CHAPTER 13 : All about selos

216 7 8
                                    

Jung Min's POV

Nasa iisang mesa na kami ngayon nina Jae Joong, Jin Hye at Tep. Nung tinawag ako ni Jae, niyaya ko sila na magsalo salo nalang kaming apat.. Ano ko bale? Hahayaan ko si Jae na masolo si Tep?

Sinipa ko ang paa ni Tep sa ilalim ng mesa.. Magkatabi sila ni Jae kaya kailangan ko mag ingat.

Napatingin sya sakin at tiningnan ko sya tapos tumingin din ako ng masama kay Jae. Gets nya na yun.

Tinarayan nya ko sabay lagay ng pagkain sa plato ni Jae.. Ano to!?

"Jae naman, ang konti ng kinakain mo. Papayat ka nyan eh."  halos masuka ako sa pagkakasabi ni Tep. May taglay din pala itong kalandian.

"Thank you sa concern Tep."  ngumiti si Jae.

Tep's POV

Mamatay ka sa selos kabayo ka! Binwisit mo ko eh! Handa pa naman sana akong patawarin ka tapos ganito lang ang gagawin mo sakin!! Manloloko!!

Ang assuming ko lang talaga.. Pagpasensyahan nyo na po. :(

"Jin, kain ka lang ng kain..Tagal na din nating di lumalabas ng ganito eh."  ngumiti ng bonggang bongga si kabayo kay hipon.

Matagal? Matagal daw? Eh kahapon lang sila huling nagkita ah! Umalis pa nga sila sa bahay! Ang O.A talaga ng dalawang to! Ang sarap kalbuhin!!

"So anong meron sainyo?"  tanong ni kabayo..

"Ha?" nag maang-maangan naman si bampira ko.

"Bakit andito kayo? Anong meron sainyo?"  tanong ulit ni mal.

"Well.. Okay, okay.. Since na-spoil mo na din naman ang surprise namin dapat sainyo ng barkada, sayo na namin unang sasabihin."

Susubo sana ako nung rice cake nang biglang hawakan ni Jae ang kamay ko.

Anebeyen! Pabitin oh! Kanina ko pa gustong tikman to eh! Bwisit naman talaga!

Okay, lipat sa left hand yung rice cake sabay subo.. Chalap talagaaaaa! ^___^

"Tep and I are dating."

*Ehem ehem! Ubo. ubo!

Nabulunan ako sa sinabi ni Jae!

Waaaaaaaaaaa!

Bakit sinabi nya agad agad? >.<

"Tubig, tubig oh Tep."  pinainom ako ng tubig ni Jae sabay hagod sa likod ko.  "Okay ka lang?"

"Ne." yun lang ang nasagot ko. Nakakahiya naman kay Min!

"Dating? You?"  tanong ulit ni Min.

"Ah, ne, ne. We're dating.. Right Tep?"  pinisil ni Jae ang kamay ko na hawak nya parin.

"Ah, yes. We're dating."  mayabang kong sabi tapos inayos ko ang pagkakaupo ko.  "Excuse me, punta lang ako sa ladies' room.

Tumayo ako at poise na naglakad papunta sa comfort room..

Pag pasok ko, tiningnan ko agad ang sarili ko sa salamin..

"Nakakahiya ka Tep! Nakakahiya ka talaga babae ka! Umayos ka nga!!"  pinagpapalo ko ang sarili kong ulo.

"You look good together."  biglang may nagsalita mula sa likod ko at nakita ko sa salamin ang mapulang labi..

"Oh.. I'm sorry?"

Syempre nag ingles din ako. Nilalabanan ako ng englishan ng Koreanang ewan na to eh! Ang pula talaga ng labi nya!

Teka, may labi ba ang hipon?

Marrying an Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon