Chapter Twenty Seven

3.2K 67 5
                                    

Denise's POV

Nakatulala ako. Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. Papano at bakit nangyari? Hindi ko talaga maalala na may nangyari sa aming dalawa ni Carlo.

Ang naaalala ko lang ay pilit akong hinahalikan ni Carlo at pilit ko rin syng tinutulak papalayo. Teka nirape nya kaya ako?

Ang walanghiyang iyon!

"Ms. Denise David?"

Pero hindi e. Ang natatandaan ko din ay tumigil sya at humingi ng paumanhin. Pero papaanong napunta ako sa kwarto nya?

"Ms. Denise David?"

"Ay. Ako po yun." Napataas pa ako ng kamay sa Nurse na naghahanap sa akin. Sa sobrang occupied ko ay hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag.

Nandito kasi ako ngayon sa Clinic na nirefer sakin ni Sharlene.

Tumayo na ako at sumunod sa Nurse na naghatid sa akin papunta sa pribadong opisina ng Doctor.

"Denise David?" Tanong sa akin ng doctor ng makapsok ako ng pinto. Sa tantiya ko ay nasa late 30's na ito.

"Ako nga po." ngumiti ako dito bilang pagbati.

"Nice to meet you. Buti nai-refer ka sakin ni Sharlene. I am Dra. Madeline Tan." pagpapakilala nito.

Nakipagkamay ito sa akin bago ako naupo sa katapatan na upuan nya.

"So, Sharlene told me that you are expecting?" nakangiting tanong nito sa akin.

Tumango lang ako.

"As i can see dito sa results ng laboratory na pinagawa ko sayo kanina.." sandali nyang tinignan iyon "- it's positive."

Napalunok ako.

"Congratulations Denise. You are two weeks pregnant." masayang niyang pahayag sa akin.

Hindi ako makapaniwala. Masaya ako pero hindi ko alam kung ano ang mas dapat kong maramdaman na emosyon sa ngayon. Madaming mga bagay na nanggugulo ngayon sa isip ko.

"Teka, asan nga pala ang partner mo? Hindi mo ba kasama ngayon?" maya-maya pa ay tanong niya ng mapansin nyang wala akong kasama.

Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa tanong nya.

"Hindi e. He's in the States now. He'll be back by tomorrow." tugon ko dito. Pinilit kong ngumiti.

"Alam na ba nya? Mas maganda kasi sa mga babaeng nagbubuntis na katuwang nila ang mga asawa nila along the way." tanong nito sa akin.

"Hindi pa po." i answered timidly.

"Well, he'll surely be surprise."

For sure, masusurpresa siya.

Masaya ako na magkakaron na kami ng baby ni Clark pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi pa ako handa sa reponsibilidad na ito. At siya, kumpara sa akin ay mas bata pa sya. Paano kung mas hindi pa sya handa para dito?

Ang isa ko pang iniisip ay si Carlo. Paano kung malaman ni Clark ang nangyari sa amin? Na hindi ko nga sigurado kung meron nga? Hindi ko alam kung anong pwedeng magawa ni Clark kapag nagkataon.

Binigyan na ako ng reseta ng mga vitamins at gamot ng doctor. Agad ko namang binili ang mga nasa reseta ng makalabas ako ng clinic na iyon.

Napagdesisyunan kong umuwi muna sa bahay namin dahil kinabukasan pa naman babalik si Clark. Syempre, gusto ko rin naman kamustahin ang ugok kong kapatid. Tamang tama dahil wala naman iyong pasok ngayon.

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon