CHAPTER 21 : Wedding Preparations

216 7 12
                                    

Hyun Joong's POV

Nagsimula na ang wedding preparations ng mag fiancee na baliw. Ewan, basta baliw ata sila.

Bibili kami ngayon ng tuxedos dahil nga kasali kami sa entourage.. Hulaan nyo kung sinong kasama namin?

Si Yannie..

Ang kasama naman nina Tep, Gennie, Dara, Eun Hye, So Eun, Jin Hye at Desh ay walang iba kundi si prince..

Ano bang alam ni Yannie sa tuxedo at ano namang alam ni Young Saeng sa gowns? Mga baliw lang diba?

"Ayoko ng black tuxedo.. Masyadong formal and ayoko ng black sa wedding ko so I prefer gray tuxedos."

Gray? Gray? Pero gusto ko ng black. Leader ako diba? Ako ang dapat na masunod. Gusto ko black! Mas gwapo ako sa black!

"But, kailangan ba talagang gray? Di ba pwedeng-"

"Hyun Joong, alam kong gusto mo ang black but this is for my wedding kaya ako ang masusunod. Ngayon, kung kokontra ka, wag ka nalang umattend ng kasal namin ni Saeng."  sabi nya.. Ang taray nya na talaga ngayon.  Supalpalin ba naman ako?  >_<

"Hindi naman ako kumukontra Yans eh. Nagtatanong lang naman. Pasensya na po."  napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Oh so ano pang hinihintay nyo? Mag fit na kayo para mabayaran na natin agad agad yan."  utos nya samin lahat.

Grabe talaga ang kasungitan ngayon ng babaeng to. Di naman sya dating ganito eh. Ano kayang nangyari sakanya?

Lumapit ako kay Yoo Chun na kasalukuyang pumipili ng gray suit nya..

"Bakit ang sungit nya ata ngayon?" bulong ko sakanya.

"Ewan. Baka nahawa na sya kay Tep. Alam mo na."  bulong nya din sakin.

"Yans, ilan ba ang invited sa kasal nyo?"  tanong ni Ki Bum. Kasali din sya eh. Flower boy daw. Haha!

"Ewan. Basta close friends lang like kayo, sina ChangMin at Yunho, yung ibang members ng Spica at GG, members din ng SuJu and mga team mates nya sa FC ONE. Family din namin syempre."

"Eh pano yung friends mo sa Philippines?"  tanong naman ni Hyung Jun.

"May iba atang pupunta. Yung mga dati kong classmates nung andito pa ko sa Korea, invited din. Basta. Medyo madami kasi nga IDOL po kayo."  inemphasize nya talaga ang word na idol.

"Yans baka naman pwedeng may ipakilala ka sakin?"  pangungulit sakanya ni Jjuni.

"Sure. Mamaya may ipapakilala ako sayo. Grabe, sobrang cute mo pala talaga Jjuni baby noh?"  biglang hinalikan ni Yans sa pisngi si Jjun na parang bata.

Hindi na ko nagulat, ganyan talaga sila eh. Pero si Yannie, masyadong nakukyutan ngayon kay baby? Yaks!

Bakit ganun? Masungit sya sakin pero ang bait bait nya kay Jjun? May nagawa ba kong mali?

Tep's POV

Nananadya ba talaga si bebe? Bakit kailangang si Young Saeng pa ang kasama namin sa pamimili ng gowns? Kamalayan naman nito sa mga gowns diba? Sabagay, babaero sya so malamang expert na sya.

Pero ang mas nakakabwisit pa dito, may isang kasali sa entourage na ayaw na ayaw ko. As in ayaaaaaaw!

Sino sya?

Si Song Jin Hye..

Oo!!! Yung babeng ubod ng pula kung mag lipstick!! Yung babaeng hipon na patay na patay kay kabayo!!

"Noong nag uusap kami ni Yans tungkol sa dream wedding nya, sabi nya gusto nya sky blue ang color ng gowns ng bridesmaids nya. So yun ang gagawin natin. Kayo nang bahalang pumili ng style, basta sky blue lang dapat."  sabi samin ni Young Saeng habang nasa isang exclusive shop na binayaran nya ata para i-close habang andito kami.

Marrying an Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon