Chapter Ten

3.6K 80 1
                                    

Masakit ang ulo ko kinabukasan dahil sa hang over. Biyernes naman kaya naisipan kong magpakasaya kagabi. Napilitan pa ngang sumama sa akin si Sharlene pero kalaunan napainom din ito. Kaya heto ako ngayon kagigising lang at parang binibiyak ang ulo.

Napamulat ako at medyo nagtaka ako dahil hindi ko naman kwarto ito. Napansin ko din naman si Sharlene na nakapada pang natutulog sa tabi ko. Dito na nga pala ako nakitulog kagabi dahil mas malapit ito sa bar na pinuntahan namin.

Naupo ako sa kama pero pinagsisihan kong ginawa ko iyon dahil biglang gumuhit ang sakit sa ulo ko. Luminga ako sa paligid para hanapin ang gamit ko. Maliwanag na sa loob ng kwarto ni Sharlene at ramdam mo na rin ang init kahit may aircon kaya sa tingin ko ay tanghali na.

"Sharlene.." tinapik ko ito.

"Uughh." wala tulog pa ang bruha.

Malayong magising yan at bumangon kapag ganon ang sagot nya. Paano ba naman ay mas lasing pa ito sa akin! Kaya nga dito na rin ako napilitang matulog dahil hinatid ko rin ito dito sa condo niya sa sobrang kalasingan.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko dahil doon. Kumuha ako ng damit sa closet ni Sharlene dahil ayaw ko naman na gamitin ulit yung damit sa sinuot ko kagabi. Sanay na kami sa isa't-isa na maghiraman ng damit. Magkaibigan na kami nito simula nung high school pa kami.

Paglabas ko ng banyo ay nakaupo na ito sa kama at ramdam kong masakit din ang ulo nito.

"Argh. Denise! Kasalanan mo 'to!"

Natawa ako.

"Hoy! Hindi kita in-injection-an ng alak sa bibig kaya paanong naging kasalanan ko?"

"Niyaya mo pa kasi ako. Ang sakit tuloy ng ulo ko."

Hinihimas nito ang sintido.

"FYI. Sabi mo hindi ka iinom tapos anyare? Mas lasing ka pa sa akin?"

Nagtawanan na kami.

"Anong oras na ba?" nakangiwing tanong niya sa akin habang himas himas ang ulo nya.

Oo nga? Ano na nga kayang oras na?

Hindi ko pa nachecheck ang cellphone ko simula kagabi. Wala rin namang orasan dito sa loob ng kwarto nya.

Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag ko at nakita kong ala una na pala ng hapon. Kaya pala nakakaramdam na ako gutom.

"1:17pm na."

Ini-unlock ko ang cellphone ko at nagulat ako ng makita ko kung gaano kadami ang registered missed calls at text ko.

43 missed calls.

14 Text Messages.

Whoa. Beast mode itong tumatawag ah?

Nagtext naman ako kay Louie na hindi ako uuwi kaya isara nya ng ayos ang bahay bago siya pumasok sa trabaho.

Hindi ko na kasi chineck ang phone ko simula kagabi dahil iniwan ko ang ibang mga gamit ko sa condo ni Sharlene. At ayaw ko ng istorbo kaya pati phone ko ay hindi ko na dinala.

Chineck ko ang mga missed calls at galing lang sa isang tao.

Clarky Boy.

Binuksan ko ang inbox para icheck ang mga messages.

Yesterday
---
From Clarky Boy
18:23 Bakit umuwi ka agad?
---
From Clarky Boy
19:08 May pasalubong ako. Dalhin ko sa inyo.
---
From Clarky Boy
19:34 Hey? Call me when you read this.
---
From Clarky Boy
19:43 Where are you? Im outside your house.
---
From Clarky Boy
20:46 Denise, answer the phone.
---
From Clarky Boy
20:52 Where the hell are you? Bakit hindi ka uuwi?
---
From Clarky Boy
21:12 Denise! Where the f*ck are you?
---
From Clarky Boy
22:34 ANSWER THE GODDAMN PHONE!
---
From Bro Louie
23:42 Ate, beast mode na si Clark! Asan ka ba? Kanina pa natawag sa akin. Nasa trabaho ako. Text mo ko.
---

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon