Chapter nine
Umaga ay inutusan ako ni Mommy magtapon ng basura. Sabado ngayon kaya naman okay lang sa akin. Lumabas na ako ng bahay dala-dala ang malaking garbage bag sa kamay ko. Wala naman kaming katulong at hindi naman na kailangan yon kasi malaki na ako. Isa pa, nasa Japan na si kuya na nagt-trabaho doon. Oo, may kuya ako. Sa katunayan nga close kami nun eh. Kaso nga lang hindi na kami masyadong nakakapag-usap.
"Macky iha." Si manang linda pala.
"Ay magandang umaga po!" Bati ko.
"Magandang umaga rin. May itatanong lang sana ako." Sabi niya.
"Ano po?"
"Si Taehyung, kaklase mo siya diba? Alam mo ba kung nasaan siya? Nag-aalala ako sa batang yun hindi pa umuuwi." Nag-aalala niyang tanong. Hindi man lang ba nagpaalam ang mokong na yon? Jusko.
"Ah opo. Huwag na po kayong mag-alala nakasama ko siya kagabi. Nasa bahay po siya ng kaibigan niya." Tugon ko.
"Kay Jimin ba?" Nakahinga siya ng maluwag.
"Hindi po. Kay Jungkook." Tumango naman siya ng dahan dahan pero nakakunot ang noo.
"Bakit po?"
"Kasi kadalasan si Jimin ang kasama nun eh. Kahit matulog sa bahay nila. Kaso ngayon, hindi na sila gaano nagkakausap o magkasama. Ano bang nangyayari sa dalawang magbest friend na yon." Napanganga ako sa sinabi niya. Teka, hindi ko ma-imagine?
"Hindi ko po alam." Tanging sabi ko.
"Naku! May sinaing pala ako! Sige, iha mauna na ako sa loob. Salamat ha!"
"Sige po." Ngumiti ako sakanya at sakto namang dumating si Yoongi kasama ang kotse nila.
"Sipag naman!"
"Oy, ikaw pala. Bakit ka nandito?" In-open ko yung gate. Nilibot niya ang paningin niya hanggang sa nakita niya ang bahay ni Taehyung.
"Magkapit bahay pala kayo! Ngayon ko lang napansin bahay nila ah." Barkada ba to ni Taehyung. Bakit hindi alam yung bahay. Palibhasa tulog daw ng tulog eh.
"Makiki-kape sana ako. Pwede ba?" Dagdag niya.
"Pumunta ka dito para magkape?! Seryoso ba yang gilagid mo?"
"Wew ginawa ng gilagid ko sayo!" Nagtatakbo siya paloob ng bahay. Sinundan ko naman siya.
"Yoongi. Oh anak yung pinsan mo nandito ipaghanda mo ng pagkain." Sabi ni Mommy na nagl-laptop sa may mesa.
Ngumiti naman si Yoongi na parang sinasabing 'oh-ano-ka-ngayon-bilisan-mo-gago-gutom-na-ako'. Wtf :)
Padabog akong naghanda ng makakain niya. "Bat ka ba nandito ang aga aga binubwisit mo ako." Lapag ko sa pagkain niya.
"Asus. Pag sinabi ko sayo sure naman akong matutuwa ka."
"Ano ba kasi?" Kinain muna niya yung tinapay na hinanda ko tsaka nagsalita.
"Swimming daw tayo ngayon. Treat ni Jungkook."
Tiningnan ko siya ng 'nanggagago-ka-ba' look. "Sa tingin mo nagbibiro ako. Edi kung ayaw mo edi bye." Tumayo siya tsaka nagpaalam kay Mommy.

BINABASA MO ANG
When he changed
Fanfiction"The only permanent in this world is change." From a hyper and crazy hottie, he then became cold-hearted and rude to everyone. New personality, new him. He's Kim Taehyung. [ a vseul/seultae/kim taehyung x kang seulgi fanfiction story ] written by:...