Chapter 2

390 11 4
                                    


"I'm sorry, di ko alam kung paano gamitin ito eh." wika ni Michelle at akmang ibabalik sa lalaki ang phone.

"Okay lang. Just give me the numbers of your friend." wika naman ni Sandro at kinuha ang phone/

"0926132****" sagot naman ni Michelle. Itinype naman nito ang mga idiniktang numero at nagdial. Binigay ni Sandro sa kaniya ang phone at duon ay narinig ng dalaga ang 'hello' ni Kayelah.

"Hoy Kayelah walang hiya ka! Nasan ka na? Sobrang nakakaiyak ka! Wala akong dalang pera at wala na akong load! Imbag ta adda timulong kineak. Napintas na lalaki ay. Naangot pa." wika nito. Ilokano ang lengwaheng ginamit nito. Parehas sila ng kaibigan na nakaiintindi ng ilokano. Pakiwari ni Michelle na hindi ito alam ng lalaki kaya't hindi niya rin maiintindihan ang sinasabi nito.

'Talaga? Anong pangalan?' wika ni Kayelah sa kabilang linya. Napaisip naman ang dalaga. Nabanggit nga ba nito ang pangalan sa kaniya? Wala siyang natatandaan.

"Hindi ko alam. Erubui enim petere. Ano? Nasan ka na?" tanong ni Michelle. Lengwaheng latino naman ang ginamit niya. Natural lang talaga sa kanilang magkaibigan ang mag-usap gamit ang iba't ibang wikang natututunan nila ng sabay. Hilig na rin ng dalawa ang pag-aralan lahat ng wika sa mundo dahil nangangarap sila na makapagtravel ng magkasama sa buong mundo.

'Hindi pa ako pumapasok dun. Nandito pa ako sa 711, hinihintay ko pa si Jomar. Gusto mo pumunta ka na dito?' wika ni Kayelah. Si Jomar ang kasintahan nito na isa ring anak mayaman. Hindi nga lang halata sa couple na ito na mayayaman sila dahil kasing baliw niya ang mga ito.

"Edi na-OP naman ako sa inyo!" kumento niya. 'Ano sila, naglalandian. Tapos ako, nakatunganga lang?'

'Sige bahala ka, baka mamaya pa ako diyan.' wika ng kaibigan.

"Sige pupunta na ako. Basta hintayin mo ako ha! Wala na akong load, umayos ka!" banta ni Michelle.

Binigay na ng dalaga ang iphone nito sa lalaki. Ngumiti siya dito at gumana na naman ang pagiging observer niya.

'White T-shirt, black slacks and makintab na leather shoes. Trabahador 'to sa hotel. Ganito yung pormahan doon ng mga janitor e.' wika niya sa isip.

'Pero paano siya nagkaroon ng ganoong kagandang phone? Sobrang sipag niya siguro, o baka ninakaw ito. Ano ba 'yan! Nagjujump na naman ako sa conclusion ko.' napailing na lamang ang dalaga upang tanggalin ang mga maling naiisip niya.

"Thank you pala sa pagpapahiram. Maraming salamat talaga." nakangiting wika ni Michelle sa lalaki.

"My name is Sandro. You can call me Sandy if you think my name is too weird for our age. And thank you for the compliment earlier." ika nito nang nakangisi. Bumilog naman ang mga mata ni Michelle at medyo manula ang mga pisngi.

'Naintindihan ba nito yung mga sinabi ko kanina? Juskolord'

"Ha?" painosenteng tanong ng dalaga. Medyo lumambot rin ang tono ng boses nito.

" Imbag ta adda timulong kineak. Napintas na lalaki ay naangot pa. It means 'buti naman. Magandang lalaki na, mabango pa.' And Erubui enim petere means 'nahihiya akong magtanong'. Am I right?" tanong ni Sandro ng nakangisi. Saulong saulo niya pa ang mga eksaktong salita na sinabi ni Michelle.

'Human translator ba siya?' Bigla tuloy tinamaan ng hiya ang madaldal na dalaga. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito pero bumabagabag sa kaniya na kung aalis agad siya ay nakakabastos naman.

Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon