Chapter eleven

78 8 2
                                    

Chapter eleven


"You mean, that guy is Maru?" Sabi ni Arashi at nakisabay sila ni Jimin sa akin.

"Bakit? Mukhang mabait naman ah." Taka kong tanong dahil maamo ang mukha nito at hindi halata sa mukha nya ang manuntok.

Pumasok na kami sa room at umupo. Tumingin ako sa wrist watch ko at may 20 minutes pa bago magsimula ang klase. Dumalo sa amin si Namjoon at Jin. Bukod sa amin ay sila palang din ang dumating sa barkada. Wala pa sina Yoongi, Hoseok, Jungkook kahit si Taehyung.

"He's Mira's brother." Sambit ni Jimin.

"Si Maru ba yang pinag-uusapan niyo?" Dumating na rin sina Hoseok na akbay akbay si Taehyung na mukhang nayayamot.

Natigilan kami sa pagkkwentuhan dahil tungkol sa magkapatid nga ang pinagkkwentuhan namin. Baka ma-badtrip lang si Taehyung.

***

Taehyung


Hanggang sa discussion ay nakatitig lang ako kay Macky. Hindi na siya mawala sa isipan ko simula nung dumating siya sa buhay ko at naging parte ng barkada namin. Gayun pa man ay lagi kong naaalala sakanya si Mira at ang bangungot na hindi ko makakalimutan buong buhay ko. Sa tuwing nakikita ko siya ay kumikirot ang puso ko.

Umiwas ako ng tingin nang mapansin niyang sumulyap ako sakanya. Tumingin ako sa labas pero wrong move ata dahil biglang nagsalita ang prof namin.

"Mr. Kim Taehyung, please answer the equation on the board." Tawag ng professor sa akin.

Nagd-dalawang isip pa ako kung tatayo ba ako o hindi. Pero wala akong choice kundi sagutan ang lecheng equation na yan dahil lahat silabay nakatutok ang atensyon sa akin.

"Pssst. Eto oh." Bulong ni Macky at may ibinigay na papel sa akin. Naguguluhan ko siyang tiningnan at nag-okay sign lang siya.

"Mr. Kim, please move fast." Pumunta na ako sa board.

"Try to analyze it first, hindi yung basta sagot ka ng sagot. In that way, unti-unti mong makukuha ang tamang sagot."

Narinig ko ang boses ni Mira sa isip ko. Lagi niyang sinasabi sa akin ito tuwing gumagawa kami ng assignments dati. Sinubukan kong gawin sa equation na ito pero sobrang hirap naman ata nito. Pucha. Hindi ako magaling dito at wala akong maintindihan pag dating sa math. Mas magaling pa ako sa english eh. Mga 5%.

Tiningnan ko yung kapirasong papel na ibinigay sa akin ni Macky. May nakalagay na 'SOLUTION' sa may itaas nito.

Lumingon ako sa prof at nakita kong may kinakausap siyang estudyante. Dali-dali kong kinopya yung solution ni Macky sa board at nung natapos na ay umupo na ako. Lumingon sa akin si Macky at ngumiti. Sa isang iglap ay nakita ko ang isang Mirang ngumingiti sa akin gaya ng kinagawian. Nakatitig lang ako sa ngiting iyon nang biglang nagsalita ang professor. Umiwas ako ng tingin.

"Very good, Mr. Kim! Now, explain your work!" Nasapo ko ang noo ko. Magp-protesta na sana ako nang biglang nag-ring ang bell. Nag-smirk ako sa professor namin. Saved by the bell, huh?

"Class, dismiss!" Pagkasabi ng professor namin ay lumapit ako kay Macky. Nag-aayos sya ng gamit niya. Napansin niya akong nakatitig sakanya kaya tumingin siya sa akin. Nakatitig na rin sa amin ang buong barkada. Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya palabas. Nagprotesta pa si Jimin pero wala akong pakialam.

"A-aray." Narinig kong sabi niya. Huminto ako at tiningnan ang braso niyang kanina ko pa hinahawakan. Nagmarka ito ng kulay pula. Mukhang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Pumunta ako sa likod niya.

"Lakad."

"H-ha? Bakit?" Nauutal niyang sambit pero tinulak ko nalang siya para maglakad siya. Nakasunod ako sakanya at dinidikta ang direksyon ng pupuntahan namin.

"Alam mo nagmumukha na akong aso sa pinaggagawa mo." Nakahalukipkip siyang humarap sa akin.

"Tss." Nauna na akong pumasok sa ice cream parlor at nag-order ng tatlong ice cream sa counter.

"Ililibre mo ako?!?!" Napa-atras ako dahil binunggo niya ako malamang sa sobrang saya niya.

"Sorry! Hehe sige hanap lang ako mauupuan natin." Tumango lang ako sakanya.

"Sir, girlfriend niyo? Ang cute niyo naman tingnan." Natigilan ako saglit sa sinabi ng cashier dahil naaalala ko bigla si Mira. Lagi rin kaming sinasabihan ng ganon dati.

"Ah sorry po. May I take your order, sir?" Bumalik na ako sa katinuan at nag-order nalang.

Nang pumunta na ako sa table namin ay pumapakpak pa siyang kinuha ang icecream na cookies n cream. Kinuha ko ang double dutch flavor para sa akin.

Hindi na siya umimik at nilantakan agad ang ice cream niya. Parang Mira lang. Masaya pag may ice cream. Damn, I miss Mira. Tumitig lang ako sakanya habang siya'y kumakain na parang bata. May ice cream pa siya sa gilid ng kanyang labi at hindi nya alintana iyon basta makakain lang siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at kumuha ako ng tissue para punasan iyon. Natigilan siya. Tiningnan niya ako at itinuro ko ang gilid ng labi ko.

"S-salamat." Hindi ko maiwasang mapangiti. Shit. Anong nagyayari sa akin? Bakit mo ako ginaganito Mira?

"Akin ba ito? Kakainin ko na ah. Hehe." Kinuna niya yung isa ko pang order na strawberry flavor. Tinabig ko ang kamay niya at inilapit sa akin ang icecream ko.

But then, I suddenly realize. I'm with Macky, not Mira. Sa isang iglap ay biglang kumirot ang puso ko. I miss Mira so damn much. Tumayo na ako at umalis. Hindi ko na kaya.

***

Macky

"Hoy! Saan ka pupunta?!" Sigaw ko kay Taehyung. Dire-diretso siyang lumabas at iniwan ako mag-isa.

"Bwisit!" Ganon nalang yon?! Matapos akong ilibre iiwan na ako?! Sobrang rude naman niya!

"Bastos nun ah, bigla kang iniwan." Biglang umupo si Maru sa kaninang upuan ni Taehyung.

"Hi. Makikiupo ako ha." Ngumiti siya sa akin.

Kanina pa ba siya dito at pinapanood kami? Bakit siya nandito? I mean, sinusundan niya ba ako or coincidence lang?

"Sure." Tutal ay wala naman na si Taehyung ay kinuha ko yung strawberry ice cream na iniwan niya at kinain ito. Inilapag na rin ng waiter ang ice cream ni Maru at kinain niya na rin ito.

"You remind me of my sister." Bulalas niya habang nakatingin sa akin.

"Mira? Taehyung's girlfriend?" Sambit ko. Tumango siya sa akin. Hindi ko pa nakikita kahit ni isa na piture ni Mira kaya naman tinanong ko siya.

"Here." Ipinakita niya sa akin ang wallpaper niya. Si Maru na naka-labas ang dila habang akbay akbay ang isang babaeng may maiksing buhok.... na kamukha ko.

Kung hindi lang maiksi ang buhok nito ay masasabi kong ako ang nasa picture. Pero nagkakamali sila, dahil ni minsan ay wala akong maalalang naaksidente ako. Ako talaga si Macky Lee at hindi si Mira. Wala ng iba.

When he changed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon