Prologue

282 15 4
                                    

Note: Ang mga pangalan, lugar, at ang mga pangyayari sa istoryang ito ay kathang isip lamang ng may akda. This is purely fictional. Kung may kagaya man ito sa totoong buhay, ito ay coincidence lamang.

Prologue

Nakarinig ako ng kalabog mula sa pintuan ng kwarto ko. Gusto kong dumilat pero mabigat pa ang talukap ng mga mata ko dahil sa antok kaya hindi ko na binalak pang dumilat.

"Kuya! Bangon na!" Narinig ko ang matinis ngunit masayahing boses ng kapatid ko. Idinilat ko ang mata ko at agad bumungad sa akin ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana.

"Dette... maaga pa. Close that curtain!" Sumigaw ako at bumalik ulit sa pagkakahiga.

Siya lagi ang gumigising sa akin pag umaga pero hindi pa ako nasanay sa mga kalokohan niya. Hindi ko alam kung bakit nakangiti siya kahit noon ay nakabusangot ang mukha niya pag pumapasok sa kwarto ko.

Maya maya pa lamang ay lumundag siya sa kama ko. Lalo akong nainis.

"My god, Kuya. Nakalimutan mo na ba? Pupunta tayong Baguio ngayon!" Pumapalakpak na sabi niya.

"Bwi!"

"Ate!"

Natigil ako saglit at nanlaki ang mga mata.

Teka....

Narinig ko ang boses ng girlfriend ko. Shit.

"HALA. BAT ANDITO KA BABE?!?!?!" Napabangon ako sa kama tsaka siya nilapitan.

Tumawa siya, "Sasama ako?"

"Yuck, kuya. Mahiya ka nga kay ate. Morning breath ew."

Sabagay, may point ang kapatid ko dahil naaamoy ko na rin ang mismong hininga ko.

"Sige, hehehe. Ligo lang ako. Hintayin nyo ako sa baba ah! Babe! Labyu!"

Nagmadali akong pumunta sa banyo at naligo na. Narinig ko pang tumawa sina Dette at Mira bago nila sinarado ang pinto.

***

"Baby i don't wanna see you cry! No-oh!"

"I wanna see you smile!"

Nagtatawanan kaming tatlo sa kotse habang pakanta kanta kaming tatlo ng kapatid ko at ng girlfriend ko sa backseat. Sinasabayan ang kantang tumutugtog sa radyo. Ang mommy ko naman ay nasa shotgun seat habang hawak-hawak ang kanyang phone. Sa pagkakaalam ko'y vinivideo-han kaming tatlo. Ako naman ay kumakaway habang akbay akbay ang kapatid at gf ko.

"Is everything settled?" Binuksan ni Daddy ang pintuan sa driver's seat.

Sabay sabay kaming tumango. "Okay then." Pumasok si Daddy sa harap at pinatay ang radyo. Nagprotesta kami ni Dette dahil kasalukuyang tumutugtog ang paborito naming kanta. Natawa na lamang si Mira pati si Mommy dahil parehong pareho kami ng kapatid ko ng reaksyon.

"Kids, we need to pray first. Malayo-layo pa ang byahe natin and it takes 12 hours to get Baguio." Mom said.

"We need His guidance." Daddy added.

I let out a deep sigh. Pagkatapos naming nagdasal ay agad kong in-open yung radio sa harapan. "Tapos na!" Nakasimangot akong bumalik sa upuan ko.

"You can play it to your iPad, babe." Ismid ni Mira at natawa.

"Hays, i love you." I kissed her.

"Ehem." Umubo si Daddy, "Pwede namang sa hotel nalang yan. Makakapaghintay naman kayo, diba?"

"Daddy!" Rinig kong protesta ni Dette.

Nagtatawanan kaming lima sa kotse. Napangiti nalang ako. Wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam pag nakikita kong buo at masaya kami ng pamilya ko. Small but a happy family, that's what we are.

"Alright."

***

Busina, sigawan. Ito ang mga naririnig ko pagkadilat ko ng mata ko. Sa aking pagkamayaw ay parang nawindang ako sa mga kasalukuyang nangyayari.

"Taehyung! Taehyung! Protect Dette and Mira!" Rinig kong sabi ni Daddy.

Nakita kong nagpagewang gewang ang aming sasakyan. Tila wala ng kontrol ang tatay ko sa pagmaneho.

"Dad, mom?! Bakit ganito yung kotse?!" Sigaw ko.

Tiningnan ko ang dalawang nasa gilid ko. Balisa ang mukha nina Mira at Dette. Wala akong nagawa kundi yakapin silang dalawa at ikulong sa bisig ko.

Tumingin sa akin si Mommy at hinawakan ang kamay ko. Wala akong makita sa mga mata niya kundi puno ng pag-aalala. "Baby, everything's gonna be alright. Nawalan lang ng preno. Maayos rin 'to." Ngumiti siya na para bang pinapakalma ako.

"Dad... may... may sasakyan!" Sigaw ni Dette.

Hinila ako ni Mira papalapit sakanya at niyakap. "Taehyung babe, kumapit ka."

"Mommy! Daddy! Dette!" Sigaw ko.

Isang nakakabinging busina at ang tunog ng pagbangga ang tanging narinig ko pagkatapos.

"T-taehyung... B-b-bernadette..." Narinig ko ang garagal na boses ni Mommy bago tuluyang nagdilim ang lahat.

***

Hanggang sa nagising ako na wala sila sa tabi ko. Tuluyan na silang naglaho at iniwan ako. Hindi ko alam kung bakit nabuhay pa ako kung gayon ay wala na akong pamilya at pati ang taong pinakamamahal ko. Ano pang rason?


I once had a perfect family.

I once had a perfect girlfriend.

But then, shit happened.

My life became a whole mess.

Why is He so unfair?

Why did He take them away from me?

He took the most precious people in my life.

We trusted Him.

But this is all what happened.

Life.

I hate my life.

I hate Him.

Sana namatay nalang din ako.

When he changed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon