Chapter 6

245 8 1
                                    


"Ate, nandito na tayo. Tara na" sabi ni Ziah at bumaba ang dalawa sa sasakyan.

Pagkapasok ng dalawa sa restaurant, halos nakangiti sa kanila ang lahat ng empleyado. Ang iba'y nakukuha pang yumuko panandalian at bumati. Napansin naman ni Michelle na medyo marami nga ang tao sa restaurant ng mga aristokrata. Sabi kasi ng iba ay masarap ang mga pagkain dito, may kamahalan nga lamang.

"Ate, pili ka ng gusto mo." wika ni Ziah sa dalaga. Medyo nahiya naman ang dalaga.

"Ah eh, yung pinakamura nalang" wika nito ng walang pag-aalinlangan.

"Ah sige ate, ako na ang bahala." untag naman ni Ziah.

Nagkwento lamang ng nagkwento si Ziah hanggang sa unti unti nang nagsisidatingan ang mga inorder nitong pagkain. Halos mapuno ang kanilang lamesa ng mga putaheng masasarap. Medyo nahihiya na rin si Michelle sapagkat may ibang tao na pinagtitinginan sila at nagbubulungan.

"Ayan na, ate. Kain na tayo." aya ni Ziah

"Sige, Pray muna tayo."

MICHELLE POV

"Ate, gusto mo bang magtake out para sa kapatid mo?" tanong niya. Medyo nahihiya na ako pero parang gusto ko. Hahaha

"Ah eh. Ikaw bahala." wika ko.

"Sige ate. Pero pupunta muna tayo sa amin tapos kapag hinatid kita pauwi, tsaka na natin kukunin ha?" wika niya.

"Salamat" sabi ko sa kaniya.

"Sus wala yun ate. Ako nga dapat magpasalamat eh, kasi niligtas mo na nga buhay ko, sinamahan mo pa ako ngayon. Alam mo bang walang sumasama sa akin gumala?" wika niya.

Nang makarating na kami sa bahay nila, nalula talaga ako. Kasi ba naman, sobrang laki ng bahay nila. Yung bahay namin, i-times nyo sa 1000, ganun kalaki! Sobrang bongga rin ng design ng bahay nila. Balang araw, magkakaroon din kami ng ganito.

Nasa sala kami ngayon at may mga pagkain na naman sa lamesa nila.

"Ate diba nabanggit mo na bukas yung graduation nyo? Pwede ba akong pumunta?" tanong ko.

"Ha? Pwede naman. Sige pumunta ka." wika ko.

"Yehey! Maaga akong pupunta sa inyo ate. Salamat!" wika niya. Nako, gusto lang niya makita si Marck eh. Kabataan nga naman.

"Ate alam mo ba, bata pa ako pero pagdating ko ng 18, ipapakasal na agad ako. Matindi no?" wika niya.

"18?!" sigaw ko naman. Masyado pa siyang bata para dun ah!

"Oo ate. Arranged marriage kaya ganun. Akala mo hindi na uso yun sa panahon ngayon no? Hindi ah. Uso pa yun sa mga taong may hinahawakang malalaking negosyo. Ginagawa nila yun para lalo silang yumaman. Ang hipokrito diba?" kwento niya.

"Paano yan? Edi wala kang karapatang magmahal ng iba kase may itatali na agad sayo?" tanong ko.

"Oo ate. Ganyan talaga e. Si ate nga e 18 years old din nang makapangasawa. Mas mahirap siguro yung sitwasyon ni Ate kase yung pinakasalan niya, chinese na anak ng isang mayamang chinese businessman. At ang matindi pa dito ate, 29 years old na yung asawa niya nung ikasal sila. Lagpas 10 years din ang pagitan nila." kwento niya.

"Grabe naman yun." wika ko. Masyado din palang kumplikado buhay nila.

"Buti nga yung sa akin e. Pilipino siya at 23 years old lang. Kilala ko na din siya ate, at mabait pa. Kaso hindi ko gusto." wika niya. Buti naman yun. Kilala niya at magkakaintindihan din sila kase parehas sila ng kulturang ginagalawan.

Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon