Chapter Twenty Nine

2.2K 65 7
                                    

Denise's POV

"Oh my gosh, Clark! What's happening here?" rinig kong sigaw ng isang babae.

Lalo akong naguluhan sa mga nangyayari ng may lumabas na pamilyar na mukha mula sa isa sa mga pribadong kwarto. Halata sa mukha niya ang pagkabigla lalo na ng makita niya ang duguang labi ni Carlo na nakahiga na sa sahig.

"Maam Denise, ano pong nangyari? Oh my gosh! Si Sir Carlo ba yan?!-" napalingon ako sa nagsalitang si Kathy.

Pero much to my surprise, nakaramdam ako ng sakit sa kaliwang braso ko ng may biglang humawak doon ng mahigpit.

"Is this what you are doing while i'm gone? Nakikipaglandian ka dito sa ex mo?!" bulyaw sa akin ni Clark.

Pakiramdam ko ay nadurog ng pirapiraso ang puso ko sa narinig kong paratang niya sa akin.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" pinilit kong wag tumulo ang mga luha pero sadyang hindi ko napigilang kumawala ang isang butil ng luha mula sa mata ko.

"Goddamn it Denise! Bukod dito, ilang beses pa kayong nagkita ha?!" galit na galit nitong akusa sa akin. Bakit ganito siya mag-isip sa akin?

"Wag mo nga akong pagbintangan ng kung anu-ano! Dapat nga ako ang nagtatanong sa iyo kung bakit hindi ko man lang alam ba nandito ka na pala?!" hindi ko na napigilang sagot dito.

"Stop changing the topic, Denise! Hindi ako ang issue dito ngayon." bulyaw niya sa akin.

Nakita kong napasabunot siya sa buhok niya. Halata sa mga mata niya ang galit sa mga nangyayari pero ayaw kong magpatalo dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama.

Nasasaktan akong isipin na pinag-iisipan niya ako ng masama.

"Clark, nakabangga ko lang siya dito sa lugar na ito. Hindi ko naman sinasadya--"

"Enough Denise! Sana naman umpisa pa lang sinabi mo ng siya pa rin para sana hindi na ako umasa ng ganito." putol nya sa pagpapaliwanag ko.

Hindi ko na napigil ang mga luha ko sa pag-uunahan nila sa pagtulo. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya pero hindi ko malaman kung bakit siya nasasaktan ng ganito. Ako ba ang dahilan kung bakit? Kung hindi ako, ano?

"Clark..." bagsak ang balikat kong tawag dito.

"I had enough. Kung siya naman talaga ang gusto mo simula pa noon at hanggang ngayon, handa naman akong ibigay ang kalayaan mo. Pero sana hindi mo na lang ako pinagmukhang tanga!"

Napaigtad ako sa lakas ng sigaw niya at para akong natulos sa kinatatayuan ko. Nabalik lang ako sa wisyo ko ng makita ko ang likuran ni Clark na naglalakad na papalayo.

"Clark, wait!" sigaw ng babaeng kasama ni Clark. Hindi ako nagkakamali. Siya si Casey.

Sobrang sakit pero alam kong kelangan ko siyang habulin. Kelangan namin tong pag-usapan dahil pakiramdam ko mawawala na siya sa akin.

"Clark, please let's talk. Hindi ko naman alam na makikita ko siya dito sa lugar na ito." pilit ko siyang hinahabol pero sobrang lalaki ng hakbang niya.

Tumigil siya sa paglalakad pero kahit ginawa niya iyon ay hindi ko pa rin nagawang lumapit. Napatigil din ako sa paglalakad ilang hakbang ang layo mula sa kanya. Kanina na gustong gustong ko pigilan siya pero hindi ko siya mahabol pero ngayong abot kamay ko na ay hindi ko magawang lumapit.

"Clark.." tawag ko sa pangalan niya pero napakasakit sa aking tignan na ni ayaw niya akong tignan.

Dahan dahan siyang lumingon at nakita ko ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. Sobra akong nasasaktan na makita siyang nasasaktan.

"Ano pa bang sasabihin mo?" ngayon ay malumanay nyang tanong na parang sumuko na siya. Na isinuko na nya ang lahat.

"C-clark.." hindi ako makapagsalita ng ayos dahil sa kung anong nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong sabihin para hindi sya lumayo.

"..b-buntis a-ako." hindi ko alam kung bakit ito ang nasabi ko pero pakiramdam ko ito na lang ang dahilan para hindi siya lumayo.

Nakita kong sa balikat niya na napabuntong hininga siya. Pero nanatili siyang nakatalikod da akin.

"Clark.. magkakababy na tayo. Magiging tatay--" humakbang ako palapit sa kanya pero napatigil din ako ng magsalita sya.

"Malay ko ba kung ako talaga ang ama ng batang yan." simpleng sagot nya sa sinabi ko.

Para akong sinaksak ng libu-libong kutsilyo sa dibdib sa mga salitang binitawan niya. Doon ko nagawang lumapit sa kanya at hindi ko napigilan ang pag-uunahan ng mga luha ko sa pagtulo.

"Clark, wag ka naman ganyan. Magiging pamilya na tayo. Wag mo naman itanggi ang anak mo." sinasabi ko yun pero pakiramdam ko pilit ko lang iniisip na magiging okay pa rin kami. Na magiging okay pa rin ang lahat sa amin.

"Denise, saka na lang natin pag-usapan to." malamig ang tinig ng boses niya.

Lumapit pa ako para yakapin siya. Sobrang namimiss ko na siya. Sa ilang mga araw na nagdaan, itong mga bisig at katawan na ito ang lagi kong hinahanap-hanap.

"Clark, please. Alam kong galit ka at hindi ko alam kung paanong mawawala ang galit na yan." wika ko sa pagitan ng paghikbi ko.

"Mahal na mahal kita, Clark." at lalo kong hinigpitan ang yakap ko. Pakiramdam ko pag ginawa kong kumalas ay mawawala na rin siya sa akin.

"Denise.." sa simpleng pagtawag niya sa pangalan ko at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

"..mahal din kita pero.." naramdaman kong unti-unti niyang kinakalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Gusto ko mang wag bumitaw pero hindi ko nagawa. Ayaw ko! Ayaw ko siyang mawala.

"..hindi ko na alam ngayon kung kaya ko pang kalimutan ang lahat. Kung magiging masaya ka kay Carlo, pinauubaya na kita sa kanya." at tuluyan nyang inalis ang mga braso ko sa kanya at lumakad papalayo.

Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol habang tinatanaw ang paglayo niya sa akin. Gusto ko man siyang habulin pero walang sapat na lakas ang mga tuhod ko para maglakad.

Gusto ko man siyang tawagin at pigilang umalis pero hindi ko mahanap ang boses ko.

Napaupo ako sa kalsada hanggang sa wala na akong makitang anino niya sa paligid. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi mapigilang lumabas sa mga mata ko.

"Maam Denise!"

Naramdaman ko ang paglapit ng ilang mga tao sa paligid ko pero sobrang namamanhid ang buong katawan ko. Pakiramdam ko namanhid na ang buong pagkatao ko sa sakit na nararamdaman ko dito sa dibdib ko.

"Oh my god! Bakit ka may dugo sa mga hita mo Maam Denise?!" nagpapanic na tanong ni Kent sa akin.

Doon ko lang naramdaman ang sakit sa puson ko. Sobrang sakit at halos mawalan na ako ng ulirat at hindi ko mapigilang mapasigaw.

"Oh god! Dalhin natin siya sa ospital!"

"Maam Denise, okay ka lang ba?"

"Kelangan natin ng sasakyan!"

Kung sinu-sinong boses ang naririnig ko sa paligid pero unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko sa sobrang sakit.

"Denise, buntis ka ba? Wag kang matutulog. Dadalhin ka namin sa ospital." narinig ko pa ang boses na Carlo at naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko mula sa lupa. Bago tuluyang dumilim ang paligid.

Lihim akong nagdasal na sana panaginip lang ang lahat. Na sana bangungot lang ang lahat ng nararamdaman kong sakit.

Na sana maging okay ang lahat sa paggising ko.

***AN

Vote. Comment. And happy reading!

xoxo,
CN

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon