Chapter seven

69 9 5
                                    

Chapter seven

"Anong sasalihan niyong club?" I ask them as the professor left the room.

In-announce kasi kanina ng teacher namin na may mga club na sasalihan. Ibinigay niya na ang mga choices kaya naman ang lahat ng estudyante sa room ay maingay at malamang pinag-uusapan ang kanilang pagsali.

"Dance." Said Hoseok while moving his arms.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi dahil base sa kanyang ugali at pag-galaw ay hindi ko siya makitaan ng skills. Pero sabi ka nila, don't judge the book by its cover. Tumingin ako sa parte nila Jin.

"Music sa'kin." Sabi naman ni Jin at Jungkook.

"Ano bang sayo?" Ani Jimin.

"Ah, sa dance rin." Pinagpipilian ko kung pagkanta ba gaya nila Jin o kaya pagsayaw nalang. Pareho naman akong magaling sa dalawa pero mas matimbang sa akin ang pagsayaw kaya ito ang aking pinili.

"Dun na rin ako!" Sabay na sambit ni Jimin at Arashi. Nagkatinginan silang dalawa at nag-apir.

Ouch.

"Ako maga-audition para sa basketball." Tumingin kaming lahat kay Yoongi na ngiting ngiti.

Ayan na naman yang gilagid niya....

"Seryoso ka?" Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ni Jungkook.

"Oo tangina. Alam ko namang maliit ako pero tangina naman may maibubuga ako sa basketball!" Sigaw ni Yoongi.

"Eh ikaw Namjoon?" Si Arashi naman yung nagtanong.

"Wala." Tipid na sagot niya.

"Omg bakit huhuhu."

Tiningnan ko si Jin na kunwareng naiiyak nang ibinulong niya yun. Confirmed. Pak joding ang kuya niyo.

Nang nakita niya akong nakatingin sakanya ay agad siyang nagpakalalake tsaka nagsalita sa malalim na boses, "Bakit naman pre?"
Real quick. HAHAHAHAHA.

"Focus ako sa studies." Inayos niya ang eyeglasses niya atsaka binuksan ang libro niya.

"Ayos yan para may mapagkopyahan tayo pag exam na. HAHAHAHAHA"

"Oy, saan ka pupunta?"

Ang kanina pang nakaupo at tahimik na si Taehyung sa tabi ni Hoseok ay biglang tumayo mula sakanyang upuan. Tumingin siya sa amin. Itinuro niya ang kanyang wristwatch. And with that, he left.

"Bakit naman ganon yun kung makipagusap sainyo? Parang hindi niyo barkada." Dahil sa inis ko ay hindi ko maiwasang kwestyunin siya.

"Hindi naman talaga ganyan si Taehyung dati." Sambit ni Hoseok.

"Oo. Sila ngang dalawa ni Hoseok lagi magkasama sa lahat eh. Sa kalokohan, trip, o ano pa mang kabalbalan na gawain." Medyo malungkot na sabi ni Namjoon habang sinusundan ng tingin si Taehyung na lumabas.

Nakita kong may makikipag-high five sakanya sa sa labas pero nilagpasan niya lang ito. Ni hindi man lang niya nilingon ang lalaki. Sinundan siya ng tingin ng lalaki at napa-iling. May bakas na pagtataka sakanyang mukha.

"See that man? That's Ron. Kasama niya minsan sa trip yan. Maski si Ron naninibago sakanya." He added.

"Seriously?" Nagsitanguan silang lahat. Gulat kami ni Arashi sa aming mga narinig.

"Actually, siya yung pinakamaingay sa amin ngayon. But now..." Sabi ni Jungkook at yumuko.

"Pero 2 years na ang nakakaraan ah." Ani Arashi.

***

"Everyone. Group yourselves with 4 members. Please prepare atleast 2-minute-dance of your own choreography. Then mamaya ay mags-start na tayo sa pagpili ng mga members para sa club." Sambit ni Ms. Callejo, ang adviser ng club na sasalihan namin.

Maputi ito at maganda ang hubog ng pangangatawan. He has this pretty face too kaya naman ang ibang mga lalaki ay napapanganga sa kanya. I think she's in her mid 20's.

Nagsitanguan kaming lahat na mga nandidito sa isang malaking room. Maraming salamin sa bawat gilid na animo'y pang practice ng sayaw talaga.

"Sakto." Ikiniskis ni Hoseok ang magkabila niyang kamay.

"May music ako dito. Dope." Inilabas ni Jimin ang phone niya at pinakinggan namin ang music. The title of the song is Dope. Literally. And the music is really really dope.

Maya-maya lang ay nakita kong sumasayaw na si Hoseok habang sinasabayan ang beat ng Dope. Nagkatinginan kaming dalawa ni Arashi habang si Jimin ay ngiting ngiti na nanonood kay Hoseok.

Man, I shoudn't have doubt him about dancing. Naka-nganga ako dahil sa sobrang galing niya sumayaw. Hindi lang pala puro kalokohan ang alam nito. He has talents too.

"Gets?" Hingal na hingal siyang tumingin sa aming tatlo.

"Alam kong magaling ako, pero Macky. Pwede mo ng i-close yang bibig mo bwahahaha." Tawang tawa na sabi no Hoseok. Napahiya naman ako dun dahil pinagtawanan ako ni Jimin. Kainis talaga tong kabayong to.

***

"Sorry to those who didn't make it. Maybe try next time." Unti-unting nagsi-alisan ang mga hindi napili sa club. Bagsak ang mga balikat nila dahil sa lungkot.

"And for those who made it, good job guys! Congrats! You're now an officially member of this club!"

Naghiyawan kaming lahat na mga natira dito sa dance room. Yes, kami. Four of us made it. At dahil magagaling naman kaming sumayaw ay madali naming nakuha ang steps ni Hoseok. Kanina nga ay puring puri sila sa amin dahil sa amin daw ang may pinakamagandang choreo. Pati sa amin ni Arashi ay ganon rin. Babae kami pero kung hiphop ay hiphop kami kung gumalaw.

"Jimin." Tawag ko sakanya habang naglalakad kami sa hallway.

"Hmm?"

"May nakatitig sa aking lalaki kanina eh. Pero nawi-weirdohan na ako dahil hanggang ngayon ay nararamdaman kong sinusundan nya tayo." Bulong ko.

Tahimik na sa hallway na dinadaanan namin dahil ang mga estudyante ay nagsipag-uwian na. Si Hoseok at Arashi naman ay tinawag ang barkada. Thanks to them, nasolo ko si Jimin. Pero sadyang wrong timing ng moment naming dalawa dahil may nagmamatyag sa amin.

"Ha?"

"Huwag kang lumingon. Takbo nalang tayo. Natatakot ako." Kumapit ako sa braso niya.

"Sige." Pagkasabi niya nun ay agad kaming tumakbo. Narinig ko pang bumilis ang yapak ng taong kanina pa ako sinusundan. Akala ko hahabulin niya kami pero lumingon ako habang tumatakbo at nakita ko siyang nagtago sa isang poste.

Hingal na hingal kaming pumunta ng main gate kung saan naghihintay ang buong barkada. Wews. Ang creepy.

When he changed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon