Isang madagundong na musika ang sumalubong kay Michelle at sa Papa niya pagkarating ng kaniyang unibersidad. Marami rami rin ang taong nasa kaganapan upang ipagdiwang ang pagtatapos ng mga kolehiyong nagsunog ng kilay sa kanilang pang-araw araw na buhay. Kanina pa namamasa ang mga kamay ni Michelle dahil sa kaba. Hindi ito ang unang beses na magtatalumpati siya sa harap ng maraming tao. Kada graduation niya ay nagi-speech siya pero kakaiba ang pakiramdam ngayon. Para bang may kakaibang bagay na mangyayari mamaya. Hindi rin alam ng ama ng dalaga na magtatalumpati ito sapagkat hindi ito nagsabi upang gawing surpresa. Ang kapatid naman nito na si Marck ay hindi raw makakanood dahil may post quiz na.
Nang makaupo sa designated seats ang mga estudyante at parents ay nagsimula na ang programa. Maraming tao ang bulwagan kaya't hindi maalis alis ang ingay kahit nagsisimula ng magsalita ang emcee ng programa. Hindi na rin inintindi ni Michelle ang takbo ng programa dahil lubos siyang kinakabahan. Buong oras lamang siyang nakapikit habang pabulong na inirerecite ang kaniyang graduation speech.
"For the words of gratitude and inspirational message, may we call on Miss Michelle Elgin Esperame, the 4th Summa Cum Laude in the history of our university, the top 1 in this batch. Let's give her a round of applause." wika ng emcee. Napamulat siya at napatingin sa ama nito. Nakita niya ang reaksyon nitong gulat na gulat at tuwang tuwang. Si Ellize naman na nakakanlong sa kandungan ng kaniyang ama ay walang reaksyon. Marahil ay wala itong naiintindihan sa programa.
'Siguro nga ay ako nalang talaga ang di pa nakakatanggap sa kaniya. Di naman ako masama pero inaamin ko na may parte sa akin na naaawa sa kaniya at may parteng ayaw na ayaw ko.' Untag niya sa sarili bago umapak sa entablado.
"U-una sa lahat, nais kong gamitin ang ating unang w-wika at 2nd language para iparating ng ma-maayos ang aking talumpati. Pasensya na at medyo kinakabahan ako dahil hindi ko akalain na sobrang dami pala ng taong nandirito ngayon." nanginginig at nauutal na wika niya.
"GO BESTIE! KAYA MO YAAAAN! NANDITO LANG AKO!" sigaw ng isang babae mula sa gilid ng entablado, napatingin siya rito at maging ang lahat ng tao sa event ay napatingin kay Kayelah. May hawak hawak itong tarpaulin na nakalagay ang mukha ng dalaga at may congratulation message pa. Kasama nito sila Marck, Jomar at Sensen na may dala dala namang mga lobo. Lihim na napangiti ang dalaga. Nakatutulong rin pala ang kabaliwan ng kaibigan niya sa pagkawala ng kaba niya.
"Sa aking talumpati, hindi kahirapan ang aking pupuntuhin bilang mahirap na nakakuha ng top. Nais kong pasadahan ng maigi sa aking sanaysay na babanggitin ang tunay na sakit ng lipunan. Bakit ko pa nga ba pupuntuhin ang kahirapan kung hindi naman ito naging hadlang para sa akin? Siguro bilang mahirap, kung may isang problema man ang kumunidad na kinakaharap, ito ay kanilang mentalidad. Mentalidad na humusga ng tao kahit wala naman silang tunay na alam. May tatlong aral at kasabihan lang akong nais ibahagi sa inyo. Tatlong kasabihang naging sandigan ko upang makarating sa kinaroroonan ko ngayon. Pero bago ang lahat, magpapakilala muna ako. Ako si Michelle Esperame, 21 years old, batang skwater, produkto ng isang sirang pamilya, isang kahig isang tuka, 90 percent na matiyaga at 10 percent na swerte. Marahil ay marami sa mga nanonood ngayon ay maaawa sa sitwasyon ko ngayon ay marami ang mayayabangan. Tanggapin na natin. Tanggapin na nating nakatira tayo sa isang mapanghusgang lipunan. Isang lipunang walang kakayahang respetuhin ang opinion at saloobin ng iba. Isang lipunang bastos ang tingin sa taong walang kibo. Isang lipunang tumitinging salot sa mga mahihirap. Isang lipunang magsasabi ng 'buti nga' sa mga nawasak na pamilya. At isang lipunang hirap tumanggap ng bunga ng pagkakamali. Ganitong sitwasyon ang makakasalubong natin pagkalabas natin ng eskwelahang ito. Ito ang reyalidad na hindi mo kayang iwasan. Katotohanang sasampal sa iyo bilang taong nabuhay sa ika dalawamput't isang siglo. Pagharap sa hamon ng lipunan, at pagiging ikaw lamang ang tanging solusyon sa talamak na problemang ito. Wag mong piliting makibagay, wag mong babaguhin ang sarili mo para sa iba dahil kung ano ka, ikaw talaga yan. Bago pa man humaba ang aking talumpati, nais kong magpasalamat sa Diyos na nagbigay ng napakaraming mabibigat na dagok sa aking buhay. Maraming salamat Panginoon at dahil sa Iyo ay naging matibay at matatag ako. Salamat aking Diyos sa lahat lahat. Nais ko ring pasalamatan ang aking ama na siyang nakasama ko sa pagharap sa realidad ng buhay. Salamat rin sa lahat Papa. Maging sa mga naging kabigan ko, maraming salamat sa inyo." tumingin ang dalaga sa lahat at animo'y binalot ng katahimikan ang bulwagan.
BINABASA MO ANG
Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic)
FanfictionSimula ng magkawatak watak ang pamilya ni Michelle Esperame, hindi na ito nakaranas ng buhay dalagang uri ng pamumuhay. Isinilang man siyang may gintong kutsara sa bibig, unti unti naman itong nawala dahil sa pagkakamali ng kaniyang ina na. Hindi na...