Chapter 9 ·

4.2K 169 2
                                    

CASEY's POV

Nagising ako sa isang kamay na nakayakap sa bewang ko.

Ang likot niya pa matulog! Galaw ng galaw! Ginagawa akong unan. Hinihila pa ako. Pasikip ng pasikip yung yakap niya.

Ah. Kilala ko na kung sino to.

Pero hindi pwedeng makapasok dito to! Naka-lock yung kwarto ko! Tss. Kahit kailan talaga! Pilit kong tinatanggal yung pagkayakap niya saken, pero binabalik niya padin! Clingy talaga niya! Tss.

Hinayaan ko nalang at natulog ulit. Hanggang diyan lang naman yan, hindi naman papasok sa damit yung kamay niyan, hanggang bewang ko lang talaga. May galang padin naman sakin to no! Pasalamat to inaantok pa ko, kung hindi kanina ko pa siya pinagsi-sipa.

"CASEY!!"

Napabalikwas ako ng bangon ng may narinig akong sumigaw ng pangalan ko. Naramdaman kong hinihila pa ng katabi ko yung bewang ko.

"Sunog?!" Sugaw ko. Suminghot ako.

"CASEY! SINO YAN?!" Napatingin ko sa mga taong nasa side ng kama ko.

Don't tell me nakita nila kaming ganun ang pwesto?! Ohmygod! Alam ko ang iniisip nila! At mali yun!

"Hehe. Uhmm? I can explain?" Pilit akong ngumiti sakanila at nagpeace sign.

"DAPAT LANG!!" Galit sila!

"Casey, higa ka ulit, namiss kita eh." Umungol yung katabi ko at hinila pa ang bewang ko.

Ohmygod! Nakakahiya! Bakit kase nandito to?! Bakit ngayon pa to umuwi?! Bakit hindi man niya ko ininform na dadating siya?! Ede sana tin-riple ko yung lock ng pintuan ko!Bwisit talaga!

"Ahh ehh ano kase si----"

"Casey, higa ka sabi ulit eh." Umungol pa siya! Baka ano ng iniisip ng mga oppa ko! Teka naman! Mali yung iniisip nila! I can explain!

"Oppa mali yung inii---"

"Casey! Higa ka ulit! Sarap mong yakapin eh." Ungol niya ulit.

Sa sobrang inis ko na sa katabi ko kumuha ako ng unan tsaka pinagpapalo sa kanya!

"Aray naman casey! Bakit ka ba namamalo?! Natutulog yung tao eh! Pag sinabi kong higa! Humiga ka! Kelan ka pa natutong sumaway sakin ha?!" Sabay tumba sakin sa kama sabay yakap kasama pati paa!

"KUYA!!! NAKAKAHIYA NA! TUMAYO KA DIYAN! KUNG HINDI BABAOG-IN KITA!"Sigaw ko mismo sa tapat ng mukha niya.

Wala siyang nagawa, tumayo nalang tsaka lumaba ng kwarto. Kaya naman pala naka pasok siya. Sinira niya lang naman yung doorknob ng pinto ko!

"Kuya?!" Sabay sabay na sabi ng mga butlers ko.

"Oo, bakit?"

"A-akala ko---" Pinutol ko yung sasabihin ni Jimin.

"Akala mo ka make out ko? Like duuh? Eww! As if! Kadiri kayo!  Kuya ko yun! Hindi ba pinakilala sa inyo ni mama si kuya?" Tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman silang umiling.

"Si kuya Xander yun. Masanay na kayong gabi-gabi kaming magkatabi matulog niyan. Pervert yan e. Pero--"

Tamo tong mga to. Bigla nalang aalis eh nage-explain pa ako. Bastusan talaga ngayon dito ano? Ay teka, bumalik pala sila.

"Jimin, yung martilyo!"

"Taehyung, pengeng pako!"

"Jungkook, ayusin mo pagkahawak!"

Gunagawa sila ng lock sa pintuan ko? Protective much?

"Oppa! Wag mo ng lagyan niyan!" Sigaw ko sa kanila. Eh kasi naman, ang dami eh! Wala din naman magagawa yang mga yan.

Baka nga bukas pag gising giba na yung pintuan ng kwarto ko eh. Ganyan si kuya pag-umuuwi dito sa bahay. Sobrang pagka miss siguro sakin. Hindi kasi yan nakatira dito, may sarili siyang condo, malapit sa building nila mama.

Tinetrain na kasi siya, he's a fresh graduate from college. Kaya minsan gabi na siya nakaka-uwi ng bahay. Kaya mom decided na bilhan nalang siya ng condo malapit sa building namin. Malayo kasi yung building namin dito sa bahay, 30 minutes siguro yung byahe. Kadalasan kase traffic dito.

"Ha?! Anong wag?! Hindi pwede!" Sabi ni Yoongi oppa.  Tumayo na ako tsaka kinuha yung martilyo ng tatlo.

"You're too protective. Pero di na kailangan niyan. Kase aalis na din naman si kuya mamayang hapon, he has work." Bakit ba kase umuwi si kuya?

Pero sabagay! Siguradong tiba-tiba ako nito sa mga bagong damit at shoes. Papabili ako kay kuya! He has his own credit card.

Napatigil naman sila sa gunagawa nila at lumapit sakin.

"Ganon ba talaga kayo ka-close?" Tanong ni Jimin na medyo naka-kunot yung noo. Tumango lang ako.

"As in close na close?" Tanong din ni Taehyung. Ang kulit naman ng lelang nito. Ilang beses ba to pinanganak? Tumango ulit ako.

"Seryoso?" Tanong ni Jungkook. Tango ulit.

"Kailangan talaga may ungol?" Naka pokerface na sabi ni Jin. Tumango nalang ulit ko.

"Kailangan may yakap?" Tanong ni Yoongi oppa. Tango.

"Kailangan magkasama sa kama?" Tanong ni Hoseok oppa. Tango ulit.

"Kailangan talaga nakapikit habang sumasagot?" Tanong naman ni Namjoon oppa. Eh sa inaantok pa ako eh!

Teka! Lahat ba ng nakita nila, binibigyan nila ng malisya? Duuh! Ano yon? Incest kami ni kuya? Eww.

"Utak niyo ha." Sabi ko sabay higa at talukbong ng kumot. Narinig kong pagsara ng pinto, nakalabas na siguro sila.

Matutulog na sana ako nang may naramdaman akong mga kamay na nakayakap saken. Hindi na nga ako nakatulog kaninang madaling araw dahil ang likot matulog ni kuya tapos dadagdag pa sila?

OHMYGOSH! GIVE ME A BREAK!

Living with the 7 jerks || BTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon