"T-taeyeon......" nauutal na sabi ni Baekhyun.
Halatang sobrang disappointed ng mukha niya na may halong galit.
Buti nalang at nahuli ko na si Taeyeon sa mga pinaggagawa niya ngayon dahil kung hindi mas lalo lang tatagal yung pagpapanggap niya.
"Ikaw ang may kasalanan nito!!!" sigaw sakin ni Taeyeon.
Tinangka niya akong saktan pero napigilan kaagad siya ni Baekhyun.
"Paano mo 'to nagawa sakin Taeyeon?! Itinuring kitang kaibigan tapos gaganituhin mo ko? Parang hindi naman na yata tama yon."
"Baek, magpapaliwanag ako. Nagawa ko lang naman 'to dahil gusto kita, umuwi ako dito para sayo. Wala akong pakialam kung may girlfriend kana, Baekhyun please... tayo nalang." lumuhod siya sa harapan ni Baekhyun.
"Taeyeon, nagbago kana talaga. Hindi ko inaasahang kaya mo nang gumawa ngayon ng mga bagay na hindi ko inakalang magagawa mo. Oo, minahal kita dati. Pero iba na ngayon, si Doray na ang mahal ko at hindi ikaw. Hanggang pagkakaibigan nalang ang kaya kong ibigay sayo ngunit sinira mo pa ang tiwala ko."
"So, ganun na lang yon Baekhyun?! Iiwanan mo na ko?!" - Taeyeon
"Hindi madaling gawin sakin 'to Taeyeon, pero tama. Makakahanap ka din ng ibang tao para sayo at hindi ako yon."
Bumuntong hininga si Taeyeon at nagsalita.
"Sa tingin ko wala na nga akong magagawa. Pero ito lang ang sasabihin ko sayo Doray, wag na wag mong tangkain na saktan si Baekhyun kung hindi ako ang makakalaban mo."
Diba dapat yung lalaki ang sinasabihan niya ng ganyan but whatever.
"Hindi mo na kailangang sabihin sakin yan, Taeyeon."
**********
6 YEARS LATER......
Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon ay naging mas matatag pa ang relasyon namin ni Baekhyun.
Minsan nagkakaroon ng konting problema pero madali lang naman namin maresolba lalo na't sobrang understanding ni Baekhyun. Tsaka diba sa isang relasyon hindi naman mawawala 'yon? :)
Hindi rin naman nakapagtataka kung bakit anim na taon na kami mag-on ngayon.
Nakapag aral na rin ako sa Alverdine University, ang pinaka-pinapangarap kong school. Natatandaan ko yung pinaka una kong pagtungtong sa paaralan na ito, yun yung P.A. pa ako. Naalala ko yung powerpuff girls na nang api sakin. Hahaha pinagtanggol pa nga ako ni Chanyeol nung mga panahong yon. Naalala ko si Taeyong na ngayon ay mabuting kaibigan na rin namin! Meron na siyang sariling pamilya ngayon at may isang super cute na baby boy.
Si Taeyeon ay lumipad na ulit papunta sa New York, kailan lang ay nakita ko sa instagram yung post niyang wedding ring. Grabe kilig na kilig ako para sakanya! Hehe.
Si Dara naman ay may magandang posisyon na ngayon sa isang kumpanya. Nag sorry na rin siya sakin sa mga nagawa niyang masama dati.
Sa anim na nakaraang taon ay mas nanguna pa lalo sa music industry ang exo. Syempre, dahil kaibigan ko sila super supportive ako kahit nakabalik na sila sa SoKor. Nakiki-vote na ko kasama si Boots, kung dati siya lang yung fan ngayon pati ako exo-l na rin. Halos kabisado ko na nga yung dance steps at lyrics ng mga kanta nila! Mas addict pa ako ngayon kay Boots.
Pero last month lang natapos na yung contract nila sa SM Entertainment. (an; guys story lang 'to ah) Hindi na sila nag renew pa ulit dahil gusto na daw nilang magpahinga. Ano pa nga bang magagawa ko? Edi maging masaya nalang ako para sa desisyon nila.
BINABASA MO ANG
Doray Meets EXO (COMPLETED)
FanficMasyadong masalimuot ang magiging kapalaran ni Doray, pero paano kung may makikilala pa siyang mga taong dadagdag sa pagiging masalimuot nito? Nakakaloka, right? Tunghayan kung paano malalagpasan ni Doray ang lahat ng pagsubok sa buhay niya, ang ist...