Chapter one
Inilibot ko ang paningin ko sa aking kwarto. Ang kulay pink nitong dingding at ang design na bear nito. Ang mga palamuti at ang mga artworks na nakapask sa dingding ay pinagmasdan ko. Napabuntong hininga ako. I'll surely miss them.
Narinig ko ang pag-awang ng pintuan at bumungad sa akin si Mommy.
"Done?" Tumango ako at binuhat ang boxes ko. Bumaba ako at nakita ko sa baba ang bagahe ko. Nakaupo si Daddy sa sofa habang nagkakape samantalang nasa kanang tainga niya naman ang kanyang phone.
Nang nakita niya ako ay tumayo na siya. "Nakausap ko na ang tita mo. Doon ka na muna titira habang titingin pa kami ng mommy mo ng subdivision na malapit sa school mo."
Malapit na ang pasukan. 1 week nalang at papasok na ako sa gusto kong unibersidad. Pinakiusapan ko kasi sina Mommy at Daddy na kung sakaling pag-college ko ay mag-aaral ako sa unibersidad na gusto ko. Pumayag naman sila since I'm performing great in school.We decided na lumipat nalang ng bahay para hindi kami magkalayo sa isa't isa. Tsaka, may gusto rin namang bumili ng lupa namin dito kaya buong buo na ang desisyon naming lumipat. Isa pa, doon marami kaming kamag-anak.
Pagkarating namin sa bahay nila tita ay sinalubong agad ako ng yakap ni tita.
"Ang laki mo na Macky!" Ngumiti ako kay tita at bumeso.
"Nako, wala ba namang ginawa yan sa bahay kundi matulog lang ng matulog." Sambit ni Mommy habang inililibot ang paningin sa buong bahay ni tita. Nagsilabasan din ang mga pinsan ko. Hindi ko sila masyadong kilala dahil hindi naman ako gaanong lumalabas.
"Ito na ba ang anak mo, Helen?" Takang tanong ni Daddy nang nagmano sakanya ang isang lalaking hindi masyadong matangkad at ubod ng puti.
"Oo, magkasing-edad lang ata sila ni Macky." Sagot ni tita.
Hindi pa rin naalis ang tingin ko sa lalaking nasa tabi ni tita. Masasabi ko ngang pinsan ko siya dahil sa singkit ang kanyang mga mata. Ganon rin sa akin. Pero sumobra na ata ang kaputian niya. Pinaglihi ba ito sa labanos?
Maya-maya lang ay lumingon din siya sa akin. Ngumiti siya, saglit lang iyon pero kitang kita ko ang mala-pula niyang mga gilagid. Halata sa mukha niya ang pagka-bored at gulo-gulo ang buhok niya na animo'y galing sa pagkatulog.
"Oh, Yoongi. I-pasok mo na sa guest room ang mga bagahe ni Macky." Utos sakanya ni tita.
Tatanggi pa sana ako pero mabilis niyang kinuha ang lahat ng iyon.
"Anak, 1 week ka lang naman dito. Magpapakabait ka sa tita mo." Paalala ni Daddy.
"Opo."
"Sige na, mahuli pa kayo sa trabaho niyo. Ako na ang bahala dito kay Macky. I'm sure magkakasundo naman sila ni Yoongi." Hinawakan ni tita Helen ang balikat ko.
"Ingat kayo, ma!" Pagkatapos ko silang halikan sa pisngi ay tuluyan na silang umalis.
"Manood ka ng TV kung gusto mo. Ipaghahanda lang kita ng pagkain." Suggestion ni tita.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Binuksan ko ito at nilipat sa cartoon network. We bare bears ang palabas na siyang paborito ko. Ilang sandali pa lamang ay inilapag ni tita ang meryenda ko saka ako nagpasalamat.
BINABASA MO ANG
When he changed
Fanfiction"The only permanent in this world is change." From a hyper and crazy hottie, he then became cold-hearted and rude to everyone. New personality, new him. He's Kim Taehyung. [ a vseul/seultae/kim taehyung x kang seulgi fanfiction story ] written by:...