Chapter six

73 10 6
                                    

Chapter six

Nagpagulong gulong ako sa kama ko at ibinaon ang mukha ko sa unan ko. Hindi ako makatulog dahil sa mga nalaman ko at sa nangyari kanina. I let out a scream para kahit papaano ay mabawasan man lang ang frustration ko. Well, hindi naman masyadong malakas para magising ang parents ko. Sinubukan ko na ring pumikit ng matagal pero sadyang matigas ang katawan ko at ayaw pa akong patulugin. Kinuha ko ang phone ko at nag-gm.

Hey, you awake? Labas tayo.

Sinend ko yun sa barkada pero ni isa ay walang nagreply. Madaling araw na rin kasi at malamang tulog na sila. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Batong bato na ako dito at para maalis ang stress ko ay naisipan kong lumabas. Suot suot ang makapal kong jacket at cap ay dahan-dahan akong lumabas ng bahay.

Successful naman ang paglabas ko dahil maingat ako sa bawat galaw ko upang hindi makagawa ng anumang ingay. Naglakad lakad lang ako sa buong subdivision. Nakakatakot ang aura ng dinadaanan ko sabayan pa ng malamig na hangin na sumasalubong sa akin. Naisipan kong lumabas. Tulog yung guard kaya nakalabas ako.

"146 pesos." Ibinigay ko sa cashier ang pera na dala dala ko. Andito ako ngayon sa seven eleven. Humanap ako ng table upang makakain ako ng ayos. Ilang saglit pa lamang ay nakita ko ang isang lalakeng naka-hoodie sa harap ko at inilapag ang kanyang noodles sa mismong table din na pinagkakainan ko. Lumingon ako sa ibang table at bakante naman ang mga ito.

Kinalabit ko siya, "May bakante pa dun, kuya."

Hindi niya ako pinansin bagkus ay dire-diretso siya sa pag-kain niya na para bang hindi ako nakikita.

"How rude of you." Bulong ko. Inirapan ko ang lalaki kahit hindi niya naman ako tinitingnan.

Parang narinig niya iyong binulong ko dahil sa pag-tigil niya sa pag-kain ng noodles niya. Uh-oh, wrong move? Mga 10 seconds at nanatili siya sa posisyong iyon bago niya tinaggal ang hoodie niya. Kunot noo akong tumingala upang kilalanin ang mukha niya. "Taehyung?"


Blankong mga mata ang sumalubong sa mga titig ko. "Bakit ka andito?"

"Kain." Tipid na sagot niya at itinaas ang cup noodles na kasalukuyan niyang kinakain.

"Tss, i know. I mean, sa ganitong oras?"

"Bakit bawal ba?" Nilagok niya ang coke in can na binili niya. Umiling ako bilang kasagutan. Naalala ko naman yung ginawa niya kanina, i mean kagabi.

"Hindi ka man lang ba mags-sorry?"

"Sa pagkakaalam ko wala akong ginawang kasalanan."

"Sinaktan mo ako kanina! Tapos niyakap mo ako ng mahigpit kagabi. Kailangan mong mag-sorry!" Humahalukipkip kong sambit.

Nagkibit balikat lang siya at ngumiti. Yung ngiting mapang-asar ba. Nakakainis lang. Ang taas naman ng pride ng isang ito at isang sorry lang hindi niya magawa? I swear kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay siguro matagal na siyang namatay.

"Urgh!" Hindi ko na kinaya pa ang presensya niya kaya naman umalis na ako kahit hindi ko pa natatapos iyong pagkain ko.

***

Taehyung

Pag labas ng babaeng iyon ay hindi ko maiwasang malungkot. Paano? Paano niya naging kamukha si Mira? Ang taong pinakamamahal ko? Sa pagdating niya sa buhay ko ay hindi ko maiwasang makita ko sakanya si Mira.

When he changed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon