Chapter Thirteen

4.1K 73 2
                                    

Gusto ko mang matawa pero pinigilan ko na lang. Mukha kasing nagmamaktol na parang bata si Clark kaya hinabol ko ito hanggang sa labas.

"Clark!"

Tumigil ito sa may tapat ng kotse nya at saglit akong nilingon. Hindi pa rin naaalis ang kunot nito sa noo. Mukhang napikon si Baby boy ah?

"What's with you?"

Inis nitong tanong sa akin. At ako pa pala ang may problema? Di ba sya yung nagwalk-out? Sya yung beast mode ngayon?

"Anong what's with me?"

Napabuntong hininga ito ng marahas.

"Denise, you know from the start that i like you. I even told you that i love you pero bakit ganan ka? Bakit parang wala lang sayo yung nararamdaman ko?"

Okay! Shocked ako dun. I didn't see that coming. Hindi ako nakapagsalita.

"Alam ko ng wala akong panama sa katawan nung--" nag-isip ito ng pangalan "--nung lalaking iyon. Yung nagsasayaw! The one whom you fantasized awhile ago."

Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko sa pagtawa. Ang cute ni Clarky boy kapag nagseselos.

"Why are you laughing?"

"Nagseselos ka ba kay Channing?"

"No."

Pero lalo lang akong napatawa kasi epic talaga yung itsura nya ngayon tapos labas sa ilong pa yung sagot nya.

"Tss. Stop it."

Awat nya na at lalo nyang ikinapikon kaya pumasok ito sa loob ng sasakyan nya.

Medyo natauhan ako doon kasi mukhang tototohanin na nya ang pagwo-walk out e. Agad akong tumakbo sa passenger seat at pumasok din sa loob ng sasakyan nya.

"Clarky.."

Hindi ko ito kailanman ginawa pero nilalambing ko ito ngayon at alam kong bibigay din ito mamaya. Sabi nila effective daw itong pantanggal ng init ng ulo ng mga boys.

Hindi man lang ito lumingon. Nakatingin lang ito sa unahan pero hindi naman binubuhay ang makina ng sasakyan. Nag-isip pa ako.

At parang deja vu?

Parang ginawa ko na din ito dati sa kanya?

Hinawi ko ang mukha nya para humarap sya sa akin. Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Para siyang kinakabahan?

"Clarky.."

Nginitian ko ito pero wala itong reaksyon. Hindi ko alam kung nababasa nya ba ang nasa isip ko dahil pakiramdam ko ay sinadya nya iyon para ituloy ko kung ano ang binabalak ko.

I planted a soft kiss on his lips.

"Are you mad?"

And i saw his expression lightens. And i know tumatalab na ang ginagawa ko.

I kissed him again.

"Wala ka bang pasalubong sa akin?"

Naramdaman kong gumalaw ito na parang gusto nyang ipagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

I kissed him again. This time mas matagal at medyo malalim. Naramdaman ko na lang ang kamay nya sa batok ko para lalo pang palalimin ang halik na iyon.

Sandali akong lumayo at nakita ko ang pananabik sa mukha nya.

"Did you missed me?"

Tanong ko dito.

I Own His VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon