Chapter Eleven: Shy

4 0 0
                                    

Chapter Eleven: Shy



(Mark's P.O.V)

Nandito pa rin kami ngayon sa loob ng bahay kubo at nakatali sa malaking poste..

"Wala ka bang plano diyan Serelina??" tanong ko.

"Wala.. Malakas ang kapangyarihang nakapalibot sa taling ito.." sagot niya't napabuntong hininga na lamang ako.

"Etoh na nga ba ang kinakatakot ko.." malungkot na sambit ni Fuma.."Ang madamay pa kayong lahat sa sarili kong problema.."

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan?!!" bulalas ko.."Ang problema mo, problema ko na rin!"

"Mark.."

Bigla akong natigilan at napahinga ng malalim.."Alam kong wrong timing na sabihin ko toh ngayon.. Pero gusto ko lang kasing malaman mong kahit na anong mangyari gusto ko pa ring manatili sa tabi mo.. Kahit madami ka pang mga misyon.."

"Anong ibig mong sabihin Mark??" nagtatakang tanong sakin ni Fuma.

"Narinig ko ang pag-uusap ninyo ni Serelina.." sagot ko't bigla siyang natigilan.."Alam kong isa ka pa ring Fuma at obligado ka pa ring gawin ang mga misyon mo.."

"Patawarin mo ko sa paglilihim ko sayo.."

"Please isama mo na lang ako sa mga misyon mo Fuma!" pagmamakaawa ko.."Lalo akong mag-aalala kapag hindi ko alam ang nangyayari sayo kahit isang segundo lang!.."

"Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?? Pagkatapos ng misyong kong toh' gusto kong mabuhay ka na lang ng normal Mark!" sagot niya.

"Simula nang makilala kita, normal na lang sakin ang mabuhay ng ganito.." sagot ko't sabay kaming napatawa.."Kaya hayaan mo ng sumama ako sayo sa lahat ng oras.."

"Ang ganda sanang pakinggan ng mga mabulaklak na sinasabi ninyo.." sambit ni Serelina.."Pero mangyayari lang yan kung tuluyan tayong makakatakas dito.."

"Tama ka.."
"Tama ka.."

Nang biglang nagbukas ang pinto..

Si Carmela..

AT MAY DALA SIYANG GALON!

"Ano yang hawak mo?!!" kinakabahang tanong ko pero nginitian niya lang ako.. "ANO NGA YANG HAWAK MO?!!"

Binuksan niya ang takip ng galon at naglakad papalapit samin..

Dahan-dahan niyang ibinuhos ang laman ng galon sa palibot ng poste.. SA PALIBOT NAMIN!

Ito ay..

AMOY NG GAS!!!

Bigla siyang naglabas ng posporo!

"Anong pinaplano mong gawin?!!" sigaw ko.

"DUH?!! Hindi pa ba halata??" sagot niya sabay ngiti ng nakakaloko.."Susunugin ko lang naman kayo ng buhay.."

"WAG MONG GAWIN YAN!" sigaw ko pero pinagtawanan niya lamang ako.

"Pakiusap wag mong gawin toh!" pagmamakaawa ni Fuma.

"Hayaan mong tulungan ka na lamang naming mahanap ang lahat ng kasagutan sayong mga galit.." sambit ni Serelina.

"Natatakot na ba ang batang anghel?.." nakakalokong tanong ni Carmela.

"Natatakot ako para sayo.." seryosong sambit ni Serelina.."Natatakot akong baka tuluyan ng magpasya ang taga-hukom at dalhin ka sa impyerno.."

"Eh di dalhin nila ko dun?!!" galit na sagot ni Carmela.."Tutal ginawa na rin lang nilang impyerno ang buhay ko magmula ng nilayo nila ko sa mahal ko!"

"Dahil mali ang yong' pamamaraan ng pagiging isang Fuma!" sagot ni Serelina.

"Bakit? Mali rin naman ang pamamaraan ng isang yan ng pagiging isang Fuma, di ba?!!" sumbat ni Carmela sabay turo kay Fuma.

"Pakiusap ako na lang ang sunugin mo! Wag mo ng idamay pa si Mark dito?!!" umiiyak na pagmamakaawa ni Fuma at hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.."Mahal na mahal ko si Mark at ayokong mawala siya sakin! AKO NA LANG!"

"Tama na Fuma.." naluluhang sambit ko.."Gamitin mo na lang ang kapangyarihan mo para makatakas kayo rito, magiging maayos lang ako.."

"HINDI KO GAGAWIN YUN!" humahagulgol na sigaw niya.."Hindi ka pwedeng mamatay! AKO NA LANG ANG SUNUGIN MO KALULUWA!"

"Mahal kita Fuma.. ayokong magsakripisyo ka para sakin!" sigaw ko.

Biglang ngumiti ng nakakaloko si Carmela.."Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng nasasaktan Fuma.."

"Oo na! Nasasaktan na ko!" umiiyak na sagot ni Fuma.."Kaya wag mo ng idamay si Mark at Serelina.. PAKIUSAP!"

"AKO NA LANG ANG SUNUGIN MO!" sigaw ko.

"Hindi Mark, AKO!"

"Wag kang magsakripisyo Fuma!" sigaw ko't biglang tumawa si Carmela.

"Wag mo silang paglaruan!" galit na sigaw ni Serelina.."WALA KANG KARAPATANG GAWIN YAN SAKANILA!"

FUMA027 (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon