Chapter fourteen
Macky
It's only 6 am in the morning and I found myself heading towards the university already. This is very unusual of me. Really. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sobrang maaga akong pumasok.
Binati ako ng guard at ganoon rin ang ginawa ko. Kakaunti palang ang tao sa school, karamihan sakanila ay mga nerds na may binabasang libro at yung iba naman ay maaga lamang pumasok para makakopya ng assignments. Talking about my peers? Nah, hindi na ako aasang maaga silang papasok.
"Goodmorning!" The voice startled me as I felt the breath behind my ears.
Anong meron ngayong umaga? Bat ang strange? Oo, tama ang sinasabi ng isip ko. This is Taehyung's voice and he's.....
Smiling.
"H-hi." I stuttered.
He's still smiling at me and the atmosphere will be awkward if nobody will initiate the conversation. And so I did it.
"Anong meron? Bakit ang aga mo?" I initiated. At the same time, ipinagdadasal ko na sana hindi niya maalala iyong nangyari kagabi. Because it would be a big embarrassment towards me.
"Nothing. I... I just realized something."
"Wow, ano naman yan at pinabago niya ang ruotines mo?" I laughed awkwardly, still praying.
"Well, from now on magm-move on na ako."
Napakapit ako sa strap ng bag ko nang sabihin niya iyon. Napalingon ako.
"That's good for you. You should leave your past behind and live for the present." We entered the classroom at umupo na sa kanya-kanyang seat.
"Macky."
"Hmm?"
"Can you help me?" Naglakad siya patungo sa akin at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa balikat ko. His hands are big but I cannot feel its weight.
Kagaya nung nangyari kagabi, bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba pabigla bigla tong lalaking to?
"Saan?" Tumingala ako dahil ang tangkad niya.
"To move on from my past."
----
"Mahatma Ghandi." Tuwang tuwang sabi ni Taehyung sa amin.
Katatapos lang ng Philosophy class namin at eto kami-scratch that, sila. Oo, ang nga bugok kasama na si Arashi. Naka-nganga at titig na titig kay Taehyung.
"Bakit ayaw niyong sumagot!" Nakita kong tumayo mula sa upuan niya si Taehyung at pinitik sila isa-isa.
"Aray naman pucha!" Inis na sigaw ng pinsan ko kaya halos lahat sila sa classroom ay napatingin sa amin. Pati sila Namjoon, Jin, Jungkook, Jimin, Hoseok at Arashi ay napabalikwas at nanlaki ang matang tiningnan si Taehyung.
"Welcome back mah boi!!!!" Pinangunahan ni Hoseok ang pagyakap kay Taehyung. Saka naman sumunod ang mga ulupong.
Hindi ko mapigilang matawa sakanila. Seeing them that happy, well, that's the most beautiful scene I've ever encountered.
"Buti naisipan mo ng bumalik sa dati!" Nakangiting sabi ni Jin atsaka inakbayan si Taehyung.
"Mahatma Ghandi." Ngiting ngiting sabi pa rin ni Taehyung at binalewala ang sinabi ni Jin.
"Sino ba yan taena. Crush mo? Mukambibig mo pa kanina yan eh." Bagot na sabi ni Yoongi. Wow. Daig pa neto may period. Kanina ang saya saya lang tapos ngayon naiinis na naman.
"Tanga ka ba. Yan yung lesson natin kanina sa philo." Realtalk naman sakanya ni Jungkook.
Huwag na kayong magtaka kung bakit ang tahimik ko dito. Kanina pa kasi ako rinding rindi sa pinagsasabi niyang si Taehyung.
"Joke nga kasi diba. Bilis na!"
"Wow sabi namin nagbalik ka hindi yung joke mo agad ibubungad mo samin leche ka." Nakapakyu na sambit ni Hoseok.
"Pagbigyan niyo na siya. Kayo naman." Mahinhin na sabi ni Arashi. Syempre hindi mawawalan ng mabait sa magkakaibigan. Tumahimik naman sila at nakinig kay Taehyung.
"Mahatma Ghandi. Sabi nila walang pangit na ginawa ang Diyos, mahatma ghandi...."
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Sariling joke sariling tawa. Rip po.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Lahat kami naka-poker face at yung si Namjoon naman ay naka-facepalm. Pero nakarinig kami ng tawa mula sa labas.
"V, yeah boi!" Sambit ng lalaki.
"Ronron!"
"Asawa ni?" Nakangiting sagot ng lalaki.
"Ranran!" Tumakbo si Taehyung sakanya at nakipagfist bump.
Napatawa nalang ako. Ganito ba talaga kasabog si Taehyung. Hindi ko alam kung nasisiraan na ng bait o ano. Pero mas okay na rin ito kesa sa pagiging cold niya at parang may malaking galit sa mundo. I guess it's one of his ways of moving on.
"Ngayong nagbalik na si Taehyung. Wala naman na dapat tayong ipag-alala, hindi ba?" Nakangiting sambit ni Jimin sa amin habang pinapanood ang dalawa sa may doorway.
Nagsitanguan kaming lahat.
"Paano ba yan? Dapat magcelebrate tayo." Sambit ko.
"Jimin..." Sabay-sabay na hirit ng mga lalaki at may ngiting nakakaloko.
"Oo na. Palibhasa mga dukha kayo."
And then there, we went to a coffee shop and decided not to attend the afternoon class. Don't worry, this is going to be my first and last ditching classes. Minsan lang naman 'to, hindi ba?
BINABASA MO ANG
When he changed
Fanfiction"The only permanent in this world is change." From a hyper and crazy hottie, he then became cold-hearted and rude to everyone. New personality, new him. He's Kim Taehyung. [ a vseul/seultae/kim taehyung x kang seulgi fanfiction story ] written by:...