Chapter Twenty Eight

4.9K 121 47
                                    

Denise's POV

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin umuuwi si Clark galing sa Amerika. Madalas naman siyang tumatawag pero para sa akin ay hindi pa rin sapat na naririnig ko lang ang boses nya. Gusto ko na siyang mayakap at halikan. Sobrang namimiss ko na siya.

Pero kahit ganon, mas pinili kong huwag sabihin sa kanya ang maganda kong balita na magiging tatay na siya sa pagbalik nya. Dalawang tulog na lang naman at makikita ko ba ulit siya.

Sa linggo na ang flight niya pabalik dito sa Pinas kaya medyo nabuhayan ako. Pero kahit pasado alas sais na ng gabi ay nandito pa rin ako sa opisina. Ayoko pa kasing umuwi ng maaga dahil maiisip ko naman na kung sana ay kasama ko si Clark.

Napabuntong hininga ako. Tapos ko na kasi ang mga kelangan kong tapusin at pwede na nga akong umuwi. Pero ayaw pa ng katawan ko. Pumunta kaya muna ako kay Sharlene?

Tumayo muna ako para mag-ayos ng sarili sa washroom para sa pag-uwi. Nang makalabas ako ng opisina ko ay may naririnig akong komosyon sa pwesto ng mga tauhan ko. Sandali akong nakinig.

"Ano ka ba girl. Wag mo na ngang iyakan yon! Lalaki lang yun. Madami pang katulad nya sa mundo pero hindi nga lang kasing hot at gwapo niya." pangangaral ni Kent.

Noon ko lang napansin na humahagulgol pala sa isang gilid si Kathy. Ano kayang iniiyakan niya? Wala naman akong alam na meron pala siyang boyfriend e.

"Kung ganon ~sniff~ nga lang kasi ~sniff~ kadali e. Paano nga? Bumigay nga ako di ba?" sagot ni Kathy sa pagitan ng mga hikbi nya.

"Haynako! Mga walanghiya talaga yang mga lalaki na yan e!" inis na sabat ni Grace habang hinahagod ang likuran ni Kathy.

"Tutal ay biyernes naman ngayon eh mag-videoke na lang tayo! O kaya sa bar. Magpakasaya na lang tayo para makalimot ka na girl. Wag mo ng isipin yang si Ca--" natigilan si Kent ng makita ako.

Pati ako nagulat kasi nahuli nila akong nakikinig sa usapan nila.

"Ay maam! Nandiyan ka pala!" sigaw ni Kent na kinabigla ng dalawa. Agad silang napatayo at napaharap sa akin.

"Aalis ba kayo?" tanong ko.

"Ay opo maam. Ito kasing si Kathy, broken hearted. Aaliwin lang sana namin." sagot naman ni Grace.

"Gusto nyo bang sumama Maam? Diyan lang kasi sa malapit. Aayain din namin yung dalawang bugok para the more the merrier." sagot naman ni Kent.

Sandali akong nag-isip. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Sasama na lang siguro ako at kakain kasi hindi naman na ako pwedeng uminom.

"Sige."

"Ayyy! Gooo!" tili ng bakla ko assistant manager.

"Hoy girl. Ayusin mo na yang sarili mo. Kasama na si maam para maaliw ka oh!" sabay siko ni Grace na humihikbi pa rin na si Kathy.

Nakaramdam tuloy ako ng awa kay Kathy kasi pakiramdam ko ay napagdaanan ko na din kung ano man ang pinagdadaanan niya ngayon.

"Sige. Sagot ko na ang drinks nyo pero hindi ako iinom ha?" pakonsuelo ko.

Nakita kong tipid naman ngumiti si Kathy.

"Thank You Maam." sabay pahid nya ng mga luha niya da pisngi.

"Taralets!" Sabay sabay nilang sigaw na parang chorus ng kanta.

"Sa kotse ko na sumabay yung mga girls. Tapos yung iba sa sasakyan na lang ni Kent." sabi ko at naghanda na kami paalis.

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon