Chapter Four

4.5K 86 2
                                    

Medyo madilim na ng magising ako at pasado alas siyete na base sa orasan ng cellphone ko. Bumangon na ako dahil naramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko sa gutom.

Hindi na ako sumama sa lunch out treat ni Clark dahil sa inis ko bukod din sa migraine ko. Hindi na ako nakakain kanina pag-uwi at natulog na lang. Wala na rin ang sakit ng ulo. Umepekto na siguro ang gamot na ininom ko.

Lumabas na ako ng kwarto para bumaba at maghanap ng makakain. Medyo matamlay pa rin ang pakiramdam ko kaya mabigat ang paa ko sa paghakbang

Pababa na ako ng hagdan na marinig kong nagsalita ang kapatid ko.

"Bro, mukhang gising na yung crush mo." bigla akong natigilan sa paghakbang.

Shit. Nandiyan na naman siguro yung mga katrabaho niyang mayayabang e mga panget naman!

Puro pacute sa akin kapag naandito. Dumadamoves pa eh mukhang walang pambili ng sariling pabango kasi ang babaho. Mabubwisit na naman ang gabi ko.

Hindi na lang ako bababa.

Pere teka?

Ano yung amoy na iyon?

Hindi ako pwedeng magkamali dahil ito ang paborito ko. Malamang nagluto si Louie at alam kong masarap yon. Mas maalam pa siyang magluto kesa sa akin, samantalang ako prito lang ang alam iluto. Huminga ako ng malalim. Ang sarap ng amoy.

Sinigang.

Agad na akong bumaba dahil pakiramdam ko ay tutulo na ang laway ko kapag hindi ko nakain iyon. Napatigil ako sa huling baitang ng makita ko kung sino ang bisita ni Louie.

"What are you doing here?" pagtataray kong tanong ng makita ko si Clark na nakaupo sa sofa. Nandun din ang kapatid ko kaya sabay silang napatingin sa gawi ko.

"Ate, tanda mo pa si Clark? Yung kaklase ko nung high school?" tanong ni Louie. Ngiting ngiti ito dahil alam kong matagal na silang hindi nagkikita ng kaibigan niya.

"Yeah." nahakahalukipkip ako habang nakatayo sa tapat nila, dahil walang sumagot sa tanong ko. Ito namang si Clark, tila nang-aasar pa na ngumiti lang ng nakakaloko.

"Sakto. Sabay sabay na tayong kumain." yaya ni Louie at nagpunta na ng kusina. Tumayo na rin si Clark pero tumingin ito sa akin na parang hinihintay akong sumunod sa kapatid ko. Naisip kong biruin ito.

"Wala ka man lang dalang chocolates?" tanong ko dito. Parang nagtaka ito sa tanong ko pero ngumiti lang ito.

"Why? Hindi naman ako nanliligaw?" nagulat ako sa sinabi nito pero natawa ako ng malakas.

Hindi naman kasi iyon ang ibig kong sabihin. Pero nahuhuli ang isda sa sarili nilang bibig.

"Eh di ba galing ka ng Tate? Bakit walang pasalubong? Hay, Clark. Sablay." natatawang sabi ko at dumaan sa harap niya papunta ng kusina. Sinadya kong banggain ito ng kaunti.

Nag-umpisa na kaming kumain pero tahimik lang ako habang patuloy na nagkukwentuhan ang dalawa sa harap ko. Nagpanggap akong may tinitignan sa cellphone habang pasimple akong nakikinig sa usapan nila.

"Bro, since when ka pa bumalik?" tanong ni Louie sa pagitan ng pagsubo niya.

"Last month pa." sagot ni Clark.

"Doon ka pa rin ba tumutuloy?" tanong ni Louie sa pagitan ng pagsubo niya.

"Nope. Binenta na namin yun since nagmigrate kami sa Amerika. I'm staying at a Condo in Makati. Yung parents ko are still in the states. Ako lang mag-isa dito."

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon