Chapter One

7.4K 101 2
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nagvavibrate sa ilalim ng unan ko. Maganda sana kasi parang minamassage ang pisngi ko. Sobrang inaantok pa ako at alam kong wala akong pasok kaya hindi dapat nag-aalarm ang cellphone ko ngayon.

Nagmulat ako ng mata at base sa liwanag na pumapasok sa loob ng kwarto ko ay nasa bandang alas otso pa lang ng umaga. Alas sais ang alarm ko kaya wala nga talaga akong pasok. Tumigil ang pagvibrate kaya pinikit ko ulit ang mata ko.

Makalipas pa ang ilang segundo naramdaman ko ulit ang pagvibrate nito kaya kinapa ko ito sa ilalim ng unan ko. Pilit kong binuksan ang mata ko para tignan ang screen nito.

---
Sharlene Cheng
Calling...
---

Napangiwi ako ng makita ang pangalan niya sa screen. Para kasing alam ko na kung bakit siya tumatawag. I pressed the answer button.

"Hello?" sinadya kong tamlayan ang pagsagot sa tawag niya para marealize niyang iniistorbo niya ang beauty sleep ko.

"D-denise..." i heard her sob on the line. Oh no! Not agaaaaaaain!

"Come over here. I need you." at napahagulgol na siya. Natakip ko ang unan sa mukha ko dahil sobrang inaantok pa ako pero hindi ko pwedeng pabayaan ang best friend ko.

"Urgh. Sharlene, give me an hour." then i sigh. A deep long sigh of surrender.

"D-denise, p-please hurry. K-kahit dito ka na lang maligo." sabi nito sa pagitan ng pagsingot at pag-iyak niya. At iyon talaga ang offer nya ha? Hindi man libreng almusal?

I rolled my eyes.

Feeling ko umabot hanggang langit ang eyeballs ko. Kung hindi ko lang ito best friend eh.

"Okay. Wait for me." I hung up dahil wala na akong magagawa kasi alam kong hindi niya ako titigilan. Ganito lagi siya kung makapagdemand, parang ako ang jowa niya kung papuntahin ako sa unit niya.

Kala mo sa kabilang kanto lang siya nakatira kung makapagsabing bilisan ko.

Bumangon na ako para magbihis at magsipilyo. Ayaw ko namang maghasik ng lagim sa Pinas dahil sa morning breath ko. At hindi na nga ako naligo at dali-dali ng bumaba. Naabutan kong kumakain ng almusal si Louie sa may lamesa. Halatang kakagising lang nito. Wala rin siyang pasok tuwing sabado.

Madalas ito ang nagluluto ng pagkain sa bahay since tumira na sila Mama at Papa sa States. Matagal ng OFW ang Papa ko at naisipan nyang kunin na lang si Mama since mahihirapan siyang umalis sa trabaho nya. Kami naman ay piniling tumira dito sa Pinas. May trabaho naman ako dito na maayos at ever since hindi ko talaga ginustong tumira sa ibang bansa.

Ako naman ang sumuporta kay Louie after nyang makagraduate sa kursong IT. Mahigit isang taon din ang lumipas bago ito natanggap sa pinagtatrabahuhan nya ngayon at awa naman ng Diyos e isang taon na syang empleyado ngayon. At dahil ako pa rin ang mas matanda sa bahay na ito, ako pa rin ang nasunod nung sinabi kong sya ang maghahanda ng almusal.

"Ate, kain na? Teka, aalis ka ba?" tanong niya ng lumapit ako na dala ang susi ng kotse at sling bag ko. Lalabas na sana ako pero hinatak ako sa kusina ng maamoy ko ang niluto ng baby bro ko. Nagluto siya ng fried rice na maraming lahok at tocino.

"Oo." Sagot ko habang dahan dahang lumalapit sa lamesa. Nasa pagkain ang focus ko.

Sobrang natakam ako at halos tumulo ang laway ko ng makita ito ng malapit. Agad kong kinuha ang hawak na kutsara ng kapatid ko at sumubo ng kanin at kinuha ang maliit na piraso ng tocino. Gusto ko pa sanang umupo para kumain pero kelangan ko na talagang umalis.

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon