Chapter twelve

73 8 0
                                    

Chapter twelve


Third Person's POV


Dala-dala ang apat na rosas ay dahan dahang umupo ang lalaking may pulang buhok sa damuhan. Inilapag nito ang mga rosas isa-isa sa apat na lapida sa harap niya.

"Kamusta na?"  Isa-isa niyang hinaplos ang apat na lapida sa harap niya.

"Bakit? Bakit Niya kayo kinuha sa akin?" Sa pagkakataong ito, tumingala siya upang pigilan ang likidong gustong tumakas sa kanyang mga mata ngunit tuluyan ng bumagsak ang mga ito sa kanyang pisngi.

"Nagdasal naman tayo nun diba?" Garagal ang mga boses niyang sinambit ang mga salitang yun.

Lumakas ang ihip ng hangin. Napayakap siya sa kanyang sarili at itinungo ang kanyang mukha sa kanyang tuhod. Mula sa isang malamig na Taehyung ay tila ba naging isang batang iyakin ito.

"Hindi ko pa rin tanggap hanggang ngayon." Sunod sunod pa na luha ang bumagsak mula sa kanyang mga mata nang naramdaman niyang may isang butil ng tubig ng ulan ang dumampi sa kanyang balat.

Bago pa man siya maabutan ng malakas na ulan ay nagmadali itong umalis. Lakad lamang siya ng lakad hanggang sa nahagip niya ang isang bar. Hindi na siya nagdalawang isip pa at pumasok rito.

***

Macky

"I'm sorry, pero kung inaakala niyo mang ako si Mira ay nagkakamali kayo." Ngumiti ng tipid si Maru sa harap ko.

"Alam ko naman iyon. Matagal na siyang wala." Tumingin siya sa kawalan.

Hindi ko maiwasang malungkot sa kalagayan niya. Naikwento niya sa akin na si Mira lang daw ang kanyang kapatid at malapit daw sila sa isa't isa. Kaya nung mawala siya ay hindi niya daw alam kung ano pang gagawin niya. Hindi naman natin siya masisisi kung si Taehyung ang kanyang idinuduro na may kasalanan sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Pero mali naman ata yon, aksidente ang nangyari. Walang may gusto sa nangyari.

"Uhm, by the way. Salamat nga pala at niligtas mo kami sa mga babaeng nakaaway namin kanina." Upang hindi maging awkward ay nagsalita ako.

"No biggy. Tsaka, can you consider me as your friend now?" Ngumiti siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Wala namang masama kung makikipagkaibigan ako sakanya. He's kind. Nakipagkamayan ako sakanya.

"Sure."

"It's raining outside. Aish, how can I go home?" Bulong ko matapos kong makitang umuulan sa labas.

"Oh. Ihahatid nalang kita. Dala ko yung kotse ko." Narinig niya yung binulong ko. Nakakahiya man kay Maru ay hindi na ako tumanggi sa alok niya. Besides, i have no choice dahil wala naman akong dalang payong at walang dumadaang taxi dito. Buti pa itong si Maru, gentleman. Eh yung si Taehyung? Nevermind.

Nagkwentuhan pa kami sa loob ng kotse niya. Masaya naman siya kausap. Marami siyang kinekwento about sakanila ni Mira. Magkababata pala silang tatlo ni Taehyung. They used to be close with each other until that accident happened. They treat each other as strangers. Itinuturo ko sakanya ang daan patungong bahay nang biglang nag-ring ang phone ko at si Thalia ang nasa screen nito. Sumenyas ako kay Maru upang sagutin ito.

When he changed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon