CHAPTER 24 : Saengie's anger

200 5 9
                                    

Gennie's POV

"Oh Jjun, okay na ba kwarto nyo?"  tanong ni Hyun Joong habang inaayos ang sala nila.

Kakalipat lang ng dorm ng SS501 at tinutulungan namin silang mag ayos sa bago nilang dorm. Mas malaki at mas maaliwalas tingnan di tulad nung mga nauna nilang dorm nung nag uumpisa palang sila. Iba na talaga pag yumaman!

Pinakiusapan ako ni Kyu na tulungan sila sa pag aayos and syempre kasama namin sina Yoo, Kibum, Jibin, Deshi, So Eun at Dara. Wala sina Tep and Yannie eonnie, may issues kasi..

Almost 3 weeks narin silang nag peprepare for their comeback pero ngayon lang sila nag decide na mag sama sama na ulit sa iisang bahay.

In-announce narin nila sa media yung plano nilang comeback at yung cancellation ng wedding nina Saeng-oppa and Yannie-eonnie.

At simula nung araw na yun, sobrang naging malumbay si Saeng and si Yannie naman, parang walang nagbago, naging matakaw lang lalo at medyo malaki narin ang tyan nya.. :)

*ding dong

Si Hyun Joong and pumunta sa may pinto para tingnan sa monitor kung sinong tao..

"Andito na si Saeng. Umayos kayo ha. Wag na kayong mag tanong ng kung ano ano. Manahimik nalang kayo."  bilin niya saming lahat.

"Pero hyung, 3 weeks na syang parang walang gana, kahit sa practice.."  protesta ni Jjun.

"Hayaan mo na.. Alam nyo naman ang sitwasyon diba? Basta ingat sa pananalita lalong lalo ka na."

*ding dong

Binuksan na ni Hyun Joong ang pintuan pagkatapos tumango ng lahat. Nakakatuwang tingnan kung paano sila nag busy busy-han nung makapasok na si Saeng sa bahay. Si Kyu naman, agad na tinulungan sya sa pagbubuhat ng bags nya.

"San ang kwarto ko?"  cold na pagkakasabi ni Saeng.

"Hyung, syempre share parin tayo ng kwarto. Okay lang ba yun sayo?"  tanong agad ni Jjun na tinulungan din sya sa gamit nya.

"Oo okay lang. San?"  tanong nya.

"Dito, halika hyung."

Sinamahan na ni Hyung Jun si Saeng sa kwarto nila at naiwan kaming lahat na walang nagawa kundi ang magtinginan at mag senyasan.

"Gen, pwede ka ba daw makausap ni Saengie?"  lumabas sa kwarto si Jjun.

"A-ako? Bakit ako?"  naku naman at ako pa talaga ang kakausapin nya ha..

"Ewan..Basta gusto ka daw nyang makausap." 

"Gen, sige na. Di ka naman kakainin nun eh."  sabi ni Hyun Joong.

"Pag kinagat ka nya, sumigaw ka agad ha!? Para makatakbo kami paalis."

Nagtawanan sila sa biro ni Yoo Chun. Tama ba namang dagdagan pa ang kaba ko?

Oo inaamin ko takot ako! Takot ako sakanya! Eh kasi naman po, ilang linggo ko na syang hindi nakikitang ngumiti. Ibang iba na sya ngayon! Para na syang mangangain ng tao! Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig!!! >.<

"Sige, tawa pa! As if nakakatulong kayo!"  pagtataray ko sakanila.

"Don't worry Gen, mabait naman si prince..And if ever man may mangyari, sigaw ka lang, papasok agad ako. Sige na."

Naks naman! Ang galing talagang magpalakas ng loob ni Kyubbi ko! Sya na talaga! Sya na talaga ang mahal na mahal kooo! ^____^

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto nila.. Yung parang magnanakaw lang na takot magising ang nanakawan nya.

Marrying an Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon