Hyun Joong's POV
"Hyung, do I look okay, huh?"
Kanina pa tanong ng tanong ang vain prince namin kung okay lang ba daw ang itsura nya. Kinakabahan kasi sya.. Sino ba namang hindi kakabahan sa kasal mo? Hindi lang naman mga babae ang nakakaramdam ng kaba sa wedding nila eh. Actually, mas kabado at emosyonal ang mga lalaki, alam nyo kung bakit? Dahil ang laki ng gastos ng groom! Hahaha!
"Ano ka ba, okay na okay na Saengie.. Halika ayusin ko lang ng konti yang neck tie mo."
Lumapit sya sakin upang ipaaayos ang neck tie nyang halos magkanda buhol buhol na dahil sa kakaayos nya kanina.. Di sya mapakali eh.
"Yan, better." ngumiti ako.. "Nervous?"
"Ne hyung. Alam mo namang ang dami na namin pinagdaanan.. Natatakot ako na baka may umeksena at manira pa ng kasal namin." nag pout sya.
"Wag kang mag alala.. Dahil alam naming pwedeng may manggulo sainyo, pinabantayan namin ng mabuti ang buong lugar. No invitation, no entry kahit sino pang ponsyo pilato yan." pagbibiro ko.
"Eh pano kung ako ang manggulo?" biglang nagsalita si Junsu na kanina pa nakikipagkulitan sa aso nyang si Munch.
"Loko! Subukan mo, nang mapalabas ko kayo nyang aso mo!" nakangiting sabi ni Saeng..
Naging okay na sila ulit after nung comeback concert namin. Mas madalas pa nga silang magkasama kapag pinupuntahan nila si Yannie eh..
"Arrfff! Arrfffff!!" tumakbo si Munch palapit kay Saeng kaya naman naupo si Saeng at nilaro din si Munch.
Did I mention na close narin ngayon sina Saeng and Munch? Hahahaha!
"Aigoo! Munchie-yah, don't get too close to Saeng, you might mess with his suit." pagpasok ni Jung Min sa room kung nasaan kami. "The girls are almost ready."
Inayos na namin ang mga sarili namin for the last time.. Sigurado naman akong nag iiyakan pa yung mga yun dun habang nag pipicture taking. Haha! And besides, maaga pa naman kaya chill chill muna kami..
"Jung Min-ah, you should get married after my wedding." sabi ni Saengie.
"Mwo? Aigoo hyung! Hyun Joong-hyung should go first cause he's really getting old.. I'm still enjoying my single life, you know."
"Eh kung sabihin ko kaya yan kay Tep? Single life?" pagbabanta sakanya ni Jjun.
"Ya Jjuni! Subukan mo nang hindi ka na umabot sa reception! Pakialamero ka talaga!"
Naghabulan na naman yung Tom and Jerry namin. Para parin talaga silang mga bata.. They never changed.. Still those silly kids from our debut.
"Ang gulo parin nila noh?" tumabi samin si Kyu habang pinapanuod yung dalawa na naghahabulan around the room.
"Oo nga eh, ang kukulit parin." sabi ni Saeng.
"Yaan nyo, magbabago din yan pag nagkapamilya na sila." tumingin ako kay Saeng. "Ikaw Saeng, you need to be more mature, understanding and caring para sa magiging anak nyo ni Yannie. Hindi ka na bata, may bata ka nang nabuo eh."
We chuckled..
"Salamat leader ha.. Kung di dahil sa mga pangaral mo, di ako makakaabot sa ganito. Gomapseumnida, Hyun Joong-hyung. Saranghae." nag teary eyes sya.
"Aigoo! Are you crying, prince?" puna sakanya ni Kyu. "Don't cry, masisira ang make-up mo."
Nagtawanan kami sa sinabi ni Kyu. Haha! Para lang kaming mga chiks! Ang prince namin, nagiging emosyonal sa kasal nya. Baka mamaya nyan umiyak sya ng bonggang bongga sa harap ng mga guests. Baka nga mas umiyak pa sya kesa kay Yans eh. Haha!