Chapter four

78 11 5
                                    

Chapter four

Nang gabing yon ay nauna na kaming umuwi ni Yoongi dahil saktong nasa bahay daw ni Tita sina Mommy at Daddy. May nabili na daw kasi silang bahay at kinabukasan din ay lilipat na daw kami don. Sa kabilang subdivision lang pala iyon at malapit lang din kina Tita.

Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaibigan nila na si Taehyung. Hindi na kasi namin hinintay na magising siya kasi pinapauwi na kami noon ni Tita. Nalaman ko rin na wala ng pamilya si Taehyung. Namatay sila sa isang aksidente and even her girlfriend died. Ilang beses na rin niyang sinubukang nag-suicide pero buti nalang at andyan yung katulong nilang hindi siya iniwan. Kahit ako siguro ang nasa sitwasyon niya ay gagawin ko din yon. Mabuti nalang din at nandoon rin ang mga barkada niya na hindi siya iniiwan. I feel sad for him. Handa naman akong maging kaibigan niya para makabangon siya.

"Anak, nandyan na si Yoongi sa baba."
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at umikot. First day of school nga pala ngayon at napag-usapan namin na sabay kami papasok ng pinsan ko. Bumaba na ako at nakita ko siyang pumi-pikit pikit sa sala habang naka-sandal ang ulo sa sofa.

"Holy sh1t!" Napasigaw siya nung gulatin ko siya. Ako naman tawa ng tawa dahil sa reaksyon nya.

"Wag ka ngang manggulat Mack! Kitang natutulog kuya mo eh."

"Wow, kuya?"

"Oo, mas matanda ako sayo ng 1 year. Galangin mo ako para nice." Umirap nalang ako sakanya tsaka nauna na sa kotse ni Daddy.

Nang nakarating na kami sa BigHit University ay sinalubong agad kami nila Hoseok.

"Oh my Macky!" Naka-bukas yong mga kamay ni Hoseok na parang aambang ng yakap habang sinasalubong kami ni Yoongi. Nakangiwi ako sakanya habang papalapit siya kaya naman tinulak ko si Yoongi para siya yung mayakap niya.

"Yuck! Baho mo gago lumayo ka nga!" Tinulak agad siya ni Yoongi kaya si Hoseok ayun nadapa sa sahig.

"Tangina ang sakit ng braso ko dun ah!"

"Mas masakit pag wala kang braso." Sabi naman ni Namjoon.

Napaisip naman si Hoseok dahil nilagay niya yung hintuturo niya sa sentido niya na parang nag-iisip. "Oo nga no? Ang talino mo talaga Namjoon!"

Napa-facepalm nalang kaming dalawa ni Jimin dahil sa katangahan ni Hoseok. Tangina....

"Uy, si Taehyung? Mag-aaral ba siya?" Tanong ko kay Jimin.

"H-ha? Ah, oo. Sabi ni manang Linda nagpapahinga lang daw muna siya tapos bukas makakapasok na siya."

"Kawawa naman siya no?" Hindi na umimik si Jimin pagkatapos ko banggitin yun.

"Tara na sa room natin guys." Sabi ni Jin.

Nagpapasalamat ako dahil pare-pareho kami ng schedule at subjects. Iisa lang din kasi yung course na kinuha namin. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang ma-ilang dahil sa amin nakatingin halos lahat ng tao na nadadaanan namin.

"Bakit sila tumitingin?" Tanong ko out of curiosity.

"Sikat kasi kami dito. Hehehe."

Ay wow? Kaya pala yung iba ang sama ng tingin sa akin. Oh ano kayo ngayon? Kasama ko mga oppa niyo HAHAHAHA jk. Inirapan ko naman yung mga tumitingin sa akin ng masama.

When he changed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon