Chapter • 29

2.9K 112 2
                                    

CASEY's POV

"Halata naman." Napabitaw ako sakanya dahil naninikal na din ako dahil ang tangkad niya.

Pinagmasdan ko siya, nakataas yung buhok at syempre yung seryoso niyang mukha. Ang gwapo niya yata ngayon?

 Ang gwapo niya yata ngayon?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bawal mainlove sakin." Inirapan ko siya at ngumiti ulit.

Namiss ko talaga siya, sila. Eh kasi naman wala na silang communication saken, ni hi o blangkong message man lang ay wala akong natanggap.

Parang wala naman kaming pinagsamahan.

"Ang kapal mo ah." Umupo nalang ulit ako sa upuan ko dito.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sakanya habang tinatali ang sapatos ko.

"Inenroll ko yung kapatid ko." Nabaling agad yung tingin ko sakanya.

"May kapatid ka?!" Tumango lang siya saken at sumandal sa may railings habang naka cross arms.

Ang alam ko ay nag-iisang anak lang si Jin. Yep si Jin nga ang kausapo ko. Kim Seokjin.

"Talaga? Masungit din siguro yun panigurado." Umiling naman siya agad.

"Mali ka, kabaliktaran ko yun. Pag kasama mo yun para mo na ring kasama si Taehyung."

Naalala ko tuloy si Taehyung, yung pag aagawan namin ng pagkain, yung habulan namin sa bahay. Hayst, nakakamiss.

"Papasok siya bukas at kaklase niyo siya. Asan nga pala si Jungkook?" Nagkibit balikat lang ako.

"Kamusta na kayo ni Maknae?" Ugh.

"Wala na kame." Nanlaki ang mata niya.

"Wala na kayo?! Anong nagyare?" Nagkibit balikat lang ako sakanya. Ayoko talagang pagusapan to ngayon.

Napabuntong hininga siya.

"Ikaw nakipag break no?" Marahan lang akong tumango sakanya.

"Imposible naman kasing si Jungkook, eh mahal na mahal ka nun eh."

Huminga ako ng malalim at iniba ang topic.

"Anong pangalan ng kapatid mo? Anong itsura?" Nagkibit balikat siya saken kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Alamin mo bukas," Ginulo niya yung buhok ko at naglakad na papunta sa pintuan ng rooftop. Sinundan ko siya agad at hinila pabalik.

"May itatanong pa ako!"

"Spill,"

"B-bakit hindi na kayo nagpaparamdam?" Utal kong sabi.

Living with the 7 jerks || BTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon