Chapter Thirty One

3.5K 105 38
                                    

Denise's POV

Isang linggo ang nakalipas ng mangyari ang lahat ng masasakit ng pangyayaring iyon. Pakiramdam ko ay naubos na ang lahat ng luha ko. Habang dumadaan ang araw ay nararamdaman kong unti-unti akong namamatay. Hanggang sa isang araw na lang ay nakaramdam ako ng pagod.

Pagod na makaramdam ng sakit. Pagod na marinig ang sariling kong umiyak. Ayoko ng dalhin sa dibdib ko ang sakit ng pagkawala sa baby ko.

Pagod sa kakasisi sa sarili ko na sana nag-ingat ako at sana masisilayan ko siya in soon time.

Sa mga nagdaang araw, parati lang nakabantay sa akin si Louie. Paminsan minsan ay dumadalaw din ang Marketing Team para kamustahin ang lagay ko. At gaya nga ng pinangako ni Carlo sa akin ay nanatili lang siya sa tabi ko kahit ayaw ko.

Sa bandang huli naisip ko rin na hindi tamang siya ang sisihin ko sa pagkawala ng bata sa sinapupunan ko. Wala naman siyang kasalanan dahil sa tingin ko ay hindi pa talaga para sa akin ang batang iyon. At sa tamang panahon mabibiyayaan din ako ng isang anghel.

Pilit ko mang tatagan ang sarili dahil na rin sa umaapaw na pagmamahal at pag-aalaga ng pamilya at kaibigan ko pero pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa pagkatao ko. Lalo na at sa loob ng isang linggo kong pamamalagi sa ospital ay hindi ko man lang nasilayan ni anino ni Clark. Si Clark na tatay ng baby ko. Si Clark na taong pinakamamahal ko.

"Ok then. We're set. Pwede ka talagang makalabas bessis!" tuwang sabi ni Sharleen sa akin na makapasok ito sa pinto. Inayos niya kasi ang discharge papers ko.

"Salamat Bessis!" ngiti ko sa kanya bago ako bumaling ng tingin kay Carlo na nagbabalat ng mansanan para sa akin.

"-salamat din sa'yo Carlo." bukal sa loob ko ang sinabi ko dahil totoo naman na siya ang nasa tabi ko nung panahon na ibang tao ang kelangan ko pero hindi naman dumating.

"Wala yon, Denise. Alam kong malaki ang atraso ko sayo kaya paraan ko na ito ng pagbawi sa'yo." nakangiti niyang hinawakan ang kamay ko.

At nang araw nga ring iyon ay nakalabas na ako ng ospital. Si Carlo na ang nagprisinta na maghatid sa akin sa bahay at umalis na rin matapos niyang masiguro na okay na ang lahat.

Masaya ako kahit papaano lalo na at alam kong madami akong mga kaibigang nagmamahal sa akin pero nang mapag-isa na ako ay doon ko naramdaman ang lahat ng damdamin ng pilit kong binabaon sa limot.

Ang sakit isipin na ni minsan ay hindi man lang ako nagawang kamustahin ni Clark o kahit ang baby namin na ngayon ay wala na. Ni text o tawag galing sa kanya ay wala akong natanggap.

Ganon ba kabigat ang naging kasalanan ko sa kanya para itapon niya ang lahat lahat ng meron sa amin ng gabing iyon? Hindi ko mapigilang mapaiyak ng maisip ang lahat ng iyon.

Agad kong pinahid ang mga luha ko ng makarinig ako ng mahihinang katok mula sa labas ng kwarto ko. Pumasok si Louie na sa tingin ko ay papasok na sa kanyang trabaho.

"Ate, papasok na ko-- umiiyak ka na naman ba?" nag-aalalang tanong ni Louie sa akin.

"Ayos lang ako baby bro. Wag ka na magworry kay ate. Sige na pasok na para yumaman na tayo." biro ko pa dito para matuon sa iba ang pansin niya.

Napabuntong hininga siya at lumakad papalapit sa akin. Naupo siya saglit sa gilid ng kama ko.

"Ate, nandito lang ako. Walang iwanan kahit gago ako. Di naman kita pababayaan." niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang natouch ako sa sweetness ng baby bro ko. Para tuloy maiiyak ulit ako.

"Haynako. Sige na lalo tuloy akong naiiyak. Mahal din kita. Kahit di mo sinabi alam kong mahal mo si ate." sabay pahid ng sipon ko. Kainis kasi ito! Sobrang madrama.

Matapos noon ay napag-isa na ako. Habang dumadaan ang oras ay pilit akong binabagabag ng kuriyosidad ko. Sa mga tanong kung ano ba ang nangyari kay Clark? Nasaan kaya siya? Kamusta na kaya siya? Galit pa kaya siya? Namimiss niya kaya ako? Kasi ako sobrang namimiss ko na siya.

Nakita ko na lang ang sarili kong nagbibihis at papunta sa isang lugar na tatapos sa lahat ng mga tanong sa utak ko. Kelangan ko siyang makita. Kelangan naming mag-usap dahil kung hindi pakiramdam ko ay mababaliw ako sa kakaisip kung bakit. Bakit hindi siya dumalaw? Bakit hindi niya ako kinamusta? Bakit kami nagkaganito?

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at tinahak ang pamilyar na lugar papunta sa condo unit niya.

Habang papalapit ako ng papalapit at patindi ng patindi ang kalabog ng dibdib ko. Parang tambol ba na nag-uunahan sa pagtugtog ang puso ko dahil sa kaba at sa pananabik ko kanya.

Ilang hakbang na lang ay makikita ko na siya. Ilang segundo na lang ay makikita ko na rin siya. Ang lalaking tanging tinatakbo ng isip ko at tinitibok ng puso ko.

Pinindot ko ang doorbell at narinig ko ang pag-alingawngaw ng matinis na tunog mula sa labas. Parang gusto kong buksan na lang agad ang pinto mula sa labas para makapasok na ako pero wala naman akong susi.

Naghintay ako ng ilang sandali pero walang lumalabas. May tao kaya sa loob? Sinubukan ko ulit pindutin ang buton at maghintay ng pagbubukas ng pinto.

Susuko na sana ako at tatalikod para umalis na lang nang marinig ko ang dahan dahang pagbukas ng pinto.

Bumungad sa akin ang kakaibang anyo ni Clark. Isang linggo lang ang nakalipas pero pakiramdam ko ay tumanda siya ng ilang taon. Medyo makikita na ang patubo niyang bigote at balbas.

Napansin ko ring amoy alak siya. Nag-iinom ba siya sa loob mag-isa? Pero mas kinagulat ko ng mapansin ko ang itsura niya.

Magulo ang buhok niya na parang "after s*x" ang itsura o should i say sa kalagitnaan pa ng milagro? Napansin ko ring wala siyang suot na damit at nakatapis lang ng tuwalya. Or should i say, tinakpan lang niya ang dapat takpan?

Halos hindi ako makapagsalita sa tindi ng kaba ko at takot na katotohanang pwedeng nangyayari sa loob.

"A-ahh C-clark..." maluha-luha kong sabi sa kanya. Hindi ko din naman alam kung anong sasabihin ko. Kamusta? Anong ginagawa mo? Nakikipags*x ka ba?

Nakita kong napalitan ang ekspresyon niya mula sa malamig at walang pakiramdam papunta sa pagkairita. Na para talaga akong nakakaistorbo sa ginagawa niya na kung ano man.

"What now, Denise?" inis niyang tanong. Sobrang sakit na sa kaunting salitang iyon ay ramdam kong ayaw niya akong makita.

"K-kasi.. A-ano? K-kamusta ka--" pero natigil ako ng may marinig akong boses mula sa loob.

Isang boses na sobrang pamilyar sa pandinig ko kahit ilang beses ko pa lang siya nakita.

"Clark! Dont make me wait here! F*ck you! I'm almost at my climax, damn you! Come over here and continue this!"

Lumingon si Clark sandali at pinilig ko ang mukha ko para hindi niya makita ang sakit rumehistro sa buong mukha ko.

"Wait up, Casey!"

Yun na lang ang narinig ko at dali-dali na akong tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan naisampal sa mukhang tinapos na ni Clark ang lahat lahat ng namamagitan sa aming dalaw.

Grabe! Ang sakit sakit! Dahil aaminin ko na sa nagdaang isang linggo naming hindi pagkikita ay hindi naman nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.

Sobrang mahal ko siya kaya sobra akong nasasaktan ngayon.

***AN

Vote. Comment. Happy Reading!

<3lots,
CN

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon