Chapter two
"Ayaw nyo ba akong sumama?" Malungkot na sambit ko.
Nakakunot ang noo nilang tumingin sa akin. Ilang saglit pa lamang ay nagsenyasan sila at nagbulungan. Great, ngayon na nga lang ako makikipag-kaibigan, ayaw pa nila.
"Okay." Bagsak ang mga balikat kong tumalikod sa kanila. Dahan dahan akong humakbang papuntang kusina kung nasaan nandon si tita Helen na nagluluto.
"Macky!" Lumiwanag ang mukha ko nang sumigaw si Yoongi mula sa sala. Mukhang effective yung pagd-drama ko ah?
Dali dali akong tumakbo sa harap nila, "Yes, my dear cousin?" Ngiting ngiti ako habang nakatingin sakanya.
"Magpalit ka na. Hintayin ka namin dito." Sabi niya.
"Yes!" Dali dali akong nagtatakbo paakyat.
"Luh, nabaliw na."
"Siguro crush niya ako kaya gusto nyang sumama?"
Narinig kong naguusap usap sila habang pa-akyat ako sa second floor. Wow kapal naman ni Jungkook.
Ay oo nga pala, hindi ko pa alam kung saan yung guest room nila kaya bumaba ulit ako para tanungin kay Yoongi kung saan.
"Kamukha niya talaga mga tol." Sabi ni Namjoon.
"Oo nga, sure ka bang isasama pa natin siya? Baka magulat si--" Bago pa man natapos ni Jin yung sinasabi niya ay tinakpan ni Yoongi yung bibig niya kasi nakita nila ako.
Ako ba yung pinagu-usapan nila? Weird naman ng mga 'to. Wala lang akong choice kundi sumama sakanila dahil bago lang ako dito at mabo-bored ako dito sa bahay na 'to.
"Uhm, saan nga pala yung kwarto ko? Hehe."
"Sa itaas."
"Alam ko kaya nga umakyat ako eh, pero saan parte?"
"Bobo mo gilagid. HAHAHAHA." Sambit ni Hoseok habang nakahawak sa tyan. Ganun rin ang ginawa nina Jin, Namjoon at Jungkook. Pati ako natawa. Kwela pala ng mga 'to. Mage-enjoy siguro ako sa company nila.
"Manahimik nawa yang baba mo lul." Lumingon sa akin si Yoongi, "Sa harap ng kwarto ko. Bilisan mo ah." Nagsalute ako sakanya.
Magkakasundo pala kami nitong pinsan ko eh. Akala ko suplado. Samahan mo pa mga barkada niya, ang g-gwapo, shems. I guess staying here at my aunt's house for a week isn't bad after all.
***
"Uy laking kabayo oh! Punta tayo mamaya dyan?"
Nandito kami ngayon sa mall. I don't know what mall it is since bago lang ako dito. Pinagtitinginan kami ng mga tao dito kasi sobrang ingay namin. Yung iba naman napapanganga at napalalingon sa amin. Grabe, ganon na ba ka-head turner mga kaibigan ni Yoongi? Pero ang saya nila kasama, one hour ko palang silang nakakasama pero close na kaming lahat sa isa't isa.
"Pwede ka namang sumakay kay Hoseok. Malaki din yan." Sabi ni Jungkook na tumatawa.
"Oh talaga tol. Laki ng ilong mo parang squidward." Mas lalo akong humagalpak katatawa.
BINABASA MO ANG
When he changed
Fanfiction"The only permanent in this world is change." From a hyper and crazy hottie, he then became cold-hearted and rude to everyone. New personality, new him. He's Kim Taehyung. [ a vseul/seultae/kim taehyung x kang seulgi fanfiction story ] written by:...