Chapter eight

74 7 6
                                    

Chapter eight

"Maru." Pagsambit ko sa kanyang pangalan ay kasabay ng kanyang paglingon patungo sa direksyon ko.

Nagtatago siya sa isang poste na kanina pa sumisilip kay Macky. Ibinuka niya ang kanyang bibig at kumunot ang kanyang noo na nakatingin sa akin.

"Ang kapal ng apog mong tawagin ako." Sarkastiko siyang tumawa at nilapitan ako. "Anong sasabihin mo? Na-realize mo na ba ang lahat ng sinabi ko sa'yo kaya magpapakamatay ka na ulit?" Mas lalo siyang lumapit sa akin.

"Huwag mo siyang sundan ng sundan. Hindi siya si Mira."

Napasinghap ako nang kinwelyuhan niya ako. "Anong karapatan mong sabihan ako sa mga gagawin ko?" Sa sinabi niyang yon ay hindi ko maiwasang mapayuko.

"Oo, kamukha niya. Pero matagal ng wala si Mira." Patuloy na sabi ko.

"Oh. Edi ba ikaw ang may kasalanan kung bakit siya namatay diba?!"

Nagbabadyang tumulo ang mga luha sa aking mata kaya pumikit ako.

"H-hin---" Hindi ko na naituloy pa ang aking mga sasabihin nang sinuntok niya ako. Malakas ang suntok na iyon dahilan upang ako ay bumagsak sa lupa.

"Dapat ikaw nalang yung namatay eh! Tangina." Sambit niya at dinuro ako.

Sinuntok niya pa ako ng sinuntok pero hindi ko magawang lumaban sa kapatid niya, sa kapatid ng taong pinakamamahal ko. Nalalasahan ko na ang mismong dugo ko dahil sa dami ng dugong lumabas mula sa akin dulot ng mga suntok niya. Hindi pa siya nakuntento at tinadyakan ako sa aking sikmura. Sa ginawa niyang yon ay hindi ko na kinaya at napahiyaw ako sa sakit.

"Kulang pa yan para sa kapatid ko." Mahina ang aking pandinig pero narinig ko pa ang kanyang mga sinabi.

***

Third Person's POV

"Hello b*tches! Nanananananana~"


Masayang masayang naglalakad ang isang babaeng may kulay pulang buhok sa kalagitnaan ng school grounds. Pasipol sipol pa ito at nagh-headbang kasabay ng tugtugin sa kanyang cellphone.

Ngunit napatigil siya sa kanyang pagkanta nang makita niya ang isang lalaking walang awa na pinagsusuntok ang lalaking kagaya niya ay may pula ring buhok.

"Hoy! Ano yang ginagawa mo?!" Sumigaw ito.

Biglang kumaripas ng takbo ang lalaking kanina pa sumusuntok. Agad niyang nilapitan ang lalaking kanina pa humihiyaw dahil sa sakit na natamo nito sa mga suntok ng lalaki.

"Taehyung? Hala puta. Shit. Tulooooong!" Inalalayan niya si Taehyung na makalakad papalabas ng gate. At dahil walang nakarinig sakanyang saklolo ay pumara na lamang siya ng taxi.

***

Taehyung


"Ayan. Kumain kana!" Walang anu-ano'y ibinato sa akin ng babae ang isang chichirya at isang c2.

"Aray!" Ang sakit. Hindi niya man lang ba alam na may mga sugat ako sa katawan at nagawa niya pang itapon sa akin yun?

When he changed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon