Young Saeng's POV
“Hey, hey, hey, hey..” sita sakin nung manager ko nung kinuha ko ang bag ko. “San ka pupunta?”
“Bakit? Tapos naman na po yung meeting ha. Kailangan kong puntahan si Yannie.” sabi ko.
“Hindi pwede Young Saeng.. 2 days nalang, fanmeeting mo na.. Di ka pwedeng magpa petiks petiks ngayon.”
“Petiks? Nagtatrabaho naman ako ng maayos ha.. Kailangan ko din naman po asikasuhin yung kasal namin ni Yannie.. Di ko sya pwedeng pabayaang mag isa sa pag aayos nun.” Depensa ko. Totoo naman diba? Dapat tulungan kami ni Yannie dun..
“Alam ko pero pwede mo namang asikasuhin yan pagkatapos ng fan meeting mo eh, ang haba pa ng oras nyo. Young Saeng, kailangan mong mag focus ngayon. Kailangan mong mag practice.. Maraming fans na manunuod sayo dahil narin sa engagement nyo ni Yannie.. Maraming interesadong mapanuod ka ngayon.” Inagaw nya sakin yung bag ko saka inihagis sa loob ng van na ginagamit ko for work. “Focus,Young Saeng, focus!”
“Fine, fine!”
Itinaas ko nalang yung kamay ko sign as suko ako sa panenermon nya. Ni minsan hindi pa ko nananalo sa pakikipag argue sa manager ko.. Lahat kasi ng tactics gagawin nya manalo lang sa arguement namin.. Hay buhay.. Bakit ba ganito kahirap to?
Sumakay na ko sa van kasama ang mga dancers ko.. Syempre yung manager ko ang nagdadrive..
Close na kami ng mga dancers ko, halos araw araw din kasi kami magkakasama at sila din ang lagi kong kasama pag nagcoconcert ako sa ibang bansa.. At inaamin ko, mas nakakasama ko pa nga sila kesa kay Yannie eh.. At isa yun sa mga bumabagabag sakin lagi..
“Oh, nag tweet si Yannie at si Kyu ah.." sabi nung pinakamakulit kong dancer. "Nasa mall daw sila ngayon.."
"Ha? Talaga? Patingin nga.." sabi nung isa ko pang dancer na may crush kay Yannie.
Pinanuod ko lang sila habang nag aagawan sila ng celphone.. Lahat kasi sila interesado pag dating kay Yannie.. Kasi naman, close din sila dun at sobra silang nababaitan sa girlfriend ko.. Ganyan ako ka-swerte..
Kinuha ko na din yung phone ko at nag umpisang i-browse ang twitter ko para tingnan yung tweet na sinasabi nila..
At yun, nakita ko nga ang ka-sweetan ng bestfriend ko at ng fiance ko..
Pero hindi yun ang nakaagaw ng pansin ko.. May isang certain picture akong napansin at nakasira na naman ng araw ko..
Picture nina Yannie at Kyubbi....... Kasama si Junsu with the caption na..
**Guess who I just saw? SS501's @2kjdream and the soon-to-be Mrs. Heo @YannieYans.. This lady is really pretty neh? You're so lucky mister @mystyle1103 kekeke.**
I swear, I just swear gusto ko syang sagutin nang 'yeah, luckier than you' pero hindi naman tama yun diba? Kaibigan ko naman sye eh at di alam ng mga tao na may past sila ni Yannie.. So I guess kailangan ko talagang habaan ang pasensya ko..
I replied..
**Keke. Ne, I'm so lucky to have @YannieYans. This photo is cute.. Daebak!**
TWEETED!
Haysss.. Sa dinami dami ba naman kasi ng magiging ex ni Yannie, bakit si Junsu pa talaga? Small world? Destiny? Fate? O kamalasan lang talaga? Hay buhay.. Mabasa na nga lang ang tweets nung dalawa..
**We're crazy and we know it! Keke.. Bonding time with my favorite friend @2kjdream.. Ya!! @mystyle1103 come here, palli! Hahaha!**
They really look cute together.. Aigoo! If only she knows.. If only..