Chapter Fifteen

4.5K 85 4
                                    

Maliwanag na ng nagmulat ako ng mga mata. Napagod talaga ako kagabi at muhkang ganon din si Clark na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko. Nakayakap ito sa akin mula sa likuran ko.

Nanghihina pa rin ang katawan ko at sobrang antok pa ako pero nararamdaman ko na ang init mula sa labas. Mukhang tanghali na?

Inabot ko ang orasan ni Clark sa ibabaw ng bed side table nya at tama ako dahil pasado alas onse na ng umaga. Medyo nakaramdam na ako ng gutom. Naisip kong wala pala akong kinaing hapunan kagabi?

Si Clark lang.

Napangiti ako at naitakip ko ang kamay ko sa mukha ko ng maisip iyon. Tinignan ko si Clark na mukhang tulog na tulog pa rin sa tabi ko. Sobra din itong napagod dahil hindi ko alam kung ilang beses pa naming ginawa iyon. Madaling araw na kami nakatulog. Matapos sa sofa ay lumipat naman kami sa kama kaya dito na kami dinatnan ng antok.

Kumilos ako pero naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap nya sa bewang ko.

Oh Clark! May pangangailangan din ako. At kelangan ko ng ilabas ito!

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para gawin ang nararapat kong gawin. Isinuot ko na lang ang underwear ko at polo shirt ni Clark na nakita kong nasa sahig para hindi naman ako nagpapagala-gala ng hubad sa condo nito.

Pagkabalik ko ay nakita kong nakaupo na si Clark sa may kama. Pakiramdam ko nag-iinit na naman ang katawan ko sa nakikita ko. Hubad ang pang-itaas nito at tanging kumot lang ang bumbalot sa pang-ibaba naman nito.

Juice ko! Mukhang aaraw arawin ko ang ulam na ito.

"Goodmorning." nakangisi ito habang nakatingin sa akin.

Hindi ko sya masisisi dahil halata siguro sa mukha ko na pinagnanasaan siya habang nakatayo ako sa may pintuan. Kagat ko pa ang labi ko na nakatingin dito.

"Goodmorning Baby boy."

Lumapit ako dito at agad naman nyang ipinulupot ang braso nya sa bewang ko para kandungin ako. And i know something is poking me behind.

"Napagod ako." he says as he trails soft kisses on my nape that makes me giggle.

"Hindi ka paawat e."

"I just cant stop myself."

"Really?"

"Cause you are so hot and i can't even resist you."

Napatili ako ng bigla nya akong ihiga at paibabawan ako nito. Kakasabi lang nyang pagod pero heto na naman siya.

"C-clark.."

Pilit kong pinapagana ang isip ko sa ginagawa nyang paghalik sa leeg ko. Halos walang epekto ang ginagawa kong pagtulak dito dahil wala akong sapat na lakas para gawin iyon. Mas mukha pang nakahawak lang ako sa dibdib nito sa sobrang hina ng pagtulak ko.

Kelangan ko ding kumain at nararamdaman ko na ang kalam ng tiyan ko.

"Hmm?"

"N-nagugutom na a-ako."

Reklamo ko dito pero patuloy pa rin sya sa ginagawa nya. Nararamdaman ko ang kamay nya sa bewang ko, sa hita at sa dibdib ko.

"Ako din." bulong nito sa akin

Halos matawa ako kasi parang ibang gutom naman ang ibig nyang sabihin don. Inumpasahan nyang buksan ang butones ng suot kong polo nya.

"Clark, seryoso. Nagugutom na talaga ako."

"Hmm? Ako din naman. Pero mas gusto kong ikaw ang almusal ko."

At naramdaman kong bumaba ang mga halik nya sa dibdib ko. And started his wonder again on that spot at hindi ko mapigilan ang pagkawala ng ungol sa mga labi ko.

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon