CHAPTER 11 : Change is inevitable

231 8 10
                                    

Jae Joong's POV

"Oh, oh.. Ano nang nangyari dyan?"

Pinasunod ako ni Junsu sa isang lugar kung nasaan sila. Sabi nya lasing daw yung dalawa at di nya kayang asikasuhin pareho. Si Yannie, daldal ng daldal habang si Tep, suka na ng suka. Ano ba naman tong dalawang to!

"Thank You Lord at dumating ka din Jae. Hirap na ko dito eh. Paasikaso dyan kay Tep oh. Ang kulit ni Yannie eh." pagrereklamo ni Junsu habang pinipigilan si Yannie sa paglalakad.

"Sige. Tep.." hinawakan ko sya sa likod pagkatapos nyang sumuka. "Okay ka na? Uwi na tayo ha?"

"No way! Ayokong umuwi! Baka andun pa yung kabayo na yun! Sipain ko yun eh!"

Lasing na nga ang isang to.. Nagsisimula nang mag open up eh. hmm.. Pano ba to?

"Pero Tep, lasing ka na.. Kailangan mong umuwi. Please!?" pakiusap ko sakanya.

"Kung gusto nyo kayo umuwi! Hindi kami uuwi ni Yannie! Asan si bebe? Asan!?" sigaw nya.

"Wag kang maingay. Nakakahiya sa mga tao.. Andun lang sila ni Junsu, kinakausap lang sya ni Jun.." pagpapakalma ko sakanya. Nakakahiya na kasi ginagawa nila eh.. "Junsu-ya, ano nang gagawin natin ngyon!?"

"Iuuwi na natin sila Jae. Kailangan na nila magpahinga." sagot ni Junsu.

"Hindi ako uuwi sa bahay! Dalhin nyo na ko kahit saan wag lang sa lugar na mapupuntahan ako ng manlolokong pangit na otter na yun!" narinig kong kumontra si Yannie.

Okay, mag best friend nga sila.. Pero tulad nga ng sinabi ko kanina hindi ko sila masisisi.. Inlove kasi sila eh..

"Hoy ikaw Junsu utang na loob ilayo mo yan kay Saengie! Dun, dun mo dalhin sainyo! Go! Alis!" pagtataboy ni Tep sakanila.

"Pero.."

"Sige na Junsu, mas mabuti pa nga siguro kung iuuwi mo muna sya sainyo. Hindi maganda kung magkikita sila ngayon ni Saengie eh. Sige na, ingatan mo yan. Ako nang bahala dito kay Tep."

Pinilit ko na si Junsu na umalis at dalhin si Yans sa bahay niya..May tiwala naman kasi ako sakanya, alam kong di nya gagawan ng masama si Yans. Mahal nya yun eh.

"Sige, ikaw nang bahala kay Tep ha!? Ingatan mo din yan, tawagan mo ko kung asan kayo."

Tumango ako at saka inalalayan ni Junsu sa pagkasakay sa kotse nya si Yannie.. Pinanuod namin sila ni Tep habang palayo samin..

Ano nang gagawin ko ngayon kay Tep? Alangan namang iuwi ko din sya sa bahay ko? Baka isipin nya nagte-take advantage na ko sakanya.

Ano nga bang dapat kong gawin!?

Nakatitig lang ako kay Tep na nanghihina na dahil sa kakasuka nung bigla akong nasilaw sa headlights nung kotseng paparating.

Nag park yun malapit sa kotse ko..

At nung makita ko kung sino, napatayo ako..

"Tep! Tep, okay ka lang? Baliw ka na ba talaga ha? Bakit ka naglasing? Nasisiraan ka na ba ng bait!?" Niyugyog ni Jung Min ang katawan ni Tep na nakaupo sa isang bench.

*PAKK!!

Aray! Masakit yun!

Sinampal lang naman sya ni Tep nang napakalakas kaya napalapit narin ako sakanila.

"Tep.." sabi ni MinMin na may halong lungkot.

"Oo! Oo baliw ako! Baliw ako dahil nakipagkaibigan ako sayo! Baliw ako dahil pinagkatiwalaan kita! Nasiraan na ata ako ng bait dahil sa mga kasinungalingan mo!" sigaw ni Tep kahit na magkaharap lang sila ni Jung Min.

Marrying an Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon