CHAPTER 12 : Kiss and make up!

240 7 9
                                    

Young Saeng's POV

"Ano na naman to Young Saeng!?" maagang bulyaw sakin ng manager ko nung magkita kami sa agency.

"Na naman? Ngayon lang yan nangyari hyung. Bakit na naman!?" napakamot ako sa ulo ko.

"Young Saeng-ah! Hindi ako nakikipagbiruan sayo."

"Hindi din naman po ako nakikipagbiruan. Sa tingin nyo okay sakin lahat ng nangyayaring to?" sinimangutan ko sya.

"Kailangan nating puntahan si Yannie ngayon." lumapit sya sakin.

"Po? Pano? Ni hindi ko nga alam kung asan sya eh. Hindi nya sinasagot ang mga tawag ko simula pa kagabi." tinanggal ko shades ko. "Kita mo eyebags ko? Dahil hindi ako nakatulog kagabi."

"Nakatawag na ko sa opisina nya, andun daw sya. Hindi ka kasi nag iisip. Tumayo ka na dyan, palli, palli!"

Hinila nya ko palabas ng agency at sumakay kami sa van namin, sya ang nagdadrive syempre.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa company nina Yannie. Kinabahan ako bigla.. Di ko alam kung paano haharap sakanya.

Inayos ko muna yung buhok ko at isinuot ulit ang shades ko.

Bubuksan ko na sana yung pinto nung pinigilan ako ng manager ko.

"Teka, teka.." kinuha nya ang bouquet of flowers sa backseat. "Hindi ka pwedeng sumugod ng walang sandata."

"Sandata? Tinatawag mo to bilang sandata?" tumaas ang kilay ko.

"Yan ang sandata ng lahat ng lalaki kapag naglalagablab sa galit ang babae." kinindatan nya ko. "Sige na, sugod na!"

Nginitian ko sya at inayos ang buhok ko for the last time. Pagkalabas ko ng sasakyan, inayos ko din ang damit ko bago naglakad palapit sa office nina Yans..

Maraming nagtitinginan sakin at kumakaway.. Malamang nakikilala nila ko, hindi naman ako naka disguise eh. At kilala na ko dito since madalas kong puntahan si Yannie dati nung di pa ko busy.

"This is it Young Saeng. Hwaiting!" sabi ko sa sarili ko bago tuluyang pumasok sa company.

Kinabahan ako lalo. Lahat ng empleyado napalingon sakin at pati mga customers napapatingin din.

May mga ngumingiti sakin, may bumabati pero meron din na tinataasan ako ng kilay.. Especially yung mga tauhan ni Yans.

Nagpatuloy ako sa paglalakad..

Tsugtsug. Tsugtsug. Tsugtsug.

Ayun, nakikita ko na si Yannie.. Sa may dulo.. May inaasikasong customer. Eotteoke?

"I'm just here." biglang nagsalita mula sa likod ko si manager. Sumunod pala sya. What a relief!

"Kamsahamnida." ngumiti si Yannie sa customer saka lumayo sakanya.

"Hey baby." bati ko sakanya.

Napalunok ako nung nakita kong tumaas ang kilay nya pagkalapit ko. Ipapahiya nya ba ko dito?

Nag smile ako at pinalalim ang dimples ko. Favorite nya dimples ko eh. Lagi syang natutuwa kapag pinapalabas ko to.

"Yannie-yah! Long time no see!"  binati sya ni manager.

"Ah, annyeong haseyo sunbaenim." biglang nagbago ang timpla ng mukha nya at ngumiti.

"Baby, flowers for you."  iniabot ko sakanya yung flowers at fortunately, kinuha nya agad.

"Oh, Mr. Heo, so you're here.. Are you here to take miss Kang for a date!?"  nilapitan kami ng boss niya.

"Ah, aniyo sir. He just went here to visit me."  depensa nya.

Marrying an Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon