Chapter Thirty

2.3K 62 2
                                    

Denise's POV

Nagising ako sa nakakasilaw na kaputian ng paligid. Puting kulay ng pintura ng pader, puting kurtina na dahan-dahang niyuyugyog ng hangin. Nakakita rin ako ng mga makukulay na bulaklak sa paligid. Sobrang nakakarelex sa pakiramdam ang ganito.

Pero nag-alala ako ng mapansin ko ang piraso ng plastic na tubo na kakabit sa kamay ko. Doon ko narealize kung nasaan ako. Doon bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari sa akin.

Ang lahat ng sakit.

Pinilit kong tumayo pero sobrang nanghihina ako. Sino ang kasama ko dito? Nasaan silang lahat? Si Clark? Si Carlo? Siya ang huli kong natatandaan bago ako nawalan ng malay.

Nakakita ako ng dugo at naramdaman ko ang matinding sakit sa puson ko. Ang baby? Anong nangyari sa kanya? Ayos lang kaya siya?

Narinig kong bumukas ang pinto na sa tingin ko ay banyo. Napalingon ako ng ilabas noon ang pawisang si Louie.

"Success." sabi nito pero agad napalitan ang ekspresyon ng mukha niya ng makita ako.

"--Ate. Gising ka na pala. Sandali tatawag ako ng doctor." natataranta ito na parang may iniiwasan.

"Louie.." mahina kong tawag.

Napatigil siya mula sa sana'y paglabas niya ng pinto. Pero nananatili siyang nakatalikod na parang may iniiwasang makita. Nakaramdam ako ng matinding kaba sa kinikilos niya.

"L-louie.. a-ang b-baby ko? Ayos lang b-ba siya? Anong nangyari sa kanya?" pigil ko ang pag-iyak na tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay tinanong ko lang iyon pero parang alam ko na ang sagot.

Na tinatanggi ko lang sa sarili ko ang katotohanan at ang lahat ng nasa isip ko.

"A-ate, tatawag muna ako ng d-doctor. Diyan ka lang. Maraming lakas na nawala sa iyo kaya wag kang kikilos masyado. Babalik din ako kaagad." sabi nito na hindi ako tinignan man lang at lumabas ng kwarto.

Pero hindi niya naman sinagot ang tanong ko. Parang naging hudyat sa akin ang pagsara ng pinto sa mga luha kong kanina ko pa pinipigilang tumulo.

Wala sa sarili akong napahawak sa tiyan ko. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa nangyari sa amin ni Clark parang gusto ko ng mawala.

Nasasaktan akong isipin na sana panaginip lang talaga ang lahat ng ito.

Dahil kung oo, gisingin niyo na po ako dahil ayoko ng ganitong bangungot.

Hindi ko napigilan ang sarili kong magwala at magsisisigaw. Sobrang sakit at pakiramdam ko kahit anong gawin kong sigaw hindi ko mailalabas ang lahat ng sakit na nasa dibdib ko.

"Doc! Doc! Sabihin mo naman sakin, di ba okay lang ang baby ko?" para akong batang inapi na naghahanap ng kakampi.

"--na nandito pa siya sa tiyan ko at buhay pa siya, di ba? Di ba?" halos higitin ko ang doctor at nurse palapit sa akin para paniwalaan nila ang sinasabi ko.

O para maniwala ako na totoo ang sinasabi ko.

"Ms. David, im sorry. We've done our best pero sadyang huli na ang lahat. Sobrang hina ng kapit ng baby kaya hindi nya nakayanan ang lahat. Please calm down. Makakasama sayo ang sobrang pag-iisip" mahaba nitong paliwanag.

"Hindi! Hindi totoo yan! Louie, sabihin mo naman kay ate na hindi totoo yun. Sige na di ba?" pagsusumamo ko kay Louie.

Nakita ko ang ekspresyon niya na puno ng awa para sa akin. At unti-unting tumulo ang luha sa mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang ayaw kong marinig.

"Ate, wala na yung pamangkin ko." tangi lang nitong sinabi na ayaw kong marinig mula sa kanya. Pati ba naman sya?

Para akong nabingi sa narinig ko. Bakit pati si Louie? Bakit pati siya kinakampihan niya yung mga doctor at nurses na ito.

Napahagulgol ako ng sobra na para akong isang bata na inagawan ng kendi ng kalaro niya.

Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ng mga tao sa paligid. Pilit nilang kinukuha ang mga braso at binti kong nagpupumiglas. Pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagpupumiglas na parang gagawin ko yun hanggang hindi ako nauubusan ng lakas.

"What's happening here?"

Narinig ko ang isang baritonong boses mula sa pamilyar ng taong pumasok sa loob ng kwarto. Pero hindi siya ang gusto kong makita. Hindi siya dapat ang nandito.

"Louie, anong nangyayari? Bakit nagwawala ang ate mo?" tanong ng bagong dating na si Carlo.

"Kuya, alam na niya ang nangyari at hindi niya matanggap iyon." sagot ni Louie.

Nakaramdam ako ng kirot sa braso ko na parang may tumusok na kung ano doon.

"Doc, anong nangyayari?" narinig ko ang boses ni Carlo habang unti-unting nanghihina ang katawan ko.

"Tinurukan muna namin siya ng pampakalma. For now, magiging stable siya pero we have to prepare again if sakaling magising siya. Posibleng mangyari ulit ito. Sobrang hindi niya matanggap ang nangyari at normal lang ito sa mga babaeng dumadaan sa ganitong sitwasyon. Pero sana ay matanggap din niya agad dahil baka maging resulta ito ng pagkabaliw niya."

Mahabang paliwanag niya pero wala akong masyadong maintidihan habang dahan dahang lumalabo ang paningin ko. Pakiramdam ko lahat ng tao sa kwarto na ito ay nasa slow motion.

Nakita ko ang mukha ni Carlo na papalapit. Ang mukha niyang puno ng pag-aalala pero isa lang ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon. At iyon ay galit.

"Denise, everything will be okay. Sleep now. Babantayan kita. Nandito lang kami ng kapatid mo." naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

Mahigpit niya ring hinawakan ang kamay ko pero kahit anong pilit kong ilayo ang kamay ko ay wala na akong lakas para gawin yon. Katulad na lang ng pakiramdam na wala akong nagawa para mailigtas ko pa ang baby ko.

Pinilit kong wag pumikit dahil marami akong dapat sabihin sa kanya. Ayokong matulog kasi pakiramdam ko tatakbuhan ko lang naman ulit ang problema. Pero paggising ko ganon pa rin.

Ayokong pumikit na siya ang huling tao na makikita ko. Dahil kinamumuhian ko siya. Pakiramdam ko siya ang may kasalanan kung bakit nawala ang baby ko. Kung bakit ako nagdurusa ng ganito ngayon.

Pero bago pa ako sumunod na utos ng katawan ko na pumikit at tuluyan ng matulog ay nagawa kong sabihin ang isang bagay na nasa loob ko.

"I h-hate y-you s-so much..."

Naramdaman ko ang pagpatak ng isang butil ng tubig sa kamay kong hawak niya. Kasabay ng pagpatak ng luha senyales ang pagsuko ko at pagtanggap ko sa masakit ba katotohanan.

At unti-unti nang dumilim ang paligid ko...

***AN
Vote. Comment. Happy Reading!

<3lots,
CN

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon