Chapter five

76 10 0
                                    

Chapter five


"Goodmorning!" Binati ko si mommy na nagluluto sa kusina. I kiss her cheeks at ganon rin ang ginawa ko kay daddy na kasalukuyang ina-ayos ang neck tie niya. "Goodmorning, daddy."

"Goodmorning Mack. Anong oras pasok mo?"

"Mamayang 10 pa po dad. Teka, sabay po ba kami ni Yoongi?"

Inilapag ni mommy ang napakaraming mga pagkain sa mesa. Ang dami naman? May okasyon ba?
"Text-an mo nalang o kaya puntahan, malapit lang naman. Hindi namin alam eh. Nga pala nak, paki-bigay 'to sa mga kapit bahay natin. Unahin mo yung nasa harap." Iniabot niya sa akin ang malaking bowl ng palabok.

Oo nga pala, bagong lipat lang kami dito sa bagong subdivision namin na ito. Sinunod ko naman ang utos niya at lumabas ng bahay. Nag-door bell ako sa bahay na nasa harap namin. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ang pamilyar na pigura ng tao.

"Manang Linda?"

"Oh, iha! Ikaw pala."

So dito nakatira yung Taehyung na barkada nila Yoongi? Small world.

"Ah, opo. Bagong lipat lang po kami dyan." Tinuro ko yung bahay namin atsaka ibinigay sakanya ang pagkain. "Pinabibigay po ni mommy."

"Naku, salamat. Paborito 'to ni Taehyung. Kaso umalis na eh."

"Po? Papasok po siya ngayon, diba?" Hindi ko maiwasang magtanong.

"Sa awa ng Diyos. Nako yung batang yun." Umiling iling si manang atsaka humawak sa sentido niya. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. I can say that Taehyung is somehow important to her.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Lumabas sa screen ang pangalan ni Yoongi. Nagpaalam na ako kay manang Linda bago ko sinagot ang tawag niya.

"Hello?"

"Andito kami sa may coffee shop malapit sa school. Gusto mong pumunta?"

"Kagigising ko lang. Hindi pa ako nakapalit eh. Hindi na siguro."

"Sure ka? Sige. Hindi na kita makakasabay mamaya ah. Diretso na kaming school."

"Oh? Kasama mo ang barkada?" Narinig ko ang tawanan nila sa kabilang linya.

"Ang ingay niyo!- Oo, kasama ko sila."

"So pati si Taehyung?" Malay mo kasama rin pala nila. Maagang umalis eh.

"Ha? Bakit mo naman natanong?"

"Kapit---" Bago ko pa man masabi ang sentence ko ay naputol na ang koneksyon.

Bastos.

Bumalik na ako sa bahay namin at naghanda for school. 8:45 na rin. Tinext-an ko naman si Arashi na kung pwede ay hintayin ako sa main gate ng school. Pumayag naman siya.

Pagkarating ko sa BigHit University ay quarter to 10 na. Binati ako ni Arashi ng isang matamis na ngiti. "Tara na?" Tumango ako sakanya.

Dumiretso na kami sa first subject namin. Sakto lang ang dating namin dahil nakasabayan namin sa pagpasok ang prof. Lumingon sa akin si Jimin at binati kaming dalawa ni Arashi. Ganon rin ang ginawa nila Jin.
Wala pang isang minuto ay may isang lalaking dire-diretsong pumasok sa loob ng room. Pula ang kulay ng buhok nito, matangkad, matangos ang ilong, maputi at may singkit ngunit walang ekspresyon ang mga mata. Si Taehyung.

Gulat na gulat ang iba sa kanyang pag pasok, yung iba nagtilian. Wala eh, gwapo. Nakipag-fist bump sila Namjoon at binati siya ng welcome back. Hindi man lang umimik si Taehyung at tinanguan lang sila. Ni hindi nga siya bumati sa professor. Where are his manners?

Dire-diretso siyang umupo sa may likuran ko at nang mapansin niya ako ay para siyang nakakita ng multo sa itsura niya. Parang yung itsura nila Jimin nang makita ako. Pero ang pinagkaiba lang sakanya ay gulat na gulat ito at halos hindi makagalaw sa kanyang kinauupuan.

"Hi, Taehyung!"

"M-mira?" Sambit niya.

"Huh?" Walang anu-ano'y bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Wait, anong nangyayari? Sinong Mira ang sinasabi niya?

"Mira!" Sambit niya at mas lalo pa akong niyakap.

"Teka, h-hindi ako makahinga. Let go." Tila ba hindi niya naririnig ang sinasabi ko at hinaplos pa ang aking mga buhok. Sinusubukan ko siyang itulak palayo pero masyado siyang malakas kaya hindi man lang siya natinag.

"Taehyung, back off. Hindi na siya makahinga!" Hindi na naiwasan pang sumigaw ni Jimin.

Sa wakas ay binitawan niya na ako. "Dude, you just hugged the wrong person, okay? I'm... i'm not Mira." Sambit ko nang maka-recover ako sa yakap niya.

"Okay, drop the commotion everyone! Let's discuss our topic!" Pumalakpak ang prof namin na siyang nagpabalik sa mga estudyante sa kani-kanilang mga upuan.

"Okay ka lang ba?" Arashi pats my back to comfort me.

Tumango ako sakanya at tiningnan si Taehyung sa likod. Diretso nakatingin sa akin ang mga blanko niyang mga mata. Parang kinikilala ang bawat galaw at itsura ko.

"Who's Mira?" I whispered to Jimin.

Tiningnan muna niya saglit si Taehyung, umiling siya at ibinalik ang tingin sa akin, "His girlfriend."

"You mean, the one who died in the car accident?" Tumango siya sa tanong ko. Kunot noo akong nagtanong sakanya. "Bakit tinawag niya akong Mira?"

We're still whispering to each other kaya naman sinilip niya ang prof sa harap upang makasigurado na hindi niya kami tinitingnan. "Kamukha mo. As in kamukhang kamukha mo." He said.

Natahimik at the same time nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala gulat na gulat sila nang makita nila ako. Hindi ko pa nakikita ang picture ni Mira pero base sa mga reaksyon nila nung makita nila ako ay masasabi kong hindi sila nagsasabi ng kasinungalingan. Hanggang sa uwian na ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari.

Si Taehyung ay agad akong nilapitan noong lunch break. Bago pa man siya magsalita ay inunahan ko na siya. "For the record, i'm not Mira. Macky. Macky Lee ang pangalan ko." I feel sorry for him pero kailangan kong magsabi ng totoo para sa ikabubuti niya para makaahon na siya sa aksidenteng iyon.

Natahimik siya at napaatras. Inakbayan naman siya ni Yoongi, "Pinsan ko yan pare. Tsaka imposible naman kasi patay na din si Mira." Sa sinabing yon ni Yoongi ay nanlisik ang mga mata ni Taehyung. Iwinakli niya ang kamay ni Yoongi at tuluyang umalis.

Hindi ko maiwasang malungkot sa kalagayan niya. Pero sana naman tulungan niyang maka-ahon ang sarili niya sa pangyayaring iyon. Dahil hindi naman doon umiikot ang buhay niya, diba?

Pag uwi ko ng bahay ay nakita kong naka-upo si Taehyung sa labas ng bahay nila which is sa harap ng bahay namin. Pagkakita niya sa akin ay agad niya akong hinawakan sa braso. Mahigpit iyon kaya hindi ko maiwasang mapa-aray. Hindi niya pinansin ang protesta ko bagkus ay itinaas niya ang manggas ng shirt ko.

"Ano ba?!" Ibinaba ko ang manggas ng shirt ko at nagtatakbo paloob ng bahay.

Hindi ako makapaniwala! Ni hindi man lang siya nag-sorry sa ginawa niya! At anong pumasok sa isip niya para gawin sa akin yon?!?!

When he changed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon