Yannie's POV
"Akala ko ba magroradtrip tayo? Eh bakit andito tayo ngayon?"
Dinala ako ni Young Saeng sa park kung saan wala manlang ka-tao tao. Anong klaseng park ba to? Kung sabagay, gabi na nga naman pala.. Hay..
"Pagod na kasi akong mag drive, pahinga muna tayo dito."
Naupo sya sa isang bench kaya sumunod ako sakanya. Nanatili kaming tahimik habang nakatingin lang sa hangin..
"Bakit kasama mo sya?"
Loading.....
Loading.....
"Bakit kasama mo kanina si Junsu?" tanong nya ulit..
"Ah yun ba? Well, kasi kami yung natoka sa pagbili ng drinks eh. Ako lang sana kaya lang wala akong dalang kotse." paliwanag ko.
"Umalis ka ng bahay na walang dalang sasakyan? Eh si Tep?"
"Wala din.."
"So nag taxi kayo?"
"Hindi." matipid na sagot ko.
"Eh pano kayo nakapunta sa kung saan man kayo nagkita kita kanina?"
"Sinundo kami ni Junsu."
Bigla syang napatingin sakin, yung expression ng mukha nya, parang gulat na gulat..
"Ano? Paki ulit.." sabi nya habang nakatingin sakin.
"Sinundo kami ni Junsu." careless na pagkakasabi ko.
"Ah inulit mo talaga."
Tiningnan ko sya at kumunot bigla yung noo nya sabay upo ulit ng maayos at tumitig sa kawalan.. Baliw ba to? Sabi nya ulitin ko diba? Hay naku..
"Bakit pa kailangang sunduin kayo ni Junsu?" tanong na naman nya.
"Ewan. Sabi ata ni Jung Min."
"Eh bakit kailangang si Junsu ang sumama sayo sa pagbili ng alak?"
"Sabi ni Tep eh."
Napatingin na naman sya sakin at this time halatang naasar sya..
"Bakit ba pakiramdam ko pinagtutulakan ka ni Tep sa Junsu na yun, ha? Tapos ginagatungan pa ni Jung Min.. Alam naman nila na may boyfriend ka na diba?" galit na pagkakasabi nya.
"Oh bakit ka nagagalit? Baby, wala naman yun eh.. Iisang group of friends lang tayo kaya natural lang na magkasama sama kami, tayo.." pinipilit kong linawin ang sitwasyon.
"So normal lang na lumabas ka kasama ang ex mo dahil kaibigan natin sya, ganun ba?"
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil nakita kong nag pout sya. Alam kong nagseselos sya, at galit sya.. Minsan lang magselos to, at mostly, kay Junsu talaga. Kaya nga iniiwasan kong makasama yun hangga't maaari eh.. Kasi nga ayokong mag away kami dahil lang sakanya.
"Baby naman, ang tagal na nung samin eh. Bata pa kami nun. Wag ka na magselos okay?"
"Fine." huminga sya ng malalim.. "Umuwi nalang tayo. Napagod ako bigla eh."
"Baby naman eh.."
"Please, ihahatid na kita."
Tumayo na sya at lumakad pabalik sa kotse.. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya..
Ganito talaga sya pag masama ang loob nya, mas gugustuhin nyang umiwas sakin kesa humaba pa ang away namin.. Kakailanganin ko lang hintayin na lumamig ang ulo nya.. Sanay na ko.. Ganun sya eh, bad boy kasi.. Daw..