Chapter ten
"Tara, Macky!" Kumakaway sina Arashi at Jungkook sa akin na inaaya ako pumuntang pool. Hawak hawak ko pa ang dslr ko at imbes na tanguan sila ay kinuhanan ko sila ng picture.
Umahon sa tubig si Yoongi at humiga sa may mga sandalan. Nilapitan ko siya at inihagis sakanya ang dslr ko. Sinigawan niya pa ako pero wala na syang nagawa kundi hawakan ang dslr ko nang pumunta na akong pool.
"Tara doon Mack!" Yaya sa akin ni Arashi doon sa may bandang malalim, nandoon si Namjoon at Jin tsaka si Hoseok. Nagmumukha ngang third wheel si Hoseok eh dahil sa halos magkadikit na si Namjoon at Jin.
Umiling ako. Hinayaan niya nalang ako at silang dalawa ni Jungkook ang pumunta doon. Nakita ako ni Jimin kaya naman nilapitan niya ako.
"Buti naman at naisipan mo ng pumunta dito, akala ko hanggang pagpicture ka lang eh."
"Duh, edi sayang yung libre kung hindi ako pupunta dito?" Natawa siya sa sagot ko. Hinawakan niya ang wrist ko at hinawakan ako.
"B-bakit?"
"Punta tayo sa malalim?" Agad kong binawi ang kamay ko sakanya. Ghad. Hindi ko alam lumangoy. May trauma na ako sa malalalim. Noon kasi dinala ako ni Kuya sa malalim na part pero nabitawan niya ako kaya muntik akong malunod. Ayoko ng mangyari ulit yon.
Nakita siguro ni Jimin ang takot sa mukha ko kaya hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang lumalayo kami. "Teka... sigurado ka ba?"
"Trust me. Hawakan mo lang mga kamay ko." Ilang saglit pa ay biglang may tumunog na nagbabadyang magkakaroon ng waves. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakapit ko sakanya. Tumawa siya at sumigaw na parang nage-enjoy pa. Heck.
Naghiyawan yung mga tao at nakisabay sa alon. Ganon rin ang ginawa nila Arashi. Tiningnan ako ni Jimin. "C'mon, huwag kang matakot. Nandito lang ako." Tumango ako ng dahan dahan at medyo niluwagan ang pagkakahawak ko sakanya.
***
Umahon na kami sa tubig at naisipang magpalit na. Thanks to Jimin, medyo nawala ang pagka-trauma ko sa malalalim na tubig. We had fun tho. Pumunta na kaming cr ni Arashi at naligo. Nang natapos na ay pumunta na kaming cottage. Iwinawagayway ni Yoongi ang cards na hawak niya kaya naman nagkagulo sila at naisipang maglaro.
"Matatalo sasayaw at kakanta ng Ooh Ahh ha! Dapat parang babae!" Sabi ni Yoongi.
"Oh sige ba!"
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin si Taehyung. Hindi ko nalang siya tiningnan dahil baka mainis ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung nangyari kaninang umaga. Bagkus ay kumuha nalang ako ng chichirya at kumain. Nakita ko ang dslr ko, in-open ko iyon at nagview ng mga pictures. Puro mga stolen shots. Nakanganga si Hoseok, nangungulangot na si Jungkook, kitang kita ang gilagid ni Yoongi na nakangiti, tapos si Namjoon na naka-blind rhyme sign.
"Hoy yoongi! Pinahawak ko lang sayo to kung anu ano---" Natigil ako sa aking pagsasalita ng may nakita akong shot ni Taehyung na naka-half naked at gulo-gulo ang buhok. Umiinom siya ng bottled water sa picture. Nakatingin ito diretso sa camera at hindi nakangiti, as usual. Pero shems, he looks so hot. Hotter than Jimin.
BINABASA MO ANG
When he changed
Fanfiction"The only permanent in this world is change." From a hyper and crazy hottie, he then became cold-hearted and rude to everyone. New personality, new him. He's Kim Taehyung. [ a vseul/seultae/kim taehyung x kang seulgi fanfiction story ] written by:...