Chapter Twenty Six

3K 44 1
                                    

Kathy's POV

Hindi ako makapaniwala na nagawa kong ibigay ang dignidad ko sa lalaking iyon. Inaamin ko na sobrang hot at irresistable nya pero inalagaan ko ang virginity ko sa loob ng 23 years. Tapos ito ako ngayon, wala na!

Paano ba nya ako napapayag? Bakit ako bumigay? Dapat kong isipin kung paanong nangyari iyon?

~~
Gabi na naman at wala na naman akong magawa dito sa isla. Simula ng dumating dito si Sir Clark ay palagi na silang magkasama ni Maam Denise. Kaya eto ako lonely forever more ang peg. Andito ako ngayon sa isang bar na malapit sa resort at umiinom ng mango shake.

Buti pa sila sex lang ng sex! Samantalang ako wala pang nagiging first kiss. Haay life!

"Hi, Kathy! Right?"

Uy si super papalicious architect!

"Hi Sir--"

"Carlo na lang."

Lahad nya ng kamay. Oh em! Ang lalaki ng mga daliri. Yung ano kaya malaki rin?

"Bakit mag-isa ka lang?"

"Ah si Maam kasi kasama nya yung jowa nya. Ikaw wala ka bang kasama?"

"Wala e."

"Kamusta nga pala yung sugat mo? Okay na ba? Nagkapasa ba?"

"Ah eto? Wala ito. Pasa lang yan."

Buti naman. Nagulat talaga ako ng bigla na lang siyang suntukin ni Sir Clark kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari pero pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng nangyari e.

"Buti naman."

"Tutal pareho naman tayong walang kasama edi tayo na lang ang mag-inuman."

"S-sige."

Really? Kathy? Hindi ka pa nga nakakatikim ng alak tapos maka-oo ka? Game na game?

"Dont worry. If it is your first time. I'll be gentle on you."

Sabay kindat nya at parang lumundag ang puso ko sa ginawa nya.

Please take care of my V. Este 'me' lang pala.

Umorder sya ng hindi ko kilalang alak basta ang alam ko lang ay maganda sa paningin at para juice lang kung titignan. Agad kong nilagok ang lahat ng laman dahil sa pag-aakala kong juice nga lang.

Pero sobrang pakla! Pinilit kong wag idura iyon kaya ramdam ko ang pagkangiwi ng buong mukha ko.

"Easy lang, Kathy. Marami pa nyan."

"Isha pa!"

Mukhang may tama na ako pero sobrang sarap ng ganitong pakiramdam. Para kong lumulutang. Umorder pa sya ng ganong alak na nilagok ko lang ng nilagok.

Namalayan ko na lang ang sarili kong buhat buhat ng isang lalaki papalayo sa ingay. Mukhang papalayo sa bar.

"Teka? Nashan ~hik~ na tayo?"

"Uuwi na tayo. Kasi lasing ka na. Ihahatid na kita sa dorm niyo."

Tinginan ko ang mukha nya. Ang gwapo talaga ni Architect. At ang lips, parang kissable.

"Architect, pakish ~hik~ naman!"

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Naramdaman ko na lang na nakalapat na ang mga labi nya sa labi ko.

At mas nakakalasing pa iyon sa panlasa ko kesa sa alak na nainom ko. Pakiramdam ko lalong umikot ang paningin ko at napapikit ako ng mariin. Habang dinadama ang sensasyong dumadaloy sa buong katawan ko.

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon