagot ko.

Natawa siya ng konti, mga dalawang tawa, bago siya magsalita ulit.

"Gusto mo bang mawala yung sakit?" tanong niya ulit.

"Pwede."

"Oo o hindi lang, Doray."

"Oo na sige."

At nashock ako sa mga sumunod na pangyayari. Hindi ako ready mga bakla! ≧﹏≦

Lumapit siya sakin at kiniss yung pisngi kong may damage! Hahaha!

O////////////O


ETO NA TALAGA YUNG #REALFIRSTKISS KO SA BUONG BUHAY KO AGSHSKHL!?!?!!!



BAKIT BAKIT WHY WHY WHYYYY?!?!?!?!/!




Napalunok ako habang siya naman masayang masaya sa ginawa niya.



"Nawala na ba yung sakit?"

TBH NAWALA TALAGA YUNG SAKIT. EFFECTIVE PALA TALAGA YON??????


"Oo." trans: Oo, isa pa nga.

OOOPS NADULAS AKO HEHE. ✌



Tapos natawa na naman siya. Pati tawa niya ang sarap pakinggan. ~^O^~

Hindi ko napansin nakatingin na pala samin si Yeol at Luhan. Si Luhan nakangiti pero si Yeol...... parang galit yung mukha?


Okay, baka nag aasume lang ako.


*********

"ATE!!!!  TALAGA KITA! ALALANG ALALA KAMI NI TITA BERTA DITO! AKALA NAMIN DEADS KANA.. BUTI NAMAN YAN LANG ANG INABOT MO!!!"


"Oo nga, Boots eh."


"SIGE MATULOG NA TAYO PARA NA RIN MAKAPAGPAHINGA KA."


Pinilit kong ipikit yung mata ko pero hindi ako makatulog. Yung mukha ni Yeol kanina parang mantsang hindi maalis sa isip ko. Nagseselos??? Nagseselos ba siya???? Tsaka bakit niya ko niligtas???? Diba niya alam na pwede siyang mapahamak???!

Ang dami kong tanong pero nakakahiya naman siyang kausapin lalo na at parang ayaw naman niya ko makausap.... :(

Bigla akong nakareceive ng isang text message....

Chanyeol: "Magkita tayo bukas."

Masasagot na kaya ang mga tanong ko?

----------------------------

Doray Meets EXO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon