Chapter Nineteen

3.4K 78 3
                                    

Denise's POV

Napahugot ako ng malalim na hininga ng makita ko ang pagngiti nya. Pakiramdam ko nagbalik ako sa panahong na tuwing ginagawa nya iyon ay parang bumabagal ang pagkilos ng lahat ng nasa paligid ko.

"Kilala mo pa pala ako? Akala ko binaon mo na ako sa limot e."

Hindi pa rin sya nagbabago. Tulad pa rin sya ng dating Carlo na nakilala ko.

"Carlo Razul? Ah, ikaw pala yung bagong Architect dito. So, magkakatrabaho na pala tayong lahat."

Narinig kong sabat ni Kathy makalipas ang ilang minuto na nagkatitigan lang kami. So, nabalitaan na din pala nya? At ako hindi ko talaga alam.

"Hindi ko alam na dito pa kami pagtatagpuin ulit ni Denise e."

"Wow. Small world no? Bakit kayo naging magkakilala ni Maam?"

"She's my--"

"Ex." Putol ko sinasabi nya. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nya.

Tumayo na ako dahil parang hindi ko matatagalan ang presensiya ni Carlo.

"Halika na Kathy. May trabaho pa tayong tatapusin."

Dali-dali namang sumunod si Kathy na mukhang napilitan na lang dahil nangangalahati pa lang nya ang pagkain nya.

"Sige. Bye na Architect!"

"Bye, Denise. See you around."

Napatigil ako sa paglakad. Bakit ganito pa rin ako? Bakit ko nararamdaman ang ganito?

"Bye."

Paalam ko bago ako tuluyang naglakad.

Naiinis ako sa sarili ko dahil dapat hindi ko na nararamdaman ito. Sa tagal na panahon na hindi kami nagkita bakit ganito pa rin? Mahal ko pa rin ba sya?

Nagitla ako ng marinig ko ang tunog galing sa cellphone ko. Hindi ko agad nasagot ang tawag dahil sandali kong nakalimutan na meron na nga palang 'siya' sa buhay ko.

---
Clarky boy
Calling...
---

"Hello?"

"Hi babe. How are you?"

"O-okay lang."

"Kumain ka na ba?"

"Y-yah. Kakatapos lang."

"I missed you."

Natigilan ako.

"I missed you too. Sana nandito ka rin."

"I'll see you soon."

"Okay. See you on Monday."

Then he hung up.

Lalo tuloy akong nainis sa sarili ko. Kung nandito kaya si Clark ngayon, ganito pa rin kaya ang mararamdaman ko? Pero si Carlo? Bakit parang feeling ko namiss ko sya?

"Hoy, maam."

"H-huh?"

Matagal na pala akong nakatitig sa phone ko at ngayon ko lang ulit naalala na kasama ko nga pala si Kathy. Daig ko pa ngayon ang may period kaya parang pati siya ay gusto kong pag-interesan.

Ang napakadaldal na si Kathy.

"Ikaw kasi! Kinausap-usap mo pa yong lalaking yon."

"Sorry na maam. Malay ko ba naman na ex mo pala yung gwapong lalaki na yon?"

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon