Chapter 1

864 21 5
                                    


"Ms. Michelle Elgin Esperame, sorry wala po kayo sa listahan ng mga taong imbitado sa party. Therefore, hindi po kayo pwedeng pumasok." wika ng receptionist ng isang hotel. Kitang kita sa mukha ng dalaga ang pagkadismaya at pagkainis sa kaniyang sitwasyon. Pormang porma pa naman ito pero mukhang mabubulilyaso yata ang kaniyang lakad. Suot nito ang isang moschino black dress, high heels na may tatak na chanel, at loui vuitton clutch bag. Hindi siya mayaman. Ang mga suot na ito ay nabili lamang niya kahapon sa divisoria. Mura lamang pero hindi siya kumportable dito. Napilitan lamang siyang isuot ang mga material na ito dahil may party siyang pupuntahan at puro mayayaman ang dadalo. Sa katunayan, hindi imbitado ang dalaga. Isasama lang siya ng kaibigan nitong si Kayelah, isang anak mayaman pero hindi arogante at mayabang.

"Baka naman kase nauna na siya sa loob. Hays nako, nagtiis ganda na naman ako ng bonggang bongga. Tapos maiiwan lang pala ako." wika nito sa sarili habang naglalakad palabas ng hotel.

"Sayang porma, sayang make up, sayang ganda, sayang effort!" bulalas ng dalaga.

Pagkalabas ng hotel, umupo muna siya ng panandalian sa bench sa park na halos kaharap lamang ng hotel. Inis na inis siya sa sarili. Sa tingin niya'y nasa loob na ng hotel ang kaibigan dahil late siyang pumunta sa pinag-usapang lugar na pagkikitaan nilang magkaibigan.

"Hays, dapat pala sinabi ko nalang na may post test kami sa Calculus." may panghihinayang na wika ni Michelle. Kagabi kasi bago matulog ay pinag-iisipan niya pa kung papasok nalang siya sa unibersidad o pagbibigyan ang pakiusap ng kaibigan. Pero dahil post test nalang ito at hindi na recorded, napagdesisyunan niya na pagbigyan muna ang kaibigan dahil wala raw itong makakasama sa okasyon.

Medyo lumalabo na ang paningin ng dalaga. Lumalabas na ang likido sa kaniyang mga mata at kapag yumuko siyang babagsak na ito.

"Yung tipong pormang porma ka, tapos di ka pala papapasukin sa Hotel na ito." panghihinayang na sabi ni Michelle.

"Mukha akong nakakaawa dito. Anubayan!" pumikit na lamang ang dalaga upang pigilan ang pagtulo ng kaniyang luha.

"Bakit ba kasi ang babaw ng luha mo Michelle?" tanong niya sa sarili.

"Miss, can I sit next to you? Taken na kasi yung ibang seats eh." boses ng isang lalaki.

Ayaw magmulat ng dalaga dahil nararamdaman niya ang pag-agos ng kaniyang luha kung sakaling tutunghay siya at titingin sa nagtatanong. Kinapa nito ang kaniyang clutch bag at kumuha ng bimpo upang itakip sa kaniyang mga mata.

"Yes, you can." wika ni Michelle.

Naramdaman niya ang pag-upo ng lalaki sa tabi niya kahit medyo mahaba ang upuan. Hindi niya binigyang atensyon ang lalaki dahil naniniwala siya na baka ito yung mga tipikal na lalaking dinadaan sa english ang pangbibreezy para magkagirlfriend. Iniisip ng dalaga na baka mukha lamang itong patola o baka may modus. Pero ayos lang sa dalaga na tumabi ito dahil wala namang mananakaw na mamahaling gamit sa kaniya

'Wala na ngang pera, wala pang load.' wika ng kaniyang konsensya. Iyon talaga ang isang bagay na kinasasama ng kaniyang loob. Wala siyang load at wala nang pera dahil inaakala niyang ihahatid naman siya ni Kayelah pauwi.

'Maglalakad na ako pauwi. Medyo malayo pa naman. Nakahigh heels pa ako. Watdapak. Ano bang buhay to?' sabi ng sistema niya sabay kamot sa ulo. Hindi pa rin nito tinatanggal ang nakataklob na bimpo sa kaniyang mukha.

"Miss may problema ka?" tanong ng lalaking katabi niya. Medyo slang pa itong magsalita ng tagalog at medyo feeling close kaya napatingin siya ng masama.

"Sino ka ba?" medyo inis tanong ni Michelle at sinamaan pa ito ng tingin. Ngunit sandali lang ito at muling ibinalik ang pangtaklob bimpo sa kaniyang mukha.

Umipod naman ng kaunti ang lalaki papalapit kay Michelle at nagwikang "C'mon! It's fine if you share your inner thoughts to me. Kahit hindi tayo magkakilala. Sorry yung tagalog ko, medyo okay lang."

Nagbukas ng mga mata ang dalaga at tumingin sa lalaki. "Hahahaha! Yung totoo? Ang arte mo magsalita ha. Wag kang mao-offend. Para kang kumakanta ng 'neseye ne eng lehet. Minemehel kete pegket' pero di ako hater nun ha. Baka fan ka nila e" nakangiting wika nito.

"Finally, napangiti na rin kita dahil sa accent ko." wika ng lalaki at ngumiti sa kaniya..

"Mind if I ask you a question. Hindi ka naman mukhang foreigner, in fact, mukha ka namang pilipino, pumuti ka lang at cumute kaunti, bakit ganun accent mo? O baka inaartehan mo lang ha. Naiintindihan mo ba ako?" tanong ni Michelle. Curious ang dalaga dito. Naniniwala siya na hindi bibigyang malisya nito ang tanong niya dahil mukha pa naman itong bata at mukha hindi marunong magseryoso. Tantiya niya ay 17 years old lamang ito. Masyadong makinis ang kutis nito kumpara sa kaniya na paminsan minsan ring tinutubuan ng tighawat.

Napangiti ulit ang binata at tumambad na naman sa kaniya ang chubby cheeks nito. Tinitigan niya ito at napansin niyang cute talaga ang lalaki. May matangos itong ilong, medyo maayos pero may sungking ngipin, eyebags na nakakadagdag sa kacute-a nito, manly na mga mata, disenteng haircut, at kulay nitong hindi naman maputi at hindi rin maitim.

"Why do you have so many questions? Hahahaha! I'm a pilipino and my name is Sandro. I'm from Ilocos and I'm studying at King's College London. At syempre naiintindihan kita. Sorry ulit yung tagalog ko, medyo okay lang. I understand tagalog, but I'm not that capable of speaking it for now. I'll practice more pa." wika niya. At ngumiti ulit kay Michelle.

'Hindi ba napapagod ang panga niya kakangiti? Nakakaloka ha.' wika niya sa isip at kumulot ang noo habang nakatingin sa lalaki. Umatras na ang luha ng dalaga nang simula niyang kausapin ang lalaki.

"Okay lang naman. Hahahaha! Astig nga eh. Samantalang ako, mahina na sa english, medyo okay lang sa science. Saklap diba?" kwento ng dalaga.

"You know what? You're so talkative but I like it. By the way, what are you doing here in front of this luxury hotel?" tanong ni Sandro sa dalaga. Ngunit traydor ang luha ng dalaga at pakiramdam nito ay tutulo muli ang mga ito.

"Kase yung baliw kong kaibigan, sabi niya e sabay kaming pupunta dito. Dito daw niya akong hihintayin sa labas nitong hotel. Pero nauna na siguro siya tapos hindi ako pwedeng pumasok dahil wala rin naman akong invitation. Tapos masaklap pa na wala akong load at wala na akong pera." wika nito at tuluyan na ngang tumulo ang likido sa mata ng dalaga.

"It's okay. It's okay. Use my phone to call your friend. Here" wika ng binata. Inabot ng binata kay Michelle ang cellphone nitong mamahalin pero natataranta pa rin ang lalaki at tila may hinahanap pang iba sa kaniyang bulsa. "I'm sorry, I don't have any handkerchief in my pocket and I'm terrible at comforting people. Sorry" dagdag pa niya. Hindi yata napansin ng lalaki na may hawak si Michelle na bimpo.

"It's okay. Hindi mo nga dapat ako tinutulungan eh. Kase di naman tayo magkakilala." sagot naman ni Michelle.

Tinignan naman niya ang phone na iniabot sa kaniya ni Sandro.

'Syet! Tangines! Naka-iPhone siya. Rich kid pala ito'

Hindi niya saulo ang numero ng kaibigan kaya't nahihiya man siya ay inilabas nito ang cellphone na mumurahin. Ito ang mga datihan pang cellphone na may keypad.

Napatitig si Michelle sa phone ni Sandro. Iniisip niya kung paano ito mabubuksan at kung paano makakapagtype ng numero upang matawagan ang kaibigan.

'Di ko alam kung paano gamitin 'to. Paano na 'yan?'

Pinindot niya ang bilog na button sa gitna at umilaw nga ang phone ng lalaki. Nakalagay dito ang 'slide to unlock' kaya sinunod nya ang direction. Nagbukas namna ito pero hindi alam ng dalaga ang susunod na gagawin, kung saan pipindutin, at kung paano makakapagdial.

'Wala naman kasi nito sa skwater e!'

Tumitig ito sa binata na animo'y nanghihingi ng tulong. Nakatitig rin ang binata sa kaniya at bakas sa mukha nito na naguguluhan din siya. Napakagat sa labi ang dalaga.

'Hihingi ba ako ng tulong? Nakakahiya kasi'

Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon