Marrying an Idol

1.3K 18 4
                                    

“The image is one thing and the human being is another. It's very hard to live up to an image, put it that way.”   -Elvis Presley

Yan ang madalas kong sabihin sa sarili ko.. Tama naman si Elvis Presley diba? Mahirap naman talagang panatiihin ang image mo lalo na kung artista ka, model, celebrity, singer, hallyu star, idol at kung ano pa man ang tawag sayo ng mga FANS mo. Hindi madaling mabuhay sa mundo nila. Sabi nga nila, "You can't please everybody".

Pero ni minsan ba, naisip ng mga celebrities na yan na mas mahirap ang buhay ng mga taong nakapaligid sakanila? Ganito kasi yan eh..

Family. Ilang beses sa isang linggo ba nila nakakasama ang pamilya nila? Isa, dalawa o minsan nga hindi eh.. Buwan bago sila magkita kita.

Friends. Sino bang taga salo ng issue nila? Sinong taga pagtanggol nila? Friends, tama? Mahirap kayang ipagtanggol ang isang tao kung hindi mo naman talaga alam ang nangyayari!

Fans. Oo, fans. Sila lang naman yung taga promote, taga like, taga retweet, taga share, taga bili ng tickets at taga tili sa mga IDOL nila. Sila yung mga taong nabubuhay para sa idol nila, yung mga taong sobra kung magmahal.. At minsan, sila din ang mga taong sobra kung masaktan.

Girlfriend. Ano nga ba ang girlfriend? Sa mga normal na tao, yan yung nakakasama mo sa mga special occasions, yung nasasabihan mo ng problema, yung mahal na mahal mo. Pero sa mga IDOL, sabihin na nating, sila yung mga babae na number 1 fan nila, dakilang alalay. Yung umiintindi, nagmamahal, naghihintay at nasasaktan.

Gaano ba kahirap magmahal ng isang IDOL? Ano ang kaya mong i-sakripisyo para lang sa lecheng IMAGE na inaalagaan nila? Hanggang saan kakayanin ng pasensya mo ang pag intindi sa mga babaeng lumalandi sa boyfriend mo? (Sorry for the term) ^_^

Ano nga bang mas matimbang, FAME or LOVE? LOVE or TIME? TIME or FAME?

Let's find out!!

Marrying an Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon