CHAPTER 17 : Sick? Jinjja?

194 7 8
                                    

Tep's POV

"Gen, kumain na ba kayo ni Yans!?" tanong ko agad kay Gen pag uwi ko.  Half day lang ako eh.

"Ako kanina pa, si ate Yans, ayaw nya pa eh. Busog pa daw sya."  sagot ni Gennie na nanunuod ng tv.

"Ha? Busog? Eh kumain ba sya ng breakfast kanina pag alis ko?"

"Nope. Hindi sya lumalabas ng kwarto nya."  busy parin sa panunuod ang parang walang pakialam kong pinsan.

Para sa ibang tao, marami nang nangyayari sa loob ng dalawang linggo. Pero para samin, wala, walang nangyari..

2 weeks na ang nakakaraan simula nung eksena sa FM ni Saengie. Nung umuwi si Yans kinabukasan, wala naman syang sinabi kung saan sya nanggaling at di din sya nagkwento ng kahit na ano.

Simula nun, naging tahimik sya at lagi lang nasa kwarto. Ni hindi na sya pumapasok sa trabaho. Ang sabi nya nag leave sya para asikasuhin ang kasal niya.

Pero pano nya maaasikaso yun kung di naman sya lumalabas ng bahay?

Kahit si Saeng ni hindi pumupunta dito.. Hindi ko rin naririnig na magkausap sila sa phone or what..

Kami naman ni Min, bihira din magkita.. Busy kasi sya sa pagiging Romeo nya.

Ang SS at JYJ no show din samin maliban kina Kyu, Jae at Junsu na laging andito para kumustahin si Yannie.

"Bebe."  kumatok ako sa pintuan ng room nya.  "Bebe, papasok ako ha."

Tumuloy ako sa kwarto nya, nakabaluktot lang sya sa kama nya at nakabalot ng kumot nya. Napansin ko din na wala yung mga pictures nila ni Saeng.

"Bebe, kain muna tayo?"  naupo ako sa may paanan nya.

"Wala akong gana bebe, masama talaga pakiramdam ko. Kayo nalang ni Gennie ang kumain."  mahinang sagot nya.

"Ay bebe tapos na kumain si Gen, wala akong makakasabay. Magtatampo na ko nyan sayo eh, umuwi nga ako ng maaga para makasama kita tapos ganyan ka naman. Uy bebe!"  pangungulit ko sakanya habang hinihila yung kumot nya.

"Okay, okay fine.. Sige na, kakain na tayo baka makapag tampo ka pa eh."  tamad na tamad syang bumangon at lumabas kami sa kwarto nya.

Ipinaghain ko ng pagkain si Yannie at hinayaan lang namin si Gennie sa panunuod ng interview ni Kyubbi. Patay na patay talaga sya dun sa taong yun!

"Oh ayan, kain ka ng madami bebe ha. Namamayat ka na eh."  pagbibiro ko. But actually  tumataba nga sya eh.

"Baliw."  nag fake sya ng smile at nagsimulang kumain.

"Nga pala bebe, kumusta kayo ni Saeng? Wala na kong balita sakanya ah."  pasimpleng tanong ko.

Pero wrong move ata, biglang binitawan ni Yannie yung kutsara nya. Nawalan na naman ata sya ng gana. Naku Tep! Wala ka talagang konsiderasyon!!

"May problema ba kayo?"  tanong ko ulit.

"W-wala bebe. Okay kami. Sobrang okay."  nauutal na sagot nya.

"Pero no show si Saeng bebe at kahit tweet wala sya. Hindi din sya humaharap sa camera. May mga balita din na hiwalay na daw kayo. Ano bang nangyayari Yans?"  pilit kong inaalam ang totoong nangyayari.

*dingdong

"Eonnie andito sina Junsu at Jae! Papapasukin ko ba!?"  sigaw samin ni Gennie.

"Sige Gen, papasukin mo."  sagot ni Yannie.

Marrying an Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon